Part XXXV

189 7 0
                                    

Author's Point of View

*Ambulance Noise*
Ibinaba na si Nathan sa ambulansya habang sobrang naguguluhan naman si Alexia. Papasok narin sana siya sa loob ng emergency room pero biglang nahagip ng mata niya ang isang lalaki.

*dug.. dug.. dug..*
Nakita niya pa ang isang lalaki. Nag apoy sa galit si Alexia kaya sinundan nito ang dalawang lalaki. Nakita niya sila sa gilid ng elevator. May dumaang mga tao at bigla itong nawala.

Nakita niya naman itong naakyat sa hagdanan kaya sinundan niya ito ng mabilis. Mabilis ring nawawala ang dalawang lalaki. Pero sinundan lang niya ito ng sinundan hanggang sa may rooftop.

Nakarating siya roon, hinanap niya sa paligid pero walang ibang tao doon. Nang biglang may nagsara ng pinto kaya napaharap siya rito.

"ADONIS!"
May pangigigil niyang bulong.

"ANO BANG KAILANGAN MO SA'KIN HA? BAKIT HANGGANG PANAGINIP 'DI MO AKO TINATANTANAN??"
Pagalit niyang salita habang naglalakad siya ng mabilis at pagalit para sugudin si Adonis.

"BAKIT KAILANGAN NIYO PANG MANDAMAY NG TAO??"
Sinuntok niya ito. Pero parang hangin ang nasuntok niya dahil bigla itong nawala. Napaharap naman siya sa likod niya ng may biglang nag salita.

"Hindi kami nag pumunta dito para makipagtalo."

"KYLE!!"

"Oo ako nga princess..."

"ANO BANG PROBLEMA NIYO? IF THIS IS YOUR KIND OF JOKE. IT'S NOT FUNNY!"

"Nanganganib na ang buhay mo Princess. Kailangan mo ng bumalik sa mundo natin para harapin ang katotohanan?"

"ANO BANG KATOTOHANANG PINAG SASABI NIYO HA? ALAM NIYO KUNG ANO ANG TUNAY NA KATOTOHANAN? ANG KATOTOHANAN NA BAKA MAULIT NANAMAN SA'KIN ANG NAKARAAN, NG DAHIL SA INYO NANGANGANIB ANG BUHAY NI NATHAN!!"

"Hindi kami ang kalaban mo!..."
Napatingin si Alexia kay Kyle sa sinabi niya.

"... Hindi kami ang may kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon si Nathan!..."

"Ano? Naguguluhan ako! Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal ka na niyang minamanmanan. Matagal ka na niyang gustong patayin. At ngayon unti-unti ka na niyang pinapahina. Unti-unti na niyang kinukuha lahat ng sayo. At kung 'di ka kikilos pati si Nathan. Mawawala sayo."

"Yung panaginip ko!"
Bulong ni alexia sa sarili niya.

"Oo Alexia! Totoo ang panaginip mo. Ikaw ang itinakda. Sumama ka sa'min! Bumalik kana sa Discreet World. Bumalik kana sa mundo natin."
Napatungo si Alexia at napakunot ang noo.

"HINDI!! HINDI AKO SASAMA SA INYO!!"
Nasa pinakang dulo si Kyle at Adonis ng rooftop.

Tumango lng si Kyle at bigla silang humakbang patalikod kaya tuluyan silang nahulog sa pangatlong palapag ng hospital. Tumakbo agad si Alexia papalapit sa babagsakan nila.

Tumingin siya sa ground floor pero bigla na lng nawala ang dalawang yun. Ni kahit katiting na bakas ng pagkalaglag nila ay hindi niya naramdaman o nakita. Naka tingin parin si Alexia sa baba habang siya ay nasa rooftop ng biglang humagip sa mata niya ang kotseng itim. Tinitigan lng iyun ng masama ni Alexia at napansin naman nung driver ng kotse na nakita siya ni Alexia kaya humarurot na agad papalayo yung kotse. Wala na siyang panahon para bumaba sa hagdan dahil hindi niya hahayaang mawala sa paningin niya ang kotseng iyun. Kaya tinalon niya ang third floor at bumagsak siya ng walang galos.

