Epilogue

212 6 0
                                    

Epilogue

"Before I end up this story. I want you to learn something from the characters. And I want you all to make things right after reading this 'Epilogue' before everything got ruined."

We realized every little things when we realized that we make mistakes.

Minsan sa buhay, may pagkakataong kailangan nating lumayo. Hindi dahil ayaw na natin, kundi dahil ayaw nating may masaktan.

Minsan kailangan natin silang layuan para sa kanilang kapakanan kahit na masakit.

Sa reyalidad, hindi natin nakikita kung ano talaga ang nararamdaman ng isa. Hindi natin namamalayan, kung ano nga ba ang pinagdadaanan niya. Kung bakit niya ba ginawa ang isang bagay na 'yun o kung anong dahilan niya sa biglaan niyang paglisan.

Pag iniwan kasi tayo ng taong mahal natin, iniisip natin minsan ang mga bagay na mahirap sagutin.

Iniisip natin ang mga bagay na di kayang sambitin.

Iniisip natin kung paano tatanggapin.

Iniisip natin kung bakit ang huling taong minahal natin ay iiwanan ka din.

Minsan pa nga, Nagtatanong pa tayo...

"Nagkulang ba ako?"

"May mali ba ako?"

"Mahal pa ba niya ako?"

"Hindi pa ba sapat lahat ng sakripisyong ginagawa ko?"

"Bakit parang kasalanan ko?"

"Bibitaw na rin ba ako?"

"Susuko na ba ako?..."

"...O aalamin ko ba kung anong dahilan niya?"

"Ako parin ba?..."

"...O baka may iba na siya?"

Ang pag-ibig, minsan ganyan talaga 'yan! Ipaparamdam na gusto ka rin niya. Mahuhulog ka sa kanya. Tapos sa huli, nagsisinungaling lang pala siya. Hindi kasi natin alam na isa pala tayo sa kanyang binibiktima.

Pero hindi palaging ganyan ang pag-ibig dahil ang pag-ibig ay sakripisyo.

Love is a sacrifice that every persons commits. The opposite of love is not hate. It is indifference.

Because indifference is the absence of love.

Minsan kasi nag bubulag-bulagan tayo sa mga tao na gustong iparamdam satin kung ano nga ba ang pag-ibig. O kaya naman minsan, sadyang 'di lang natin sila nakikita. Kaya naman we hated love as we felt the absence of it because of our own mistakes.

Tayo rin kasi ang may kasalanan kung bakit tayo naguguluhan kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng pag-ibig. Iba-iba kasi ang ating naranasan.

Love is different.

Minsan 'di natin namamalayan na habang nasasaktan ka sa harapan. May tao palang mas nasasaktan sa iyong likuran. Na habang nakikita ka niyang nasa piling ng iba. Pa-simple na lang siyang ngumingiti at sumasambit ng...

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon