HANGGANG sa makauwi na si Kendra sa bahay nila ay hindi pa rin maganda ang mood niya. Papunta na siya sa kuwarto niya nang marinig niya ang excited na tinig ng mga magulang niya mula sa silid ng mga ito. Nakabukas kasi ang pinto ng mga ito. Napaatras siya at lumapit doon upang ipaalam na rin sa mga ito na naroon na siya.
"Mom, Dad, I'm home," aniya sabay tulak sa pinto ng silid ng mga ito. Natigilan siya nang makitang nageempake ang mga ito.
Sabay pang napatingin ang mga ito sa kaniya. "O Kendra nandito ka na pala. Sandali ha, tatapusin ko lang 'to bago kita ipaghain," sabi ng mommy niya.
"Saan kayo pupunta?" takang tanong niya sa mga ito.
"Ah, may outing ang department namin anak at isasama ko ang mommy mo. Tutal may lakad din naman kayo ni Darren hindi ba? Kawawa naman ang mommy mo kung maiiwan siya rito buong holyweek," sagot ng daddy niya.
Nanlaki ang mga mata niya pero hindi naman nakapagsalita. Pagkatapos ay bumigat na naman ang pakiramdam niya dahil hindi naman sila matutuloy ni Darren. Ngunit dahil nakikita niya ang excitement sa mukha ng mga magulang niya at ayaw niya iyong sirain kaya tumango na lang siya at ngumiti. "Enjoy your vacation then. Magpapalit lang ho ako ng damit," paalam niya sa mga ito. Mukhang hindi na siya masyadong narinig ng mga ito dahil abala na naman ang mga ito sa pageempake. Napabuntong hininga na lang siya at dumeretso na sa kuwarto niya.
Pabagsak siyang umupo sa kama. Kung hindi siya aalis sa holyweek ay maiiwan siyang mag-isa sa bahay. Kung tutuusin ay kaya naman niyang mag-isa. Ang kaso ay kapag mag-isa siya, madalas ay hindi siya napapakali at kinakain siya ng kalungkutan. Dati naman ay hindi siya ganoon. Kasalanan iyon ni Darren. Mula kasi ng sabihin nito sa kaniya na mananatili ito lagi sa tabi niya at hindi siya nito iniwan ay nakasanayan na niya na may kasama siya. Nasanay siya na may presensyang palaging nakaalalay sa kaniya at binibigyan siya ng company at opinsyon tuwing kailangan niya.
Dati ay nasabi na niya rito noon na huwag itong masyadong maging mabait sa kaniya dahil ayaw niyang maging dependent siya rito. Ngunit tumawa lang ito at sinabing "That is the best thing you ever said to me Kendz. At hindi ako lalayo sa iyo dahil gusto kong maging dependent ka talaga sa akin hanggang sa hindi mo na kayang mabuhay ng wala ako. That way I can be with you forever without any fear that you will ask me to leave you."
Kaya ngayon ay hayun siya, natuturete sa kaalamang mananatili siya roong mag-isa habang ito ay nasa piling ng ibang babae. Magtatrabaho sila Kendra. Pagtatama ng isang bahagi ng isip niya.
Umiling siya. Ah, basta, ayaw niyang manatili roon ng mag-isa. Naalala niya si Alaine. Baka naman hindi pa ito nakakaalis patungo sa kung saan man ito pupunta. Agad niyang kinapa ang cellphone niya sa bag niya at tinawagan ito.
Matagal iyong nagring bago iyon nasagot. Napaderetso siya ng upo. "Alaine," tawag niya rito.
"Kendra. Bakit?" agad na sagot nito.
Magsasalita na sana siya tungkol sa plano niyang pagsama rito sa bakasyon nito nang mapansin niyang umuugong sa linya nito. Nagkakutob siya. "Nasaan ka?" natanong niya.
"Nasa lubak lubak na kalsada patungo sa tagong resort na balak kong pagbakasyunan ngayon. Ayaw niyo kasi akong samahan kaya nagpunta na ako rito mag-isa. But you know what, narealize ka na gusto ko rin itong itry for a change. Iyong magsolo flight na bakasyon sa lugar na wala akong kilala kahit na sino. I feel liberated and free," anitong bahagya pang tumawa.
Bumagsak ang mga balikat niya at pilit na ngumiti kahit na hindi naman siya nito nakikita. "That's good. Enjoy your vacation Alaine," aniya rito.
"Thanks. Teka bakit ka pala tumawag?"
Tumikhim siya at bahagyang tumingala sa kisame. "Gusto lang kitang kumustahin. Nakonsiyensiya kasi akong hindi ka namin masamahan. Pero mukhang okay ka naman."
Tumawa ito. "Thank you. Yes okay na okay ako. Ikaw rin, enjoy your vacation with your bestfriend. Baka this time mapunta na sa ibang level ang relasyon ninyo," anitong hindi itinago ang himig na panunudyo.
Napabuga siya ng hangin. Mula noong ipinakilala niya si Darren sa mga ito ay hindi iilang beses na siyang tinudyo nito at ng mga kaibigan niya kay Darren. Tingin daw ng mga ito ay magkakatuluyan din daw sila ni Darren sa huli. Sa tuwina ay palagi siyang may violent reaction. Pakiramdam niya kasi kahit hindi naririnig ni Darren ang mga sinasabi ng mga ito ay napapahiya siya sa binata. Ayaw niyang isipin nito na hinahaluan niya ng malisya ang relasyon nila.
After all, ito na rin ang nagsabi noon na hindi magbabago ang relasyon nilang dalawa. Patunay na ang mahigit isang dekada nilang pagkakaibigan na kahit kailan ay hindi nadungisan. Hayun nga at ilang beses na itong nagkaroon ng girlfriend habang siya naman ay nagkaboyfriend na rin ng isang beses na wala na siyang balak ulitin.
"Sinabi ng hindi iyan mangyayari. Magkaibigan kami at iyon lang iyon," giit niya.
"Hay naku, if you say so. O paano, tatawagan ko na lang kayo kapag nakabalik na ako ng manila ha. Magpapatay ako ng phone pagdating ko sa resort. Bye Kendra," paalam nito. Iyon lang at naputol na ang tawag.
Muli ay natahimik na lang siya habang nakatitig sa cellphone niya. Pagkatapos ay pabagsak siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. "Fine. Kaya ko namang mag-isa. Before I met him, I always prefer being alone. Kaya ko rin iyon ngayon," matigas na kausap niya sa sarili. Tumango-tango pa siya. Na para bang kapag inulit-ulit niya iyon ay magiging totoo iyon. Tutal effective naman daw ang power of suggestion. At maano lang ba ang ilang araw? Wala lang iyon. Itutulog lang niya iyon matatapos rin ang holyweek. Huwag lang sana niyang maalala na nasa kung saan lang si Darren at may kasamang iba, ay magiging ayos siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/151964309-288-k693352.jpg)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...