SA MULING pagmulat ng mga mata ni Kendra mula sa pagkakatulog ay mas magaan na ang pakiramdam niya. Umepekto na ang pain reliever na ininom niya kanina. Bahagya siyang nag-inat at marahang bumangon sa kama. Napatingin siya sa relo at nalaman niyang alas otso na pala ng gabi. Mahabang oras din siyang nakatulog. Bigla niyang naalala si Darren. Umuwi na kaya ito? Kanina kasi, pagkatapos niyang makainom ng gamot ay inalalayan pa siya nitong umakyat sa silid niya at pinahiga sa kama. Nakatulog siya na nasa tabi niya ito.
Tuluyan na siyang bumangon sa kama at lumabas ng silid niya. Marahan pa rin siyang bumaba ng hagdan. Tahimik ang paligid ngunit bukas ang ilaw sa sala nila. Marahil ay iniwan na iyong bukas ni Darren bago ito umalis. Ngunit natigilan siya nang makita niyang nasa sala pa rin ng bahay nila si Darren. Nakadamit pambahay na ito at nakaupo sa one seater couch nila. Ang hula niya ay umuwi ito sandali sa bahay ng mga ito ilang kanto lamang ang layo sa bahay nila bago bumalik sa bahay nila. Nakapatong sa kandungan nito ang laptop nito habang sa mga kamay nito ay may papeles itong hawak. Marami ring papel at folder na nakapatong sa center table nila. Tutok na tutok ito sa pagbabasa ng mga iyon.
Napatitig siya sa mukha nito at napahigpit ang hawak niya sa balustre ng hagdan. He was wearing the eyeglasses she gave him for his birthday last year. Luma na kasi ang salaming ginagamit nito noon at kung hindi pa niya ito niregaluhan ay baka wala pa itong balak na palitan iyon. Ngunit hindi lang iyon ang dahilan kung bakit hindi niya mapigilang titigan ang mukha nito sa mga oras na iyon. It was because of his serious and concentrated expression. Nagmumukha itong masungit at nakakatakot kapag ganoon ito, malayo sa tunay na ugali nito. But despite that, she loves staring at his face when he looks like that.
Napaigtad siya nang bigla itong nag-angat ng tingin. Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Napakurap siya nang umaliwalas ang mukha nito at dumeretso ng upo. "Kendz, okay ka na?" tanong nito sa kaniya at akmang tatayo ngunit sinenyasan niya itong huwag na.
"Maayos na ang pakiramdam ko," sagot niya rito at tuluyan nang lumapit dito. Umupo siya sa katapat nitong couch at muling tiningnan ang mga papel sa lamesa. "Ang dami mong trabaho. Sorry kung naabala kita kahit marami kang ginagawa," hinging paumanhin niya.
Tumawa ito at tuluyan nang inilapag sa lamesa ang binabasa nito at ang laptop nito. "Matitiis ba naman kita, siyempre hindi. Teka, may dala akong nilaga. Luto ni mommy. Pinadala niya sa akin nang sabihin ko sa kaniyang masama ang pakiramdam mo. Umuwi kasi ako saglit kanina para magpalit ng damit. Iiinit ko lang," sabi nito at tumayo.
Tumayo na rin siya at sumunod dito patungo sa kusina. Pinagmasdan niya ito habang komportable itong kumikilos sa kusina nila. Nang maisalang nito sa kalan ang maliit na kaldero ng nilaga ay nilingon siya nito at malawak na ngumiti. May dulot na init na humaplos sa puso niya ang ngiting iyon. Kumalat iyon sa buong katawan niya. For the hundrenth time, she thought she could live contentedly forever if she could just see that smile her whole life.
"Sandali lang ito. Tapos kakain na tayo. Nakapagsaing naman na ako kanina bago ka magising," sabi pa nito.
Ipinilig niya ang ulo at muling kumilos. Lumapit siya sa paminggalan at naglabas ng mga plato at kubyertos para sa kanilang dalawa. "Masyado kang maalaga para sa isang lalaki alam mo ba iyon?" komento niya rito habang sinisimulan niyang ilagay sa lamesa ang mga pinggan.
"Masama ba iyon?" takang tanong nito.
Nilingon niya ito. Bahagyang nakakunot ang mga noo nito. Nagkibit balikat siya. "Hindi naman. Pero kung masyado kang mabait, itetake for granted at sasamantalahin ka ng ibang mga tao. Tingnan mo nga, holiday pero tumanggap ka ng trabaho. Ibinigay iyan sa iyo ng boss mo dahil alam niyang ikaw ang tipo ng taong ipagpapalit ang bakasyon para sa trabaho at dahil hindi mo siya kayang tanggihan."
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. "Tinanggap ko ang trabahong iyon dahil gusto ko at hindi dahil napipilitan lang ako. It's the same as I am taking care of you not because I am forced to do so but because I want to. Gusto mo bang magbago ako?" tanong nito sa seryosong tinig.
Napaisip naman siya. Pagkatapos ay umiling at ngumiti. "Hindi. Kapag nagbago ka sino pa ang makakasama ko forever? Wala na. Dahil bukod sa iyo, wala na akong tiwala sa ibang lalaki," sagot niya.
Mukha itong natigilan. May kumislap na kung ano sa mga mata nito na hindi niya mabigyan ng pangalan. Ngunit may kung ano roon na bahagyang nagpasikip sa dibdib niya.
"Forever?" mahinang tanong nito.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. Bigla siyang nahiya na hindi niya mawari. It was weird, si Darren lang naman ang kausap niya kaya bakit siya nakaramdam ng ganoon? "Oo. Forever. Kahit mag-asawa ka na. Sana lang mabait ang mapangasawa mo para makasundo ko rin. Kasi kung hindi baka hindi niya magustuhan ang friendship natin," she blabbered.
"Ah," tanging nasabi nito. Napalingon siya dito dahil tila may narinig siyang disappointment sa tinig nito. Ngunit nakatalikod na ito at pinatay na ang kalan. Nang muli itong humarap sa kaniya ay nakangiti na ito. "Huwag kang mag-alala, hindi ako mag-aasawa hangga't hindi ka nag-aasawa. This time hindi ko na itotolerate ang katigasan ng ulo mo sa pagpili ng lalaki. Dahil kapag pumili ka pa ng lalaking sasaktan ka lang, mag-aaway na tayo," pabirong sabi nito. Ngunit may pakiramdam siyang seryoso ito sa sinabi nito.
May gumuhit na kirot sa dibdib niya sa sinabi nito. Mapait siyang ngumiti. "Huwag kang mag-alala. Wala akong balak humanap ng lalaki. Hindi ako mag-aasawa," sagot niya.
Pinakatitigan siya nito. "Okay. E di hindi rin ako mag-aasawa," pinal na sagot nito.
Siya naman ang napatitig dito at napaawang ang mga labi niya. "Darren!"
Humalukipkip ito at tumitig sa kaniya. "I told you, I will never leave you alone. Not until I know someone will take care of you kahit wala ako," seryosong pahayag nito.
Nag-init ang mga mata niya sa sinabi nito ngunit agad niyang pinalis iyon. Napabuga siya ng hangin. "Ano ka ba, I am not helpless."
Nagkibit balikat ito. "Alam ko. Pero minsan oo. Lalo na kung concerned ang lalaking iyon. At hangga't hindi ako nakakasiguro na hindi siya ang makakatuluyan mo hindi kita iiwang mag-isa. Now, let's stop arguing and let's eat. Baka bumalik ang sakit ng puson mo," sabi nito.
Hindi na siya nakasagot. Napasunod na lang siya ng tingin dito habang naghahain ito ng pagkain. Ilang minuto ang lumipas nang magawa niyang magsalita. "Hindi na niya ako maaapektuhan ulit Darren," mahinang usal niya.
Napahinto ito sa ginagawa at napatingin sa kaniya. Pagkatapos ay lumapit ito sa kaniya at huminto sa harap niya. Ilang pulgada lamang ang pagitan nilang dalawa. "I hope not," sagot nito. Pagkuwa'y tumitig ito sa kaniya at bahagyang hinaplos ang pisngi niya. "I really, really hope you will no longer get affected by anyone again Kendz," halos pabulong lamang na dugtong nito. May kumislap na lungkot sa mga mata nito na hindi niya alam kung para saan.
Sa hindi rin niya malamang dahilan ay bigla niyang naalala ang sinabi ni Darren matagal na panahon na ang nakalilipas. In fact, hindi iilang beses na naalala niya ang mga salitang binitiwan nito noon. Kendra and I are friends... We will never going to become a couple. Gusto na naman tuloy niyang itanong dito ang tungkol doon.
Ngunit gaya ng dati ay walang mga salitang namutawi sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romantizmcover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...