When Myra Fell In Love - Part 3

5.2K 177 0
                                    

Napabuntong hininga na lang si Myra at kahit labag sa loob niya ay hindi na ginalaw ang almusal sa lamesa dahil talagang malelate na siya. She hurriedly went out of the house, locked the door and went straight to her car. Pagkatapos ay pinaharurot na niya ang kotse niya. Hindi na rin iyon bago sa kaniya. Madalas niyang gawin iyon kapag nagmamadali siya.

Nakalabas na siya ng subdivision nila at paliko na siya upang dumaan sa kalsadang shortcut patungo sa montessori nila nang biglang may sumulpot na sasakyan mula sa kung saan. Nanlaki ang mga mata niya at sa pagkagulat ay marahas na napapreno. Dahil bigla niyang ginawa iyon ay lumangitngit ang mga gulong ng kotse niya at halos mangudngod na siya sa manibela. Her heart was racing. Marahas ding pumipitik ang pulso sa sentido niya dahil sa adrenaline rush. Then a realization made her knees grow weak. Muntik na siyang maaksidente!

Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya at nangangatal ang mga kalamnan niya nang mag-angat siya ng tingin upang bistayan ang sasakyang muntik na niyang makabanggaan. Tulad niya ay mukhang nakapagpreno ito sa oras dahil halos magkiskisan na ang mga nguso ng sasakyan nila pero hindi naman nagkabanggaan.

Noon lang din niya nakitang dark green BMW pala iyon. Pagkuwa'y lumipad ang tingin niya sa bandang kaliwa kung saan nanggaling ang sasakyan. She groaned when she recognized the gate of a famous high class subdivision. Kung sino man ang taong sakay ng kotseng iyon ay may masama siyang pakiramdam na mahihirapan siyang madaan ito sa matinong usapan.

Just when she was thinking about that, the door of the car flew open. Napangiwi siya sa rahas ng pagkakabukas niyon, na para bang kulang na lang ay lumipad ang pinto niyon pakalas sa sasakyan. Patunay na galit ang may-ari niyon. Lalo siyang napangiwi nang bumaba roon ang isang matangkad at matikas na lalaking nakasuot ng purong itim na amerikana at malalaki ang hakbang na lumapit sa gilid ng kotse niya. Kasunod niyon ay sunud-sunod at malalakas na katok sa bintana niya ang ginawa nito. Kulang na lang ay basagin nito iyon base sa puwersang ginagamit nito. Saglit siyang huminga ng malalim at mariing pumikit bago muling dumilat at ibinaba ang salamin ng kotse niya.

"Just what the hell are you thinking woman?! If you want to die do it alone okay?! Damnit just when I am in a hurry!" singhal sa kaniya ng lalaki hindi pa man niya tuluyang naibababa ang bintana.

Nakangiwing tiningnan niya ito. Agad na nasalubong niya ang itim na itim na pares ng mga mata nito na tila nagbabaga sa galit. For a moment, she was entranced by those eyes. It was deep set and has a flicker of gray. Noon lamang siya nakakita ng ganoong mga mata. Hindi niya masasabing expressive ang mga iyon. Katunayan ay mahirap pa nga iyong basahin. It looks cold, almost ruthless and mysterious. Sa kakatitig niya sa mga matang iyon ay bahagya nang nakalma ang nanginginig na kalamnan niya.

"Besides what the hell are you thinking driving like a mad man in this road? Hindi mo ba nakita na hindi ito high way? Hey, listen to me!" sigaw nito kasabay nang paghampas nito sa bubong ng kotse niya. Napakurap siya at tila nagising.

"Nakikinig ako. Huwag mo namang sirain ang kotse ko," pareklamong sagot niya sa normal na tinig. Noon lang tila nagzoom out ang tingin niya rito. Halos mag isang guhit na ang makakapal na kilay nito sa pagkakakunot ng noo nito. Bakas din ang iritasyon sa halatang gigil na pagkakalapat ng mapupula at makurbang mga labi nito. Even the slight laugh lines on the side of his eyes and the slight crumple on his aristocratic nose shows how angry he is. Kung makatingin ito sa kaniya ay parang nais siya nitong sakalin.

"Ngayon mo pa inaalala iyan? If I was not careful enough to hit my brake at the right time malamang hindi lang kotse mo ang nasira. Pati kotse ko at pati ang mga katawan natin!" angil pa rin nito.

Napahinga siya ng malalim at pilit na ngumiti. Although tingin niya ay mas ngiwi iyon. "S-sorry. I am also in a hurry you know. Dumadaan naman talaga ako sa way na ito kapag nagmamadali ako at never pa naman akong may nakasalubong na sasakyan dito. Hindi ko naman sinasadya okay? Besides nakapagbrake din naman ako kaagad," dahilan niya.

"Don't give me that crap! Whatever you say the fact remains that you nearly killed me, damnit!" mura na naman nito.

Hindi na niya naiwasang makaramdam ng inis. Oo nga at kasalanan niya ang nangyari. Pero hindi naman siya nito dapat sigawan at murahin ng ganoon. Guwapo pa naman ito arogante naman. Humingi naman siya ng tawad at hindi naman nakikipag-away dito. Ano pa ba ang gusto nito?

Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili. "Look mister. Humingi na nga ako ng sorry hindi ba? I know it was my fault. As far as I can see hindi naman nagasgas ang kotse mo. Hindi ka rin naman nasaktan so okay na dapat hindi ba? You don't have to make a fuss over it so much. Pareho lang nasasayang ang oras natin. So pwede bang bumalik ka na sa kotse mo at iatras mo para makadaan na ako?" malumanay pa ring sagot niya.

Tumiim ang mga bagang nito. Himbis na sundin siya ay yumuko pa ito sa bintana niya dahilan kaya naging magkapantay ang mukha nila. Napaigtad siya at bahagyang napaatras ng gawin nito iyon. Seeing his face up close caught her off guard. Why must someone be this good looking? Oo nga at hindi naman bago sa kaniya ang makakita ng lalaking takaw tingin. Katunayan ay masasabi niyang ubod ng guwapo ang kapatid ni Hannah na si Harry na halos kasabay din nilang lumaki, ganoon din ang fiancee nitong si Chad. Pero hindi ganoon katindi ang epekto ng itsura ng mga ito sa kaniya kumpara sa lalaking ito. Partida pa ang nakabusangot na mukha nito.

"You are mocking me arent you?" tanong nitong nakakunot pa rin ang noo. May talas ang tono nito at bahagya pang naningkit ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. Biglang nagrigodon ang dibdib niya at nag-init ang mukha niya. Dahil ba nakaramdam siya ng takot sa tono nito? Or was it because of his warm and minty breath that reached her nostrils when he spoke?

Ipinilig niya ang ulo. Anong kalokohan iyon? Pinagana niya ang pagiging reasonable niya. "I am not mocking you mister. Nagpapakapraktikal lang ako. Tingin ko wala namang dahilan para magtalo pa tayo rito. I said my sorry. You should say 'it's okay, just be careful next time' para tapos na ang usapan. Pareho lang tayong nagsasayang ng oras dito," dahilan pa rin niya.

Pero mukhang hindi pa rin nito makuha ang punto niya dahil hindi ito tuminag at pinakatitigan pa siya. Siya naman ay biglang nakaramdam ng kaba at pagkailang sa titig nito. Hindi niya alam kung gaano katagal sila sa ganoong posisyon. Napukaw lamang ang atensyon nito nang may tumunog na cellphone. Agad na dumeretso ito ng tayo at may dinukot sa breast pocket nito.

Agad na gumana ang isip niya ng makitang sinagot nito ang cellphone nito. Inatras niya ang kotse niya at mabilis iyong minaniobra. Pagkatapos ay mabilis niyang nilampasan ang kotse ng aroganteng lalaki.

"Hey!" gulat na sigaw nito. Nang silipin niya ito sa side mirror niya ay nakita niya ang pagkagilalas sa mukha nito. Natawa siya sa kabila ng lahat. Natigil lang siya sa pagtawa nang mapatingin siya sa wristwatch niya. Napangiwi siya. Late na late na late na siya! Dahil doon ay parang walang nangyaring muli niyang pinaharurot ang kotse niya.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon