GUSTONG mapailing ni Dillion dahil dalawang beses na siyang napapasunod na lamang ng tingin sa babaeng ngayon ay alam na niya ang pangalan. Ngayon ay sigurado na siyang hindi nga ito kasing bata ng una niyang akala. But now that he knows that, he could not resist the growing interest he feels towards her. Lalo na ngayong napagsalita na niya ito ng mas mahaba kaysa noong nasa elevator sila. Isa pa ay bilib siyang naging head siya ng isa sa mga departments doon kahit pa hindi ito konektado talaga sa kumpanya. Halos lahat ng boss doon ay kung hindi nila pinsang buo ay malayong mga kamag-anak. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang interes na nararamdaman niya at sa totoo lang ay wala siyang balak alamin kung bakit.
Naalis lang ang tingin niya sa pinto ng conference room nang maramdaman niya ang bahagyang suntok sa balikat niya. Napatingala siya kay Wendy at noon lang niya napagtanto na silang dalawa na lamang ang naroon. Nakataas ang mga kilay nito. "It's your first day here Dillion. Behave yourself okay?" pasermong sabi nito.
"What did I do?" painosenteng tanong niya.
Nanlaki ang mga mata nito at muntik na siyang matawa ngunit napigilan niya ang sarili. "Do you really want me to spell it out to you? You were flirting with an employee on your first day! At si Jem pa. You must be out of your mind if you think I will tolerate you, brother."
The way she said that got his attention. "Kanina ko pa napapansin that you are calling her informally hindi gaya ng pagtawag mo sa iba. You are close?" curious na tanong niya.
Lalong umangat ang kilay nito. "We are friends. At bukod doon ay isa siyang asset sa kumpanya. She's not the usual woman you keep on hanging with throughout your life. I don't want you to drag her to any of your quirks, do you understand me?" patuloy na sermon nito.
Napailing siya. "What do you mean quirks? I don't have quirks," aniya rito.
"Yes you have." Itinirik nito ang mga mata. "Fine, let me say this bluntly okay? Jem is a respectable woman. Hindi lang dahil career driven siya kung hindi dahil ganoon talaga ang karakter niya. Base sa nakita ko kanina ay interesado ka sa kaniya. Hindi mo na kailangang ideny sa akin iyon dahil masyado kang obvious when you are interested with someone Dillion. At alam ko rin kung hanggang saan lang ang lebel ng interes mo sa babae. I am telling you don't even think on making a pass on her if your intention is just to play around. Siya ang tipo ng babaeng pinapakasalan muna bago ang lahat ng alam kong naglalaro sa utak mo kapag nakatingin ka sa babae. I don't want you to ruin her. Hindi niya pinangalagaan ang moralidad niya sa loob ng mahabang panahon para lamang mapaglaruan mo maliwanag ba?" seryosong sabi nito.
Natigilan siya sa mga sinabi nito. Hindi dahil nasaktan siya sa mga sinabi nito dahil sa totoo lang ay matagal na panahon na siyang hindi apektado sa mga sinasabi ng iba sa kaniya. Kung hindi dahil sa nabuong konklusyon sa isip niya sa mga narinig niya. "Wait a minute. Don't tell me she's still a virgin at that age?" manghang tanong niya.
Umasim ang mukha ng kapatid niya at bigla siyang hinampas sa braso. Napaigtad siya. "Huwag mong sasabihin iyan sa harap niya. She's a conservative. Well, at least alam mong hindi mo siya dapat salingin."
Saglit na napaisip siya habang nakatingin siya sa seryosong mukha ng kapatid niya. "So If I touch her I have to marry her?" tanong niya para lang inisin ito.
Dumilim ang mukha ni Wendy at humalukipkip. "No. It's the other way around. You have to marry her if you want to touch her."
Natawa siya sa sinabi nito. Malamang nag ooveract lang ang kapatid niya. Sa tingin niya ay wala pa lang nakilala si Jem na lalaking magpapagising sa sensualidad nito kaya may ganoon itong dellusions. Once she learned that being with a man is a very pleasing experience, whether married or not, he was sure she will change her mind.

BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...