Her True-To-Life Love Story Part 10

4.5K 146 3
                                    

HALA anong nangyayari sa akin? Hindi maiwasang mataranta ni Rica habang naglalakad sila palapit sa doctor's lounge kung saan alam niyang tumatambay sila Harry kapag walang ginagawa ang mga ito. Alam niya dahil hindi naman iyon ang unang beses na nagpunta siya roon upang bisitahin ito. Ngunit ang iba ay ang kasalukuyang mabilis na tahip ng dibdib niya habang hawak-hawak nito ang kamay niya.

No, the truth was, she has been feeling that way even before he held her hand. Nagtama pa lamang ang mga mata nila kanina at nakita niya ang kakaibang paraan ng pagtitig nito sa kaniya na para bang nakikita siya nito sa unang pagkakataon - as if they were not friends for so many years- ay labis na nagpabilis sa tibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. O marahil ay kaya niyang ipaliwanag ngunit mas pinili niyang huwag na lang dahil natatakot siya na baka mali naman siya. This is Harry and it will not do her any good to assume anything that might ruin their friendship.

"Ah, nakalimutan ko may kailangan pa pala akong bilhin," biglang bulalas ni tita Mira bago pa man sila makapasok sa lounge. Napatingin silang lahat rito habang ito naman ay kay Chad nakatingin. "Chad, samahan mo nga muna ako. Iwan mo na kay Harry iyang mga pagkain," sabi pa nito sa lalaki na tumalima naman at iniabot kay Harry ang mga plastic bag na bitbit nito.

"Ma, anong bibilhin mo?" takang tanong ni Harry dito.

"Basta. Sige na mauna na kayo ni Rica sa loob," paalam nito bago mabilis na hinatak si Chad palayo.

Takang napasunod lang siya ng tingin sa mga ito bago sumulyap kay Harry na napatingin din sa kaniya. "Ang weird ng mama mo ngayon sa totoo lang," aniya rito.

Napabuntong hininga ito at bahagyang ngumiti. "Dati na siyang ganiyan. Kaya nga kayo magkasundo hindi ba? Kasi pareho kayong weird," biro nito. Napansin niyang bumalik na sa normal ang ekpresyon sa mga mata nito at kahit papaano ay napahinga siya ng maluwag dahil doon. Unti-unti na ring kumalma ang pulso niya kaya nagawa na niyang gumanti ng ngiti.

"E di weirdo ka rin kasi kasundo mo ako."

Tumawa ito at bigla na lamang siyang inakbayan. Napasandig siya sa katawan nito at awtomatiko niyang naamoy ang pabango nito. She realized it was her favorite men's perfume of all. "Hindi ako weirdo, tolerant lang ako," anitong may halong kayabangan.

Natawa siya kahit alam niyang may punto naman ito. "Alam mo gutom lang iyan. Ikain mo na lang," aniya rito at kusa na itong inakay papasok sa lounge.

"BAKIT niyo naman naisipan ni mama na pumunta rito sa ospital? At nagpasalon ka pa," tanong ni Harry kay Rica.

Napatingin si Rica rito mula sa pagaayos ng mga dala nilang pagkain sa lamesang naroon. Napansin niyang nilalantakan na nito ang manok na nahain na niya. "Nasabi ko kasi sa kaniya na pinakilala mo ako sa mga kaibigan mong doktor at nakipagdate ako. Nalukot ang mukha pagkatapos bigla akong inaya magpunta rito at magpasalon. Ang weird no? Samantalang dati wala siyang inatupad kung hindi tawagan ako para sabihing gusto niya akong ireto sa anak ng mga kaibigan niya. Tapos nang tanungin ko siya kung bakit kailangan ko magpunta ng salon ang sabi niya para daw makita ng mga lalaki kung ano ang mawawala sa kanila kapag napunta ako sa iba," naiiling na kwento niya rito.

Nasamid ito kaya nag-aalalang napatingin siya rito. "Ayan. Dahan-dahan ka kasi sa paglantak niyan," saway niya rito. Agad na inabutan niya ito ng bote ng mineral water na mabilis naman nitong ininom. Nang makabawi na sa pagkasamid ay tumingin ito sa kaniya.

"Sinabi niya iyon?" tanong nito. Tumango siya. Napabuga ito ng hangin at tila nafrustrate. "Si mama talaga kahit kailan," bulong nito na para bang sarili lamang ang kausap.

"Okay lang naman iyon. Sanay naman ako sa kaniya," balewalang sabi niya. Nang tumingin ito sa kaniya ay matamis niya itong nginitian. "Isa pa maganda naman ang kinalabasan nagpapasalon ko hindi ba? Sabi mo nga ang ganda ko," biro niya rito.

Ngunit himbis na tumawa na madalas nitong gawin kapag ganoon ang tono niya ay napatitig na naman ito sa kaniya na tila ba may kung ano itong nakikita sa mukha niya. "Yes, you are," mahinang sagot nito.

Pagkatapos ay umangat ang isang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. Napatitig siya sa mga mata nito kasabay nang biglang pagkislot ng puso niya. Nagtama ang mga mata nila at hindi niya magawang bawiin ang paningin. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya dahil hindi ito huminto sa paghaplos sa mukha niya. Napasinghap siya nang ang mga daliri nito ay marating ang gilid ng mga labi niya at marahan din nitong hinaplos iyon.

Bigla ay nagwala ang mga paru-paro sa sikmura niya. Bigla niyang naalala ang kaniyang unang halik na si Harry ang nagbigay. Ang halik na noon ay sinabi niyang wala siyang naramdaman. Subalit ngayon, iniisip pa lamang niya iyon ay para nang may mga kuryenteng gumagapang sa katawan niya. She suddenly felt an anticipation like no other. He looks like he wants to kiss her.

But then, with a glint of an emotion in his eyes she could not fathom, he suddenly closed his eyes and turned away as if burned. Tumikhim ito. Nakaramdam siya ng kahungkagan nang mawala ang kamay nito sa mukha niya. Napakurap siya at napaiwas rin ng tingin. Nakagat niya ang ibabang labi. Why is my heart beating this fast? Bakit parang gusto kong maiyak na bigla siyang tumalikod sa akin?

Mahabang katahimikan ang pumagitan sa kanila pagkatapos niyon. Isang nakakailang na katahimikan na hindi pa namagitan sa kanilang dalawa mula noong una silang nagkita. It was as if the atmosphere suddenly grew heavy between them. Bigla ay hindi niya alam kung paano babasagin ang katahimikan lalo na at nang sulyapan niya si Harry ay nakatalikod ito sa kaniya na tila ba gaya niya ay hindi nito alam kung ano ang gagawin. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Okay lang naman sila kagabi ah. Bakit ngayon parang noon lamang sila nagkakilala kung umasta sila?

Kapwa lamang sila napaigtad nang makarinig sila ng katok sa pinto. Pagkatapos ay bumukas iyon at sumungaw si tita Mira at Chad. Labis siyang nakahinga ng maluwag at ngumiti nang makita ang mga ito. Napansin niya na may bitbit ng malaking bote ng softdrinks si Chad.

Tumingin si tita Mira sa kanilang dalawa ni Harry at pagkatapos ay pinagpalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. "O anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ang tahimik ninyo?" takang tanong nito.

Si Harry ang unang nakabawi. "Naubusan lang kami ng pag-uusapan sandali mama. Softdrinks lang pala ang nakalimutan ninyong bilhin sana sinabi ninyo para nagpabili na lang tayo at hindi ka na napagod," sabi nito sa ina.

Umangat ang kilay ng matandang babae. "Kayo nawalan ng pag-uusapan? Normal ba iyon? Ano sa tingin mo Chad?" baling nito kay Chad na natawa naman.

"Mama, huwag ka ng makulit. Kumain na tayo at malapit nang matapos ang break ko," tanging sabi ni Chad dito na ipinagpasalamat niya dahil hindi na nga nagkomento pa si tita Mira.

Habang inaayos nito at ni Chad ang binili nang mga ito ay lumapit sa kaniya si Harry at pasimpleng tinapik ang buhok niya. Napatingala siya rito. Nakayuko ito sa kaniya at tipid na ngumiti. "You should learn how to accept a compliment graciously. Para hindi ka natutulala kapag may nagsabi sa iyong maganda ka," biro na nito na para bang ganoon nga lang ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Gusto sana niyang sabihin dito na hindi naman ang pagpuri nito ang mas matinding dahilan kung bakit siya napipilan kanina. Kung hindi ang nakita niya sa mga mata nito at sa reaksyon ng puso niya roon. Ngunit dahil ayaw niyang magkaroon ng kumplikasyon ang relasyon nilang dalawa ay ngumiti na lamang siya at mas piniling makisakay sa biro nito. "I'll keep that in mind," nakangiting sagot niya rito.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon