A Love That Started With A Lie - Part 16

4.2K 152 1
                                    


Nakagat niya ang ibabang labi at napayuko. "Naisip ko lang na hindi ko mararanasan ang kasiyahang nakita ko sa mga mata nilang dalawa. Because I told myself I will never get married."

Naramdaman niya ang pagkatense ni Miguel. Huminto sa paghaplos ang mga kamay nito. "Why?" tanong nito.

"Dahil ayokong magkatotoo ang hula na mamamatay ang asawa ko bago pa man kami magkaanak. That's too soon!" frustrated na bulalas niya.

"I told you it's not possibly true. Nasaan ba ang manghuhulang ito at puntahan natin? Para siya mismo ang magsabi sa iyo na hindi totoo ang mga sinabi niya sa iyo," anito na may munti ng himig ng galit.

"Sinubukan ko na siyang hanapin pero nalaman ko na patay na iyong matandang nanghula sa akin," sagot niya. Napahigit ito ng hangin. Napatingala siya rito. "You're angry."

Napabuga ito ng hangin at hinigit siya payakap. "Of course I am. Nagagalit ako na isang salita lang ng taong iyon nasisira na ang buhay mo. Ang sabi mo ayaw mong mag-asawa pero iyon ba talaga ang gusto mo? Ayaw mo bang magkaroon ng pamilya? Ng anak?"

Napalunok siya nang maalala ang dahilan kung bakit sila nagkita ni Miguel. Sa tingin niya ay dapat na rin niyang sabihin dito ang tungkol doon. "I want a baby."

"See?" usal nito.

Umiling siya at tiningala ito. "I really really wanted a baby. Iyon ay kahit ayokong mag-asawa. Kaya nga noong gabi bago ang birthday ko..." napahinto siya sa pagsasalita nang makitang nanlaki ang mga mata nito. Patunay na naintindihan nito ang nais niyang sabihin. Lalong nag-init ang mukha niya.

"I really intend to have a one night stand, you see. Ang plano ko ay magkunwaring liberated na babae dahil gusto kong magkababy. Pero hindi ko kinaya. I can't take the way men look and touch me that night. Kaya nagdesisyon akong umuwi na lang. Pero nahilo nga ako at nagpahinga lang saglit. Tapos noon ka lumapit sa akin and... and you were different from those men. Hindi ko alam kung bakit pero kumportable ako sa iyo. And when you touched me and kissed me I didn't feel disgusted. In fact, I-I liked it. Kaya nagpadala ako sa sensasyong pinadama mo sa akin. And I didn't regret it." Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito.

Huminga siya ng malalim. "Sorry. Ang balak ko kapag nabuntis ako hindi ko ipapaalam sa iyo. Kaya nga hindi ako nag-iwan ng note noong iniwan kita," mahinang usal niya.

Tumiim ang titig nito sa kaniya. "So, are you pregnant?" maingat na tanong nito.

"No," sagot niya. Nabigla pa siya nang may sumirit na kirot at panghihinayang sa puso niya. Ngayong mas napalapit siya rito ay lalo lamang siyang nasasaktan na walang baby na nabuo sa nangyari sa kanila.

Kumislap ang mga mata nito na para bang nabasa ang nararamdaman niya. Bumaba ang isang braso nito sa baywang niya at bigla siyang binuhat. Napasinghap siya nang paupuin siya nito sa kandungan nito. Then he hugged her tightly on her waist and stared at her. Hinaplos nito ang pisngi niya. "We can try again," bulong nito.

Tila may humalukay sa sikmura niya sa magkahalong mapang-akit at masuyong tono nito. Lalo na nang makarating sa batok niya ang kamay nito at bahagya siyang ilapit sa mukha nito. He kissed her softly and lingerly on the lips. "If you marry me of course."

Natense siya at bahagyang napalayo rito upang matingnan ang mukha nito. Kumabog ang dibdib niya nang makitang seryoso ito. Akmang aalis siya sa pagkakakandong dito ngunit humigpit lamang ang hawak nito sa baywang niya. "Elle, marry me," ulit nito.

"H-hindi mo naman ako kailangang alukin ng kasal."

"But I want to. Besides, your brothers will kill me if I do something to you and not marry you. And believe me, I am about to do something to you," usal nito kasabay nang paghaplos ng isang kamay nito sa hita niya. Napasinghap siya at napakagat labi nang umangat pa iyon pailalim sa bestida niya. Napakapit siya sa mga balikat nito.

"Pareho lang ang magiging kapalaran mo kung pakakasalan mo ako," aniya sa papahinang tinig. Napasandig siya sa balikat nito nang marating ng kamay nito ang pinakasensitibong bahagi ng katawan niya roon.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya at inilapit ang mga labi sa tainga niya. "Kung pareho lang naman, mas gusto ko na ang pakasalan ka."

Nag-init ang gilid ng mga mata niya at mariing napapikit. "I don't want you to die because of me."

"Sinabi ko na sa iyo hindi totoo ang hula na iyon. Papatunayan ko iyan sa iyo. Just say that you will marry me."

Umiling siya. Mas naging mapaglaro ang mga daliri nito sa kaniya. "Miguel," bulalas niya.

"I will torture you this way until you say yes," bulong nito ngunit narinig niyang napapaos na rin ang tinig nito. Rumiin ang pagkakapikit niya at napahigpit ang hawak niya sa mga balikat nito. "Elle, trust me," anito na may halo ng pakiusap.

Nayakap niya ang leeg nito at isinubsobb ang mukha sa leeg nito dahil tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. "Yes," bulong niya.

"Yes, you trust me or yes you will marry me?"

Bahagya siyang lumayo at hinarap ang mukha nito. "Kahit hindi ko alam kung bakit mo ako inaalok yes, I will marry you," sikmat niya.

May gumuhit na matamis na ngiti sa mga labi nito. Pagkatapos ay siniil siya ng halik sa mga labi bago nagsalita. "Hindi mo pa ba alam kung bakit? It's because I love you."

Namilog ang mga mata niya. "T-totoo?"

His smile became mischievous. "Let me show you how much," bulong nito. Napasinghap siya at muling napasandig dito nang mas maging mapusok ang ginagawa nito sa kaniya. Until she felt like she was already floating and then her mind grew blank and all she could do was cry his name.

Nang bahagya niyang mahamig ang sarili ay noon siya nagkaroon ng lakas ng loob aminin sa sarili niya ang sariling damdamin. "I love you too," bulong niya.

Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya at lalo pa siyang niyakap bago sumagot. "I know."

Napangiti siya at kuntentong napabuntong hininga.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon