Part XXXXXI

82 5 0
                                    

Third Person's Point of View

Nandito ako ngayon sa Hospital. Kasalukuyan akong nag babantay sa isang pasyente.

"Sir! Huminahon kayo sir!"
-Nurse

"Nasa'n ako? Ba't ako nandito?! Ilabas niyo ako!"
-Pasyente

Agad akong tumakbo sa kung saan nanggaling ang mga boses na 'yun. Dinala ako nun sa boses ng binabantayan kong matagal ng hindi nagigising. Nagulat ako sa nangyari. Tuwang-tuwa ang aking mga mata.

"Ako na po dito!"
Sabi ko sa Nurse.

"TULUNGAN MO'KO! Kailangan kong makaalis dito! HINAHANAP NA AKO!"
Sigaw nito sa'kin na pilit tinatanggal ang mga nakakabit sa kanyang katawan.

"HUMINAHON KA!"

"Hindi puwede!"

" Tito!..."

"Hindi!"

"TITO!!"
Napahinto at napalingon ang lalaking ito.

"...Himinahon ka!"
Agad naman itong kumalma.

"Kailangan kong makaalis dito!"
Sabi nito.

"Alam ko tito! Pero kailangan mo munang mag pahinga! Makakasama sayo 'yan!"
Tumahimik siya na tila nag iisip ng bigla siyang may binulong.

"NAM!?..."
Bulong nito.

"Si NAM?!..."

"... NAAMMM! GISING NA AKO NAM! NANDITO NA AKO!"

"Tito! Tito! Wait! Tito!"

"ALLEXXIIAA!"
Sigaw pa nito.

"Nasa'n si Alexia? Kailangan ko siyang makita! ..."

"Tito Nathan, huminahon ka!"
Sabi ko.

"Nasa'n siya?"
Hindi ako makapag salita sa tanong niya!

"May pinuntahan po siya Tito. Malayong lugar."

"Saan? Saang malayo? Si Aeroll? Si Arice? Nasa'n sila? Teka! Sino kabba?"

"Aeouxz po, Aeouxz Margaux De Vera Perez!"

Nathan's Point of View

Nagtaka ako sa narinig ko. Isa siyang De Vera?

"De Vera? Isa kang De Vera?"
Tanong ko. Tumango siya.

"Anak po ako ni Neil Alexia Maria De Vera Perez."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Anak siya ni Alexia? Kung ganun tumupad siya sa pangako niya! Pero nasa'n siya ngayon?

Ts'ka kung may anak siya? Paano nangyaring gan'to na kalaki ang anak niya? Inampon ba niya 'to? Ilang araw pa lang naman siguro akong tulog ah! Naguluhan ako!

Tumingin ako sa paligid. Bakit ganto ang paligid?

"Nasa'n ako?"

"Nasa hospital ka parin Tito Nathan."
Bumaba ako sa kama ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang mga bagay na ikinagulat ko.

"Bakit ganito? Anong nangyari?!! BAKIT GANITO? Nasa'n ako?"

"Kumalma ka tito!"
Tumahimik ako saglit.

This can't be! Naguguluhan ako!

"Anong araw ngayon?"
Malumanay kong tanong.

"July 1!..."
Lumingon ako ng kunti sa kaniya.



"July 1, 2064!"

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon