A Love That Started With A Lie - Part 3

4.3K 154 2
                                    

LUMABAS si Elay sa banyo ng hotel room kung saan siya dinala ng lalaki na nakasuot na lamang ng roba. Nang makarating sila roon, ang akala niya ay itutulak na siya nito kaagad sa kama. Ngunit himbis na gawin iyon ay kinumbinsi pa siya nitong mag shower muna. Na para bang nais nitong mawala ang epekto ng alak sa sistema niya.

Nakatulong iyon para mawala ang pagkaliyo niyang dala ng alak. Ngunit hindi niyon napalis ang kakaibang pakiramdam sa bandang puson niya na naramdaman niya mula ng lumapat ang kamay nito sa hita niya.

Iginala niya ang paningin sa loob ng silid upang hanapin ito. Napahalukipkip siya nang makita niya itong nakaupo sa gilid ng kama at nakasuot na rin ng roba. Nakatutok ang tingin nito sa lamesang nasa gilid ng kama kung saan nakapatong ang wallet at cellphone nito na para bang may malalim itong iniisip. Nagbago na ba ang isip nito at gusto na siyang pauwiin? Bahagya siyang nataranta sa isiping iyon.

Mahina siyang tumikhim. Lumingon ito sa kaniya. Bumilis ang pintig ng puso niya nang magtama ang mga mata nila. "Come here," anito sa malumanay na tinig. Bahagya pa nitong tinapik ang tabi nito.

Napalunok siya at marahang lumakad palapit dito. Habang naglalakad siya ay hindi nito inalis ang pagkakatingin sa kaniya. Umupo siya sa tabi nito at tiningala ito. May munting ngiting gumuhit sa mga labi nito. "What is your name?"

Bahagya siyang nagulat sa tanong nito. Oo nga pala. Ni hindi pa nila alam ang pangalan ng isa't isa. Subalit kailangan pa ba iyon? Maghihiwalay rin naman sila kinaumagahan at hindi na magkikita. Ngunit dahil halata sa mga mata nito ang interes ay hindi rin niya natiis na hindi sumagot. "E-elle," usal niya.

"Elle, a lovely name," nakangiting sagot nito.

Tila may lumamutak sa sikmura niya nang marinig niya ang pangalang iyon mula rito. "And what is yours?" hindi nakatiis na tanong niya.

Lumawak ang ngiti nito. Pagkuwa'y umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. "Miguel," sagot nito.

"Miguel," ulit niya.

May kumislap na kung ano sa mga mata nito. "And where is the compliment?" biro nito.

Bahagya rin siyang napangiti. "It's... a very common name."

Mahina itong tumawa. "True," sagot nito.

Natigilan siya ng dalawang beses na tumunog ang cellphone nito. Sabay pa silang napatingin doon. Kinuha nito iyon para patayin at muling tumingin sa kaniya. "Ano iyon?" takang tanong niya.

Humarap ito sa kaniya at ngumiti. "It's twelve midnight. Happy birthday Elle." Napaawang ang mga labi niya. Oras ang tinitingnan nito kanina? Napahugot siya ng hangin sa paghaplos ng tila mainit na kamay sa dibdib niya. How could he be so sweet at a time like this? Lalo na at hindi naman talaga sila magkakilala?

"Now for your birthday gift," usal nitong nagpabalik ng atensyon niya sa mukha nito. Kinulong nito ng dalawang kamay ang mukha niya at inilapit ang mukha sa kaniya. Nang ga hibla na lamang ang layo ng mga labi nila sa isa't isa ay malawak itong ngumiti. "A birthday kiss." Iyon lang at lumapat na ang mga labi nito sa kaniya.

It was a hot, slow and surprisingly sweet kiss. Namigat ang talukap ng mga mata niya sa sensasyong dulot niyon sa bawat himaymay ng katawan niya. Hanggang sa napapikit na siya at ninamnam ang marahang paghagod ng mga labi nito sa kaniya. Matagal na sandali ang lumipas bago nito bahagyang inilayo ang mga labi sa kaniya at bumulong. "Kiss me back Elle." Hindi siya nagdalawang isip na tumalima. Umangat ang mga kamay niya patungo sa batok nito, bahagya itong hinatak palapit pa sa kaniya at gumanti ng halik sa mas malalim at mainit na paraan.

He groaned and urged her to open her mouth more with his tongue. Nang gawin niya iyon ay pinalalim nito ang halik. Ang isang kamay nito ay humaplos pababa sa leeg niya, patungo sa balikat niya at huminto sa gilid ng dibdib niya. She gasped when he softly cupped one of her breasts, then skimmed her nipple with his fingers. Humaplos ang kamay niya sa buhok nito at bahagyang napasabunot dito sa kakaibang sensasyong kumalat sa buong katawan niya hanggang sa mga daliri niya sa mga paa.

Hindi inaaalis ang mga labi sa mga labi niyang inihiga siya nito sa kama. Nang lumapat ang likod niya roon ay gumapang ang halik nito sa panga niya pababa sa leeg niya hanggang sa collar bone niya. Habang ginagawa nito iyon ay naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa rib cage niya pahagod sa baywang nito. Huminto iyon sa balakang niya. Maging ang mga halik nito ay huminto.

Napadilat siya. Noon lamang niya nalamang titig na titig ito sa mukha niya. "Siguradong sigurado ka ba talaga dito? You will have no regrets after?" tanong nito sa malumanay ngunit paos na tinig.

Niloloko ba siya nito? Pagkatapos nitong painitin ng ganoon ang pakiramdam niya, matapos niyang maging sensitibo dahil sa mga halik at haplos nito ay tatanungin siya nito ng ganoon? Himbis na sumagot ay hinawakan niya ang batok nito at inilapit ito sa mukha niya. Siya na ang kusang humalik dito.

He sighed and kissed her deeply. Mas naging mapanghanap din ang haplos ng mga kamay nito. In an instant, he had already removed their robes. Sa isang iglap din ay nasa ibabaw na niya ito. Napasinghap siya nang muling bumaba ang halik nito at huminto sa dibdib niya. Napakapit siya sa ulo nito at napaliyad. He stayed long on her breast while his hand slided lower to touch her legs and then his hand reached her there. "Miguel!" nabulalas niya. Hindi lamang siya sigurado kung pinipigilan niya ito o ano. Hindi ito tumigil at lalo lamang nanlambot ang mga buto niya. Hanggang sa pakiramdam niya ay unti-unti siyang inilulutang sa ere. Pataas ng pataas ng pataas.

Then he stopped. Pakiramdam niya para siyang binitin sa ere, hindi alam kung magpapatuloy sa pag-angat o babagsak. But it was only for a while because the next thing she knew, he already spread her legs wider and slowly joined their body. Mariin siyang napapikit. It was an exihilirating feeling, to be one with him, to be so close to him in every way. The feeling was so strong it nearly brought her to tears. Kung bakit ay alam niyang hindi lamang iyon pisikal. Higit pa iyon doon. At hindi siya makapaniwalang mararamdaman niya iyon sa isang estranghero.

"Elle," bulong nito sa leeg niya. Niyakap niya ito na para bang kapag nalayo ito sa kaniya kahit isang pulgada lang ay may malaking mawawala sa kaniya. But he didn't try to get away from her. Instead he started to move slowly, rhytmically, as if she was something he wanted to treasure. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil na huwag maiyak. Hindi dahil nasasaktan siya kung hindi dahil may kung anong emosyon sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. Why does she even want to cry?

Ngunit natabunan na ang katanungang iyon nang magsimulang bumilis ang pagkilos nito. Hayun na naman ang pakiramdam na para siyang may inaabot. Hanggang sa hindi na niya kaya ang paghihintay. She moved beneath him with the same intensity as his. Until they were both calling each other's names and her mind became blank with that most wonderful sensation she ever felt in her life.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon