"Diyosmiyong bata ka hindi ka namin nakilala! Akala ko ay napasok na kami ng artista," paulit-ulit na bulalas ni tita Mira na ina ni Harry at Hannah mula pa ng pagbuksan ni Chad ng pinto ang mga ito at magpakilala siya sa mga ito.
Sabay pa silang natawa ni tito Harold habang nakatingin dito. "Tita you are giving me too much credit. Mas artistahin si Harry kaysa sa akin," pabirong sabi niya rito at inakbayan pa ito. He adores his friend's mother. Kahit noong nag-aaral pa sila at madalas siya sa bahay ng mga ito ay hindi ito nagpakita sa kaniya ng hindi maganda. Kung asikasuhin siya nito ay parang anak na rin.
Kaya naman masaya siya na hanggang ngayon ay hindi nagbago iyon. Ayon nga at nang malaman nitong siya si Chad ay nakita niyang namilog ang mga mata nito sa kagalakang makita siya. At masaya rin siyang makita ito. Mula ng mawala ang nanay niya ay ito lamang ang nakita niyang maraming beses niyang nasabing masarap maging ina.
"Naku, pareho lang kayo ni Harry. Pero nakakagulat kang bata ka. Noong huli kitang makita ay napakapayat mo ah! Ngayon ay tingnan mo naman machong macho ka na. Mas macho ka pa sa anak na abogado ng amiga ko. Ikaw bang may girlfriend na?" di pa rin paawat na tanong nito.
Napangisi siya. "Naku tita kaya gustong gusto kita e. Hindi ka marunong magsinungaling. At wala ho akong girlfriend. Masyadong busy para diyan," sagot niya.
Bumakas ang tila panghihilakbot sa mukha nito. "Wala?! Naku parehong pareho nga kayo ng kaibigan mo. Ang tatanda niyo na ay mukhang wala pa kayong balak mag-asawa. Ay teka asan nga pala ang mga iyon? Nasaan si Harry at Hannah?" biglang tanong nito.
"At ngayon mo lang talaga itinanong kung nasaan ang mga anak mo," natatawang puna ng asawa nito. Tiningnan pa siya nito at ngumiti. Napangiti na rin siya. Gustong gusto niya rin ito. He was cool. Hindi iyong tipo ng tatay na nakakatakot na gaya ng mga napapanood sa t.v.
Umingos si tita Mira. "E sa natuwa lang akong makita si Chad. Katagal ko ng hindi nakita ang batang ito. Pero asan nga sila?" muling tanong nito na luminga-linga pa.
"Natutulog pa ho si Harry. Si Hannah naman na-nasa kuwarto niya. Baka pababa na rin iyon," aniya. Bahagya siyang tumikhim. Ang sasabihin niya sana ay kakaligo lamang ni Hannah at nagbibihis pero nang bigla niyang maalala ang itsura nito kanina ay bigla siyang napabago ng sagot. Kung tutuusin ay wala namang masama kung sabihin man niya iyon. Kaso ay nailang siya.
Bigla na namang sumagi sa isip niya ang itsura nito nang lumabas siya ng kuwarto. Ang totoo ay nagulat siyang makita ito sa ganoong ayos. Ang akala niya kasi ay nasa banyo pa ito kaya nang makarinig siya ng busina ay lumabas siya upang magbukas ng pinto. And then he got a glimpse of heaven.
Nakatapis lang ito ng tuwalya na ang haba ay hanggang kalahati lamang ng hita nito. Basang-basa pa ang buhok nito at may mga patak pa ng tubig sa parte ng katawan nitong hindi natatakpan ng tuwalya. She looked so sexy kahit pa sandali lamang niya sinulyapan ang katawan nito. Natakot kasi siya na baka mabastusan ito sa kaniya at hindi na maging friendly sa kaniya. Kaya mas pinili niyang itutok na lang sa mukha nito ang tingin niya at nagkunwa'y hindi siya apektado ng nakita niya. At nang makita niyang namula ito at tumalikod na siya kaagad. Ang kaso kahit sandali lamang niya iyong nasulyapan ay tila napagkit na sa isip niya ang itsura nito.
"At para saan ang tikhim na iyon?" pukaw sa kaniya ni tita Mira. Nang lingunin niya ito ay may nagtatakang kislap na ang mga mata nito.
Bigla siyang nailang at pasimpleng lumayo dito. Muntik na niyang makalimutang matalas ang pakiramdam at may pagkaususera ang mama ni Harry. Hindi pa siya nakakasagot nang makarinig siya nang mabilis na yabag ng kung sinong bumababa ng hagdan. "Mama! Papa!"
Sabay-sabay silang napalingon kay Hannah na bumaba ng hagdan. Nakangiting sinalubong nito ng yakap ang mga magulang nito. Dito na nabaling ang atensiyon ng mga magulang nito at maging siya. Habang nagkukumustahan ang mga ito ay tahimik niya itong pinagmasdan.
Kagabi nang makita niya ito at makausap ay napagtanto niyang malaki ang pinag-iba nito. Hindi lang pisikal dahil aminado siyang mas maganda at mature itong tingnan ngayon. Higit pa roon ang nakita niyang pagbabago dito. Napansin kasi niya na kahit nakangiti ito ay parang hindi iyon kapareho ng ngiti na nakikita niya rito dati. Parang may kulang. Parang walang masyadong kislap ang mga mata nito na gaya ng nakita niya noong gabing umuwi ito kasama ang date nito maraming taon na ang nakalilipas. He wondered why. Wala pang naikukwento si Harry tungkol doon dahil saglit lang naman sila mag-usap sa telepono dati.
"May dala kaming pagkain padala ng tita mo. Kumain ka muna bago ka pumasok ha," sabi ng mama nito na nagpakurap sa kaniya. Pagkuwa'y bumaling ito sa kaniya. "Chad, ikaw rin kumain na tayo. Teka at maghahain ako."
Ngumiti siya. "Sige ho." Napatingin sa kaniya si Hannah. Ngingitian din sana niya ito nang bigla itong mag-iwas ng tingin. Nagpatiuna pa itong pumasok sa kusina. Napasunod na lang siya ng tingin dito. Mukhang nagalit na yata ito sa kaniya. Napansin ba nito na tiningnan niya ang katawan nito kanina? Aware ba ito na hanggang sa mga oras na iyon ay malinaw pa rin sa isip niya iyon?
"Chad hijo pwede bang pakigising pala muna si Harry para sabay-sabay na tayong kumain? Sabihin mo na lang sa kaniya na matulog na lang siya ulit mamaya kung wala siyang trabaho," pukaw sa kaniya ni tita Mira.
Bumaling siya rito. Nakatingin ito sa kaniya. Nabahala siya sa misteryosong kislap sa mga mata nito kaya napangiting tumango na lang siya. Pagkuwa'y tumalima na siya.
GUSTONG pagalitan ni Hannah ang sarili niya dahil bigla siyang nag-iwas ng tingin nang magkasalubong ang tingin nilang dalawa ni Chad kanina. Baka mamaya ay napansin nito iyon at maisip nito na masyado siyang apektado sa pagkakakita nito sa kaniyang nakatapis lamang ng tuwalya. Pero nagawa na niya iyon at wala na siyang magagawa pa.
"Wow ang sarap ng pagkain." Napabaling siya sa bukana ng kusina nang magsalita ang kapatid niya. Halatang bagong gising ito base sa gulo ng buhok nito. Kasunod nito si Chad na hindi tumingin sa kaniya. Magkasabay pang umupo ang mga ito sa silya.
"Talagang masarap iyan. Tara nang kumain," sabi ng mama niya at sinalinan pa ng pagkain ang dalawa. Saglit pa ay abala na sila sa pagkain. Ang mama at papa naman niya ay binato ng kung anu-anong tanong si Chad na willing na willing namang sumagot. Siya naman ay tahimik lamang na kumain.
Nalaman niya na hindi pala basta doktor si Chad. Nagmemedical mission pala ito sa kung saan-saang panig ng mga third world countries. Kagagaling nga lang daw nito sa medical mission nito sa Africa. Ilang linggo lang daw pala itong magbabakasyon at dahil wala itong pamilya ay doon muna ito sa kanila tutuloy. Marami pang pinag-usapan ang mga ito pero isa lamang ang natanim sa isip niya. Aalis din ito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng bahagyang disappointment sa isiping iyon.
"O Hannah bakit hindi ka kumain ng kumain? Papasok ka pa hindi ba?" pukaw sa kaniya ng mama niya na nagpakurap sa kaniya. Bigla natagpuan niya ang sarili niyang nakatitig sa mga mata ni Chad. Wala sa loob na tinititigan pala niya ito! And he's actually staring back at her.
"Oy sis? May sakit ka ba?" puna naman ni Harry.
Mabilis na inalis niya ang tingin kay Chad at bumaling sa mga ito. Takang nakatingin sa kaniya ang kapatid niya. Ang mama naman niya ay may tipid na ngiti sa mga labi na kilalang kilala niya. May naiisip itong kalokohan nararamdaman niya. Bigla tuloy siyang nailang.
"I'm okay. Naalala ko lang na may kailangan akong ayusin sa restaurant at kailangan kong magpunta doon ng mas maaga. Doon na lang ako kakain talaga," aniya at tumayo na. Lumapit siya sa parents niya at humalik sa pisngi ng mga ito. Pagkatapos ay kay Harry naman.
Nang mapabaling siya kay Chad ay ngumiti ito. "Ingat ka Hannah," sabi nito sa kaniya.
Gumanti siya ng ngiti. "I will." Muli siyang bumaling sa mga ito. "Alis na ho ako." Pinigilan niya ang sariling sumulyap ulit kay Chad at umalis na.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...