When The Love Falls - Part 14

4.7K 177 5
                                    


INIHIMPIL ni Dillion ang sasakyan niya sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay. Ilang segundo niyang inobserbahan iyon bago muling sumulyap sa papel na inilapag niya sa passenger's seat. Nang masiguro niyang iyon nga ang address na naroon ay muli siyang tumingin sa bahay.

Humigpit ang hawak niya sa manibela nang may lumabas na may edad na babae sa pinto. Kahit iyon ang unang beses na nakita niya ito ng personal ay hindi siya maaring magkamali. Iyon nga si Pacita Alano, ang dating head accountant ng Smith Parmaceuticals na natanggal sa trabaho dahil sa pagdidispalko ng pera. Ang nag-iisang taong naiisip niyang may motibo upang pagtangkaan ang buhay ni Jemelyn.

Last night, he made a vow that he will end this predicament as soon as possible. Gusto na niyang masigurong ligtas na sa kung anumang panganib ang buhay ni Jemelyn. Gusto niyang maging normal na ang lahat dito. Nais niya na sa susunod na lalapit siya rito ay malaman nito na hindi iyon dahil nasa panganib ang buhay nito o naroon siya dahil lamang kailangan niya itong protektahan. He wanted her to know that he is beside her because he wanted to. Dahil kagabi ay may inamin siya sa sarili niya. Isang importanteng pag-amin na nais niyang malaman nito. Kapag maayos na ang lahat.

Napaderetso siya ng upo nang makita niyang kumilos upang lumabas ng gate ang may edad na babae. Sa totoo lang ay ikinabigla niya na mas matanda ito kaysa sa nakita niyang mga larawan nito. Tama rin si Wendy na iba na ang address na gamit nito. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may kakilala siyang nahingan niya ng tulong upang tuntunin ito. Ayon rin sa report na nakuha niya ay hindi na ito nagtatrabaho sa kahit na anong kumpanya dahil nakablack list nga ito ng kumpanya nila. Sa ngayon ay nagtatrabaho ito bilang cashier sa isang di kilalang supermarket doon. Wala sa itsura nito ang magtatangkang pumatay ng tao. But he had learned since long ago that looks could be deceiving. Minsan pa nga, kung sino pa ang mas mukhang harmless ay iyon pa ang kayang gumawa ng matitinding krimen.

Ngunit dahil wala siyang mahanap na ebidensya laban dito at nagmamadali na siyang matapos ang gusot na iyon ay napagdesisyunan na niyang harapin na ito at direkta itong kwestyunin. Alam niya na siguradong itatanggi nito na may kinalaman ito roon. But he was used to questioning people. Marunong din siyang tumingin kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi. Magaling siyang mang intimidate kaya sigurado siyang makukuha niya rito ang katotohanan.

Mabilis siyang bumaba sa sasakyan niya at walang ingay na naglakad palapit dito. "Pacita Alano," usal niya sa pangalan nito nang ilang pulgada na lamang ang layo niya rito.

Napaigtad ito at marahas na napalingon sa kaniya. Bakas ang takot sa mukha nito. Jumpy? Suspicious. "May mga tanong ako na kailangan mong sagutin," aniya rito. Naging mailap ang mga mata nito at tila humahanap ng matatakbuhan. Humakbang siya palapit pa rito at napaatras ito. "Relax. Kung sasagutin mo lang ng tapat ang mga itatanong ko sa iyo at kung wala ka namang ginawang hindi maganda ay wala akong gagawin sa iyong masama. This has something to do with Smith Parmaceuticals," sabi pa niya rito.

Namutla ito. "P-pulis ka ba? Pinadala ka ba nila? H-hindi iyon pwede dahil may pinirmahan kaming kontrata. Nangako silang hindi nila ako ipapakulong basta lumayo lang ako at huwag ng magpapakita sa kanila. B-binabayaran ko rin naman ang dapat kong bayaran. Pinagsisisihan ko na rin ang mga ginawa ko kaya hayaan niyo na ako. Ayoko ng magulo pa ang buhay ko," tarantang sabi nito.

Hindi man niya pinahalata ay nagtaka siya sa mga sinasabi nito. Halatang tunay ang takot nito ngunit mukhang iba sa nauna niyang inakalang dahilan. Takot itong balikan ng kumpanyang ginawan nito ng hindi maganda. Was someone as weak as this capable of killing someone for revenge? He has to know.

