ANG ganda talaga ng timing. Nakangiwing naisip ni Kendra habang namimilipit siya sa kama. Naalipungatan siya dahil sa matinding pagkirot sa puson niya. Inaatake siya ng dysmenorrea. Isa iyon sa mga pinakaayaw niyang panahon sa bawat buwan ng buhay niya. Tuwing dumarating ang buwanang dalaw niya ay para siyang laging pinapatay ng matinding sakit at hindi siya nakakatayo ng kama dahil doon. Worst, hindi nawawala ang sakit na iyon hanggang hindi natatapos ang dalaw niya na madalas ay tumatagal ng tatlo hanggang apat na araw. Kung kailan mag-isa pa man din siya.
Kanina pang madaling araw kumatok ang mga magulang niya sa kuwarto niya para sabihing aalis na ang mga ito. Nang magising siya ay hindi pa naman masakit ang puson niya ngunit mabigat na ang pakiramdam niya kaya hindi na rin niya naihatid hanggang sa labas ang mga ito. Nang marinig niya ang tunog ng makina ng sasakyan ng daddy niya ay bumalik din siya sa kama at muling natulog. At nang muli nga siyang magising ay iyon na ang nararamdaman niya.
"Aw," naiiyak na nausal niya nang tumindi ang sakit. Huminga siya ng malalim bago buong pwersang nagmulat ng mga mata upang silipin kung anong oras na. Alas otso ng umaga. Mahaba-haba na pala siyang natutulog. Bihira iyon mangyari sa kaniya maliban na lamang kung may sakit siya. Bakit ba hindi niya naisip na posibleng ngayon siya atakehin ng sakit na iyon kaninang madaling araw pa lamang na mabigat ang pakiramdam niya?
But then, kahit naman maisip niya iyon ay wala namang magbabago. She will still be left alone. Muli siyang napapikit ng mariin dahil sa sakit. Pagkatapos ay maingat siyang bumangon sa kama. Bawat kilos niya ay torture para sa kaniya. Ngunit kailangan niyang magtungo sa banyo dahil naroon ang medicine cabinet niya upang kumuha ng pain reliever. Mabagal at nanghihinang naglakad siya patungo sa banyo at binuksan ang medicine cabinet. Lalo siyang nanghina nang makitang wala na siyang makitang pain reliever.
"Ang galing talaga," naiiyak ng kausap niya sa sarili. Muli siyang huminga ng malalim at nanghihina pa ring lumakad pabalik sa silid niya. Pagkatapos ay pinilit niyang lumabas at bumaba ng hagdan. Kung walang gamot, ang sunod na maari niyang gawin ay magtungo sa kusina upang gumawa ng hot compress. Bawat kilos niya ay lalo lamang nakakadagdag sa sakit na nararamdaman niya. Nang makarating siya sa kusina ay napaupo siya sa isang silya roon at napayukyok sa lamesa. Hindi niya na napigilan ang pagbagsak ng luha niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw niyang dumarating ang araw na iyon. She feels so weak, so emotionally unstable and so pathetic in contrast to how she looks in the eyes of other people. She hated feeling that way.
NAPAANGAT ang tingin ni Darren mula sa mga papeles na nasa harap niya nang makita niyang may inilapag na tasa ng kape sa harapan niya. Nang tumingala siya ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Divina.
"Magkape ka muna. Ilang oras na tayo dito at hindi mo pa iniaangat ang tingin mo sa mga papeles na iyan mula pa kanina," sabi nito.
Alanganin siyang ngumiti at umayos ng sandal sa upuan. Inalis din niya ang salamin niya sa mga mata at bahagyang hinilot ang nose bridge niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa wristwatch niya. Alas diyes y'media na ng umaga. Kaninang alas otso pa siya naroon sa pad nito. Inalok nito ang lugar na iyon para doon nila gawin ang trabaho nila dahil mag-isa lang naman daw ito roon. Mas makakapagfocus daw sila sa trabaho. Pumayag na siya dahil magulo sa bahay nila sa mga oras na iyon. Naroon kasi ang mga magulang niya at ilang mga kaibigan ng mga ito na madalas talagang magpunta sa kanila kapag ganoong holiday.
"Salamat. Hindi ko napansing tumayo ka pala para kumuha ng kape," aniya rito at inabot ang tasa.
Bahagya itong tumawa at umupo sa katapat niyang sofa. "Matindi ang concentration mo. Para ngang walang kahit ano ang pwedeng magpaalis sa iyo ngayon diyan sa kinauupuan mo," biro nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/151964309-288-k693352.jpg)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...