"ANONG plano natin sa holyweek? Hindi ba magsasara tayo ng one day? Let's go somewhere. Gusto ko magswimming."
Napabaling si Kendra sa kaibigan niyang si Alaine nang bigla nitong isuhestiyon iyon sa kanila. Nasa loob sila ng opisina nila sa Single Ladies' Buffet, ang restaurant na pinagsososyohan nilang magkakaibigan. Tapos na ang kanilang meeting para sa monthly report ng kita ng restaurant nila at paalis na sana ito nang bigla itong magtanong niyon.
Mag-aapat na taon na nilang ginagawa iyon. Ganoon na rin katagal mula ng maitayo nila ang restaurant na iyon. Nagsimula lamang iyon sa isang simpleng bonding moment sa isang coffee shop at sa ideyang nabuo dahil sa boredom ng kaibigan nilang si Rica na isang romance writer. At dahil nakuha na niyon ang interes nila at tingin naman nila ay makakaya nilang gawin iyon dahil isa namang business analyst ang kaibigan nilang si Jem, may alam sa Hotel and Restaurant management si Elay na masarap ding magluto, at magaling sa finance bilang nagtatrabaho sa banko si Alaine, kaya nagdesisyon silang i-push through ang negosyong iyon.
Kaya ngayon, hayun ang kanilang Single Ladies' Buffet. Iyon ang pangalan niyon dahil noong itinayo nila iyon ay single sila lahat. Pero hindi na ngayon. May asawa na kasi si Hannah. Napangasawa nito si Chad, ang kaibigang doktor ng kakambal nitong si Harry na isa ring doktor. Si Myra naman ay absent nga sa meeting na iyon dahil may date daw ito at ang fiancee nitong si Robin.
"Sorry Alaine, may plano na kami ni Chad eh. Huling hirit niya bago siya magsimula ng trabaho sa opsital na pinapasukan ni Harry," tanggi ni Hannah.
Ngumuso si Alaine at bumaling kay Rica na agad namang nagsalita. "Alaine alam mo namang ayoko sa beach at swimming. Magkukulong ako sa apartment ko at itotodo ang aircon. Mainit eh," sabi naman ni Rica.
"Kailangan kong umuwi sa amin sa holyweek. Ginegera na ako sa cellphone nila Mama," sagot naman ni Elay bago pa man makapagsalita si Alaine.
"May company outing kami na hindi ko natanggihan," sabi naman ni Jem.
Lalong tumulis ang nguso ni Alaine at bumaling sa kaniya. "Kendz, sasama ka sa akin?" lambing nito sa kaniya.
Gusto niya itong samahan dahil kawawa naman ito kung lahat sila ay tatanggi. Ang kaso kakapaalala lang ni Darren sa kaniya kagabi ang tungkol sa plano nilang out of town. Kaya ngumiti lang siya at umiling. "Nakapangako na ako kay Darren na mag-a-out of town kami ng araw na iyan. Matagal na kaming hindi nakakapagbonding at pinagseselosan na niya kayong lahat," aniya sa pabirong tinig.
Kilala ng mga ito si Darren kolehiyo pa lamang sila. Sa iisang unibersidad lang din kasi sila nag-aaral noon kahit magkaiba sila ng kurso.
"Fine! Hahanap na nga lang ako ng makakasama. Gusto ko talagang magstay sa resort na walang masyadong tao dahil napapagod ako sa trabaho. I need to unwind," ingos nito sa kanila.
Natawa siya at ganoon din ang mga kaibigan niya. Minsan talaga, magkakasabay lumalabas ang pagkamaldita nila. Naawa siya rito dahil mag-isa itong magbabakasyon. Pero tuwing naiisip niya si Darren ay napapalitan iyon ng masidhi niyang pagnanais na makasama itong magbakasyon. Tama naman kasi ito, matagal na silang hindi nakakapagbonding ng husto. Paano kasi ay masyado na silang busy sa kani-kaniyang trabaho at kung magkita ay matagal na ang tatlong oras. Hindi gaya noong high school sila na araw-araw at noong college sila na every weekend.
The thought of being with him again makes her smile.
NAGPALINGA-LINGA si Kendra nang makapasok siya sa isang coffee shop hindi kalayuan sa clinic niya. Isasara na niya ang clinic niya kanina nang tumawag sa kaniya si Darren na naroon nga ito sa coffee shop na iyon. May pag-uusapan daw sila na may kinalaman sa plano nilang bakasyon.

BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...