"Gusto kong sagutin mo kaagad ng diretso ang lahat ng itatanong ko kung gusto mong lubayan na kita agad. Don't even try to lie to me because believe me, I will know if you do. Naiintindihan mo ba ako?" Sunod-sunod itong tumango. "Do you know Jemelyn Ambrosio?" direkta ng tanong niya rito.

Namilog ang mga mata nito at lalong namutla. Tumango ito. "Hindi personally. Siya ang business analyst ng kumpanya at madalas ay tumatayo ring boss sa marketing department. Siya rin ang nakadiskubre ng.... ginawa ko kaya ako natanggal sa trabaho," mahinang sagot nito.

Hindi niya nilubayan ng tingin ang mukha nito. "Alam mo ba na siya na ang bagong head ng marketing and finance? It was her reward dahil sa pagkakadiskubre niya sa kasalanan mo," maingat na sabi niya.

Ngumiwi ito at nagyuko ng ulo. "H-hindi ko alam. Mula ng pumirma ako ng agreement na hindi na lalapit pa sa kumpanya ay wala na akong balita pa. Idinadaan ko lang rin sa bangko ang perang binabayad ko sa lahat ng perang nakuha ko."

"Do you still have contacts with anyone from the company?"

Umiling ito. "Mula noon wala na akong balita pa kahit sa mga katrabaho ko dahil nagpalit na rin ako ng cellphone number. B-bakit mo ba ito tinatanong?" tanong nito.

Napatiim bagang siya at nakuyom niya ang mga kamao. Nakikita niya sa mukha nito at maging sa kilos nito na nagsasabi ito ng totoo. Kung ganoon, sino ang gustong saktan si Jemelyn kung wala itong alam doon?

"Someone is trying to kill her. Kung sino man ang nagtatangka sa buhay niya ay siguradong may kinalaman sa bago niyang posisyon sa kumpanya. Who have a motive to kill her unless she doesn't resign as the head other than you? Maaring ang motibo mo ay paghigantihan siya dahil siya ang nakakuha ng ebidensya laban sa iyo," prankang pahayag niya.

Umawang ang mga labi nito at namilog ang mga mata. Pagkuwa'y dumeretso ito ng tayo. "Excuse me Mister. Alam ko na mali ang ginawa kong pagdispalko ng pera. Ginawa ko lang iyon para sa pamilya ko. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko at nagpapasalamat ako na hindi nila ako kinasuhan. Pero kahit kailan ay hindi ko magagawang pumatay ng tao para lang maghiganti. Besides, umalis man siya o hindi sa posisyon niya ay wala na rin naman akong mapapala roon hindi ba? Hindi pa rin naman ako makakabalik sa kumpanya. Hindi tamang pagbintangan ninyo ako sa isang bagay na hindi ko ginawa," galit ng bulalas nito.

Hindi siya agad nakahuma dahil sa totoo lang ay may punto ito. Subalit kung hindi ito ang may sala ay sino pa ba ang maaring magkaroon ng motibo para saktan si Jemelyn? It must be someone who will gain something if she resigns from her current position. May pumitik na ideya sa utak niya. "Do you know someone from your department who might be interested to be the head?" tanong niya rito.

Saglit na nag-isip ito bago tumango. "Well, mayroong isa na ilang taon nang nagpapahayag ng labis na interes niya sa posisyong iyon. Last year pa kasi binabalak ang pagiisa ng department ng marketing at accounting department at ang alam ko ako at siya ang napipisil na mamuno doon," alanganing sabi nito.

"Who?" impatient na tanong niya. Nang banggitin nito ang pangalan ng taong iyon ay marahas siyang napamura. Bigla ay sumagi sa isip niya si Jemelyn na matigas ang ulo at nagpumilit pumasok sa trabaho sa araw na iyon. She was alone there, far from her protection, when all along the real suspect who's trying to harm her was so close to her.

Napahugot siya ng malalim na paghinga at mabilis na bumalik sa sasakyan niya. Agad na tinawagan niya ito ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone nito. Muli siyang napamura at pinaharurot ang sasakyan niya.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon