HANGGANG ngayon, kahit ilang beses ng nangyari sa mahabang panahon ay hindi pa rin malaman ni Harry ang dahilan kung bakit kapag ngumingiti na ng ganoon si Rica sa kaniya ay awtomatikong gumagaan na ang pakiramdam niya. Lalo pa at nararamdaman niya ang marahang haplos ng kamay nito sa likod niya. Ngunit bahagyang nawala ang pagkarelax niya nang muli siyang mapatingin kay Enrico. Anong ginagawa nito roon pagkatapos niyang sabihin dito kahapon na huwag na huwag na itong lalapit pa kay Rica?
"I just came here to apologize to her Harry. Hindi mo ako kailangang titigan ng ganiyan," sabi ni Enrico na tila nabasa ang iniisip niya.
Tiningnan niya si Rica upang kumirmahin iyon at marahan itong tumango. "Sinabi niya sa akin ang ginawa mo sa kaniya kahapon. Kaya pinatawad ko na siya kasi naiganti mo na ako," malumanay na usal nito. Nakangiti pa rin ito at napahigpit ang pagkakahawak niya sa balikat nito upang pigilan ang sariling yumuko upang halikan ito.
Sa halip ay hinatak niya ang upuan sa tabi ni Rica at umupo doon. Hindi niya inalis ang braso sa balikat nito at derektang tiningnan si Enrico. "Huwag mong isipin na dahil pinatawad ka na niya ay pwede mo na siya ulit lapitan kung kailan mo gusto," hindi niya naiwasang banta.
Natawa ito at napailing. "Wala akong balak masuntok ulit Harry. Not in the hospital. Aalis na rin ako," sagot nito at tumayo na. Naglalakad na ito palayo nang bigla itong tumigil at lumingon sa kaniya. "Oo nga pala. I've been hearing rumors lately. Totoo ba iyon?"
Natigilan siya at napatiim bagang. "No."
Marahan itong tumango. "But still, I suggest you do something about it. Dahil kung hindi baka iyon pa ang maging dahilan para mawala sa iyo ang kung ano talaga ang mahalaga sa iyo. Ikaw rin, mawawalan ng silbi ang pagsuntok mo sa akin." Iyon lang at tuluyan na itong umalis.
"Anong sinasabi niya?" takang tanong ni Rica dahilan kaya bumalik rito ang atensyon niya.
Huminga siya ng malalim at marahang hinaplos ang pisngi nito. "Wala iyon," sabi na lamang niya dahil ayaw niyang pag-alalahin pa ito. Lalo pa at alam niyang nasa isang sensitibong sitwasyon pa silang dalawa. Naninibago pa ito. And well, kahit naman siya. Ngunit sa kanilang dalawa alam niyang mas sigurado siya sa nararamdaman niya kaya hindi siya nagpapanic na gaya nito. Isa pa matagal na niyang alam na may pagkaslow talaga ito pagdating sa sarili nito. In fact, he thinks she's adorable that way.
Tila nagdududa pa ring sinalubong nito ang tingin niya. "Sigurado ka?" tanong nito.
Napangiti siya at hindi na nakatiis. He bent his head and kissed her adorable lips. Natigilan ito ngunit natuwa siya na hindi ito umatras. He loves kissing her and it seems that she loves it too. Good. Hinigit niya ito palapit pa sa kaniya at pinalalim ang halik. He knew he could do this forever. In fact, if only he doesn't need to go back to the hospital later, he would want to sweep her off her feet and carry her home. Then they could just make love the whole night again.
"Oh my God!"
Pareho silang nagitla ni Rica at napakalas sa isa't isa nang makarinig ng impit na tili mula sa likuran nila. Nang mapatingin sila roon ay nakita niya ang nanlalaking mga mata nila Myra, Alaine, Jem. Elay at Kendra. Nakanganga pa ang mga ito habang nakatingin sa kanila.
"Ano itong nakita namin? Naghahalikan kayo dito sa restaurant. Kailan pa kayo naging ganiyan ka-intimate?" manghang bulalas ni Alaine.
Naramdaman niyang tinangkang pumiglas ni Rica sa pagkakaakbay niya rito ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito. Wala namang mangyayari kung idedeny pa nila. These girls are the closest of their friends. Dapat lang na malaman ng mga ito kung ano na ang relasyon nila ni Rica.
"Noong isang araw pa," sagot niya. Hindi niya naiwasang malangkapan ng pride ang tinig niya na kahit siya ay bahagyang nagulat doon.
"Harry!" marahas na saway ni Rica sa kaniya na may kasama pang hampas sa dibdib niya. Napaigik siya sa lakas niyon ngunit nang makitang namumula ng husto ang mukha nito ay natawa na siya.
"What? I'm just telling the truth. Rica, they are your bestfriends. They have the right to know," aniya rito.
Hindi ito umimik dahil sigurado siyang alam nitong tama siya. Sa halip ay muli siya nitong hinampas sa dibdib. "Bakit ka ba kasi halik ng halik? Nasa restaurant tayo," asik nito.
Lalo siyang natawa. "Sorry, I could not help it," he grinned.
Noon muling tumili ang mga kaibigan nito. Pagkatapos ay nagsipagsugod at pinagyayakap silang dalawa. "We are so happy for the both of you!" bulalas ni Myra.
"Diyos ko ang tagal tagal ngayon lang ninyo narealize na kayo ang para sa isa't isa," sabi naman ni Elay.
Sandali pa ay natatawa na siya sa mga pinagsasabi ng mga ito. Maging si Rica ay natatawa na rin. Nang magtama ang mga mata nila at makita ang kasiyahan sa mga mata nito ay tila may lumamutak sa puso niya. He reached for her hand and squeezed it. When she squeezed back, he felt like flying.
MABILIS na tumatahip ang dibdib ni Rica habang naglalakad siya patungo sa entrance ng ospital kung saan nagtatrabaho si Harry at Chad. May bitbit siyang plastic ng pagkain na naudyukan siya ni Elay at ni tita Mira na ihatid sa lalaki. Pumasyal kasi ito sa restaurant nila kanina kasama si Hannah at ang baby nito dahil tulad ng inaasahan niya ay umabot na sa mga ito ang balita tungkol sa kanila ni Harry. Tuwang tuwa ang dalawa at inudyukan siyang pasyalan ang binata.
Huminga siya ng malalim at tuluyan nang pumasok sa ospital. Lumapit muna siya sa receptionist upang itanong kung nasaan si Harry. Baka kasi nasa kalagitnaan pala ito ng pagoopera sa pasyente nito.
"Nasa Director's office po si Doc Harry," sagot ng isang receptionist doon.
"Sa tingin mo gaano katagal bago siya matapos doon?" tanong niya.
Nagkatinginan ito at ang isang nurse na naroon din bago sumagot. "Hindi ho namin sigurado ma'am. Personal yata ang dahilan kung bakit siya naroon dahil kasama niya ang fiancee niya na anak naman ng director namin. Ilang araw na po kasing balita na ikakasal na sila," sagot nito.
Napanganga siya. Si Harry ikakasal? At sa ibang babae? Bakit hindi nito sinabi iyon sa kaniya? Director's daughter... si Marcy! Pagkatapos ay naalala niya ang sinabi ni Enrico na may naririnig itong chismis. Pero hindi ba sinabi ni Harry dito na hindi iyon totoo? So what was he doing on their director's office with Marcy?
"Saan ang director's office?" tanong niya. Halatang nagulat ang mga ito ngunit binigyan naman siya ng mga ito ng direksyon. Halos takbuhin niya iyon. Gusto niyang malaman ang katotohanan. Mahal niya si Harry at alam niyang hindi siya ang tipo ng lalaking itetake advantage siya habang nakatakda na itong ikasal sa iba. Oo at sandali siyang nagpanic at nagduda. Pero iyon ay dahil sa sarili niyang insecurities at hindi dahil na kay Harry ang problema. Kaya malamang isa lang ang dahilan kung bakit may ganoong chismis - si Marcy.
Hindi siya papayag na mapikot nito ang nag-iisang lalaking minahal niya sa buhay niya. Hindi na uso ang martir na heroine ngayon. When it comes to love, kahit ang babae ay dapat pinaglalaban ang lalaking mahal nito. At iyon ang gagawin niya.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romanscover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...