Tumakbo naman si Alexia na sobrang tulin. 'Di niya na namamalayang napakabilis niyang tumakbo. Maabutan na sana niya yung kotse pero biglang lumiko ito sa ibang direksyon. Umisip naman siya ng paraan kung paano niya ito aabutan at nakaisip naman siya agad. Nag shortcut siya sa may iskinita at di man lang nya naramdaman ang pagkapagod at hingal sa sobrang galit niya. Pinindot niya ang alarm sa emergency call ng Triple A na nasa batok niya at alam na naman ng triple A ang ibig niyang sabihin. Naabot niya ang dulo ng iskinita sabay ng pagdaan ng kotse kaya tumalon siya roon. Nasa ibabaw na siya ngayon ng kotse. Umakyat siya sa pinakang tuktok ng kotse para maabutan ang nag da-drive. Sinuntok niya ang nag da-drive hanggang sa makaabot sila sa lugar na walang katao-tao. Inaagaw niya ang manobela mula sa taas.

* BOOGGGSSSHH *

'Di nila namalayan na mababangga na sila sa pader. Dahil doon nag karoon ng pagkakataon si Alexia na harapin ang driver pero mabilis palang nakalabas ito ng kotse. Nakamask ang driver kaya 'di niya ito mamukaan. Hinabol niya ito at sa pagkahabol niya ay nahawakan niya ang likod ng driver pero hindi niya ito natanggal.

Lumugay ang buhok nito 'tsaka lang nya napagtanto na isa itong babae. Hinabol lng nya ito ng hinabol hanggang sa wala ng matakbuhan ang babae. Huminto iyun at huminto din siya. Nakatalikod parin siya kay Alexia. Susugudin na sana ni Alexia pero lumingon ito ng patagilid at nakita ni Alexia ang kalahating muka nito. Tila naguluhan siya at napako sa pagkakatayo niya. Isang pamilyar na babae ang nakita niya.

Agad nag pausok yung babae at nawala ng parang bula. Inisip niya ng inisip kung sino ang pamilyar na babaeng iyun. Napatungo siya. Napatingin siya sa kinatatayuan niya at doon lang niya napagtanto na nasa lumang parke nanaman siya.

"Ano? Naniniwala kana?"
Tumingin siya sa likod kung saan naroroon ang boses !

"Oo! Naniniwala na ako! pero... Bakit? Paano?"
Sagot niya kay Kyle.

"Ikaw ang kapatid ko! Ikaw ang Firstborn Princess ng Mundo ng Misteryo. Noon pa man, Ikaw na ang itinadhanang tatalo sa mg Black Enchanters. Ikaw ang nakatadhanang tumalo sa Black Queen. Pero bata ka pa noon nung lumakas ang kapangyarihan ng mga kalaban at wala ka pang kapangyarihan noon, dahil nakatadhana na lalabas ang lahat ng taglay mong kapangyarihan sa edad na 18."
-Paliwanag ni kyle

"Itinago ka namin dito sa mundo ng mga mortal para di ka nila mahanap! Iniwan ko ang Amulet sa tabi kung saan ka namin iniwan."
-Adonis

"Ang kwentas!!"
Bulong ni Alexia.

"Oo Alexia! Agad-agad lalabas ang 'yong mga kapangyarihan kapag isinuot mo ang kwentas sa edad na 18."
-Kyle

"Pero? Wala akong naramdaman na kapangyarihan! Nahilo lang ako. Nahimatay at naalala ang ibang mga imahe sa nakaraan. Wala akong kakaibang naramdaman!"
Nagtinginan naman si Kyle at Adonis sa narinig niya kay Alexia!

"HINDI KAYA?"
-Silang dalawa.

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon