HE kissed her as if her lips were the sweetest thing he ever tasted. Inilapat nito ang kamay sa batok niya upang lalo pang paglapitin ang mga mukha nila. Siya naman ay yumakap dito at gumanti ng halik. "I love you," he said in between kisses. Nag-init ang mga mata niya at niyakap ito. "Mahal na mahal din kita," sagot niya.
Huminto sa pagtipa sa laptop niya si Rica at nag-inat. Pagkatapos ay napatitig siya sa naisulat na niya at bahagyang napangiwi. "Bakit feeling ko nagamit ko na ang eksenang ito?" Pinakatitigan niya iyon bago nagdesisyong burahin ang buong eksena. Pagkatapos ay marahas siyang napabuga ng hangin dahil hindi na niya alam kung paano pupunan ang eksenang binura niya.
Napailing siya. Minsan talaga naiinis siya sa sarili niya kapag sinusumpong siya ng pagiging OC sa sinusulat niya. Ang kaso ayaw naman niyang basta-basta lang ang kalabasan ng mga nobela niya. Lalo na at lampas isang dekada na siyang nagsusulat at lampas dalawang daang libro na rin niya ang lumabas. Gusto naman niya na kahit papaano ay hindi maiisip ng mga mambabasa niya na pare-pareho na lang ang mga sinusulat niya.
Sumulyap siya sa orasan at nakitang alas kuwatro na ng umaga. Kaya naman pala masakit na ang likod niya ay apat na oras na siyang nagsusulat. Iyon kasi ang una niyang ginawa pagdating niya sa apartment niya kaninang alas dose ng madaling araw. Nagdesisyon siyang patayin na ang laptop niya at ipagpabukas na ang pagsusulat. O mas tamang sabihing ipagmamaya dahil ilang oras na lang ay sisikat na ang araw.
Lumabas muna siya sa silid niya upang uminom ng tubig at akmang dederetso sa kusina nang matigilan siya at mapatitig sa sala niya. Maliwanag ang buwan at dahil hinayaan niyang nakabukas ang kurtina sa glass door na papunta sa balcony ng apartment niya ay iyon ang nagbibigay ng liwanag sa sala. Tahimik na ang paligid. There was something about the silence of her place that made her heart ache a little. It feels so... lonely.
Bagay na noon lamang niya naisip patungkol sa sarili niyang bahay. She has a cozy home. Tama lamang ang laki niyon ngunit sapat na iyon sa kaniya. At kahit na maari naman siyang tumira sa bahay ng mga magulang niya dahil dalaga pa naman siya ay mas pinili niyang magsolo pagkagraduate pa lang niya ng kolehiyo.
Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging independent. At kahit nagdalawang isip ang mga magulang niya ay pinayagan rin siya ng mga ito. Noong mga panahong iyon kasi ay nag-asawa na ang ate niya at nagkaapo na ang mga ito. Pagkatapos ay nakipaghiwalay rin ito sa asawa nito dahil ubod pala ng babaero at nananakit pa. Sa bahay nila tumira ang ate niya at ang anak nito kaya nagkaroon siya ng pagkakataong idahilan na baka mahirapan siyang magsulat kung nasa bahay siya dahil madidistract siya sa ingay. Second year college pa lang kasi siya ay nagsusulat na siya ng romance para sa isang publication company na hanggang ngayon ay sinusulatan pa rin niya.
Gamit ang naipon niya mula sa mahigit tatlong taong pagsusulat ay nakuha niya ang apartment na iyon. Rent to own iyon kaya hindi masyadong mabigat sa bulsa. At dahil noong mga panahong iyon ay mabilis talaga siyang magsulat sa kabila ng pag-aaral niya sa kolehiyo ay malaki-laki rin ang naipon niya. Hindi rin naman kasi kinukuha ng mga magulang niya ang kinikita niya dahil may negosyong convenience store sila sa lugar nila. Binibigyan pa rin siya ng mga ito ng allowance noon dahil dalawa lang naman silang magkapatid ng ate niya. Bukod doon ay hindi naman talaga siya magastos. Noong mga panahong binabayaran niya pa iyon ay halos hindi naman siya lumalabas ng bahay at nagtitipid din siya sa pagkain.
Hindi rin gaya ng ibang manunulat ay nag full time writer talaga siya umpisa pa lang. Bukod kasi sa mahal talaga niya ang pagsusulat at sa tingin niya ay doon talaga siya magaling ay mas after kasi siya sa comfort at simplicity. Wala siyang ambisyong yumaman ng husto. Mahalaga lang sa kaniya ay natutustusan niya naman ang sarili niya at nagagawa pa nga niyang mag indulge sa kaunting luho. Noon pa man ay wala siyang interes pagurin ang sarili niya sa pagtatrabaho ng walong oras sa isang araw, anim na araw sa isang linggo. Mas gusto niya na hawak niya ang oras niya. Oo at may mga panahong tinatamaan siya ng depression at naiisip niyang iwan ang pagsusulat upang sumubok ng ibang field. Ngunit sa tuwina ay marerealize niya na mas mahal niya ang pagsusulat at hindi niya iyon maiwan-iwan. Kaya hayun siya, makalipas ang maraming taon, nagsusulat pa rin.
Aside from that, she was lucky that despite so many years of writing, she could still consider herself a prolific writer. Swerte rin na hindi siya nauubusan ng ideya. Minsan lang talaga ay tinatamaan siya ng boredom at mental stress kaya may mga panahong natatagalan bago siya makatapos ng manuscript.
Bagay na papadalas niyang nararamdaman habang lumilipas ang taon sa buhay niya. Katunayan, dahil sa boredom kaya more than four years ago ay nasuhestiyon niya sa mga long time best friends niya na magtayo sila ng negosyo. Doon nabuo ang plano nila sa ngayon ay ang restaurant na nilang pinangalan nilang Single Ladies' Buffet. Noong mga panahong iyon kasi ay single silang lahat.
Subalit hindi na ngayon. Ang anim na mga kaibigan niya kasi ay nagsipag-asawa na. May mga anak na nga ang halos lahat sa mga ito. Masaya siya para sa mga ito dahil natagpuan ng mga ito ang tunay na pag-ibig ng mga ito. Katunayan sa sobrang ganda ng mga love story ng mga ito ay naisulat na nga niya ang mga iyon at napagkaperahan na niya. Dahil sa mga ito narealize niya na posible pa lang mangyari sa tunay na buhay ang mga kwentong sinusulat niya. That there really are love stories as beautiful as those in books and movies. It also made her hope that the same thing might happen to her too.
Ngunit kung gaano kabilis na nabuhay ang pag-asang iyon ay ganoon rin iyon kabilis nawala. Habang tumatagal kasi ay naiisip niya na iba siya sa mga kaibigan niya. Na malabong matagpuan niya ang lalaking para sa kaniya kung mayroon man. Afterall, paano naman siya makakakilala ng lalaki kung mas madalas siyang magkulong sa apartment niya kaysa lumabas lalo na kapag may tinatapos siyang manuscript? Kung naglalakwatsa naman siya ay mas nakatuon ang atensyon niya sa lugar at titingnan lang niya ang mga lalaki para may magamit siya sa mga nobela niya. Kapag may nakuha na siyang ideya ay magkukuta na siyang muli sa apartment niya para magsulat.
Naging araw-araw lang ang pag-alis niya mula ng manganak si Hannah dahil siya ang tumatao sa restaurant nila bilang manager pero bukod doon ay bahay lang ulit siya. It was not as if her significant other will just suddenly enter their restaurant, right? Dahil kung ganoon nga ay di dapat matagal na niya itong natagpuan.
At sa totoo lang ay nafufrustrate siya na naiisip niya ang mga bagay na iyon. Kaya madalas siyang naiistress lately. Dati naman kasi hindi niya pinakaiisip ang tungkol doon. Katwiran niya noon kung darating darating, kung hindi okay lang din. Ang kaso ngayon tuwing nakikita niya kung gaano kasaya ang mga kaibigan niya ay hindi niya maiwasang mainggit. Nadedepress tuloy siya. At mahirap madepress kung mag-isa ka lang sa isang bahay at walang kausap. Because for some reason, she could not bring herself to call one of her friends to tell them what she feels. Bukod sa ayaw niyang abalahin ang mga ito sa quality time ng mga ito sa pamilya ng mga ito ay hindi rin niya magawang iopen iyon sa mga ito. Kaya hayun mag-isa siyang napapraning.
Napabuga siya ng hangin at marahas na napailing. "Makatulog na nga lang kaysa kung saan na naman ito mapunta," kausap niya sa sarili at mabilis na nagtungo sa kusina. Matapos uminom ng isang basong tubig ay nagbalik na rin siya sa kuwarto niya at pabagsak na humiga sa kama. Ngunit himbis na pumikit ay tumitig siya sa kisame. A pain starts to linger inside her chest again. Bakit nga ba sa napakaraming mga lalaki at babaeng nagkatuluyan sa mga nobela niya, bakit siya kasalukuyang natutulog sa kama ng mag-isa? Ni hindi nga siya nakikipag-date. Sinubukan niya iyon noong College siya at paminsan-minsan matapos niyon ngunit bakit sa tuwina hindi iyon nagwowork? Could it be that unlike her friends, she was bound to be alone forever with only her make believe heroes as her companion?
"Lord, huwag naman ganoon. Gusto mo bang buong buhay ko, tuwing nagkikita kami ng mga kaibigan ko ay nasa isang sulok ako at tahimik na kinukutkot ng inggit dahil sila masaya at ako hindi? Ayoko po ng ganoon."
Mariin siyang pumikit. Ngunit tumunog na ang alarm clock niya na nagpapatunay na kailangan na niyang bumangon dahil tatao pa siya sa restaurant nila ay hindi parin siya nakatulog.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...