Her True-To-Life Love Story Part 8

4.3K 135 7
                                    

KAHIT HINDI naman naranasang magutom si Harry buong buhay nito ay mahigpit ito pagdating sa pagsasayang ng pagkain. Isang beses daw kasi ay nag feeding program daw ito at si Chad noong med students pa lang ang mga ito at nakita ng mga ito kung paano nagugutom ang karamihan ng mga tao sa pilipinas. Kaya alam niyang ayaw lang nitong masayang ang inorder niya.

"I see. So what do you do?" tanong na naman sa kaniya ni Marcy.

"Oh yeah, I forgot to ask you that," sagot naman ni Apolinario para sa kaniya.

Wala ka kasing sinabi kanina kung hindi ang tungkol sa trabaho mo. "I'm a writer," tipid na sagot niya.

"Writer? For magazines?" curious na tanong nito.

Ngumiti siya. "No. I am a romance novelist."

"A romance novelist?" untag naman ni Marcy. Nakita niya ang panguuri sa kislap ng mga mata nito. Hindi na ito nagsalita pa ngunit sa tingin niya ay mas matindi ang pagkaoffend na naramdaman niya na hindi ito nagsalita kaysa kung nagsalita ito. Dahil kung ganoon sana ay maipagtatanggol niya ang sarili niya.

"Yes and she is one of the best. I like reading her books actually," biglang sabi ni Harry.

Tumawa si Marcy. "You read romance?"

Maging si Apolinario ay tumawa. "Hindi halata sa iyo Harry."

Nagkibit balikat si Harry. "I read only her works. Siya lang ang nakakapagpabasa sa akin ng romance. That's because she's good," anitong sumulyap pa sa kaniya at ngumiti na para bang proud na proud ito sa kaniya.

May bumikig sa lalamunan niya. Bigla ay parang gusto niya itong yakapin sa labis na appreciation sa pagtatanggol at pagsuporta nito sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila at biglang sumeryoso ang mga mata nito. Pagkatapos ay tumingin ito sa wristwatch nito. "Oh no. I remembered I have to visit my sister. Late na ako. I'm sorry if I have to leave you Marcy," anitong tumayo na.

"What? Umalis ka rin bigla nang magkita tayo noong nakaraan pagkatapos mong makatanggap ng tawag. Why are you always on an emergency?" reklamo ni Marcy.

Natigilan si Rica at napasulyap kay Harry. Iyon ba ang gabing tumawag siya rito at pinuntahan siya nito sa apartment niya? Ang babaeng ito ang kasama nito? Sa isiping iyon ay nakaramdam siya ng munting satispaksyon na naistorbo niya ang mga ito.

Nginitian ni Harry si Marcy. Subalit napansin niya kaagad na pilit ang ngiti nito. "This is how my life works Marcy. I'm a surgeon remember?" biro pa nito. Pagkatapos ay bumaling ito kay Apolinario. "I'll leave her to you pare." Napaigtad siya nang biglang hawakan ni Harry ang siko niya at itayo siya. Takang napatingin siya rito. "Kailangan mo rin pumunta kay Hannah ngayon remember?" anito sa kaniya.

"Ah, oo nga pala," sagot niya kahit sa totoo lang ay wala siyang planong ganon. She knew Harry is just saving her. Bumaling siya sa ka-date niya at apologetic na nginitian ito. "Thank you for tonight Apolinario. Salamat sa dinner."

"Don't worry I'll pay of it," sabi ni Harry. Pagkatapos ay inakay na siya nito palayo sa lamesang iyon at kahit na tinatawag ito ni Marcy ay hindi ito lumingon.

"I go along with him just fine but I am really starting to get pissed of him tonight," bulalas ni Harry nang nasa loob na sila ng kotse nito. "What's wrong with romance? It's the most widely read genre in the world, especially in this country," usal pa nito. Kunot pa ang noo nito na para bang anumang oras ay mananakit na ito. Napamaang lang siya rito. Pagkatapos ay natawa. Takang napatingin ito sa kaniya. "Anong nangyayari sa iyo? You're supposed to be irritated not happy."

Tumigil siya sa pagtawa ngunit matamis pa rin itong nginitian. Nang makita niya ang nalilitong ekspresyon sa mukha nito ay hindi na talaga siya nakatiis. Tumingkayad siya palapit dito at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you Harry," usal niya. Isinubsob niya ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat nito at wala sa loob na napasinghot siya nang maamoy ang pabango nito. Paborito niya ang pabangong ginagamit nito dahil hindi iyon masakit sa ilong. It smells comfortable and breezy just like him.

Tila natense ito ngunit saglit lamang iyon dahil naramdaman niyang umangat ang mga braso nito at gumanti ng yakap. Bahagya siya nitong hinigit palapit pa sa katawan nito at tinapik ang likod niya. Napahigit siya ng hininga nang biglang may kung anong tila hinalukay sa sikmura niya. Dahil ba iyon nagugutom pa rin siya o sa biglang pagdiin ng yakap ni Harry sa kaniya?

"Hindi sa ipinagtatanggol kita. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. If he could not see how great and talented you are and if he will look down on your career then he doesn't deserve you. Sayang ang ganda-ganda mo pa naman ngayon. Kung alam lang niya kung gaano kabihira ka nag-aayos ng ganiyan marerealize niya kung gaano siya kaswerte," usal pa nito.

Natawa siya at lumayo rito. Natigilan siya nang hindi ito kumilos upang luwagan ang pagkakayakap nito sa kaniya. Nang mapatingala siya rito at magtama ang mga mata nila ay noon lamang siya nito bantulot na pinakawalan. Tumikhim ito at idinantay ang mga kamay sa manibela. "Akala ko lang mabait ang lalaking iyon," sabi pa nito habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at bahagyang ngumiti. "Hayaan mo na siya. Okay naman iyong si Apolinario. Hindi lang talaga kami compatible," balewalang sagot niya. Narealize niya na ang gaan-gaan na ng pakiramdam niya. Lumambong ang tingin niya kay Harry na mukhang napansin iyon dahil napatitig ito sa kaniya. "Pero salamat talaga at nandito ka Harry. I feel better."

Naging masuyo ang ngiti nito at hinaplos ang pisngi niya. Natigilan siya nang bahagyang sumikdo ang puso niya. "No problem. Alam mo namang basta ikaw, kahit ano pa ang kapalit ipagtatanggol pa rin kita," aniya rito.

Ilang segundong nagkangitian lamang sila nang may bigla siyang maalala. Nawala ang ngiti niya. "Paano pala iyong date mo? Hindi ba magagalit iyon na iniwan mo siya doon?"

Nagkibit balikat ito at binuhay ang makina ng sasakyan nito. "I'll just make it up with her," balewalang sabi nito.

Napakunot noo siya at pinakatitigan ito. "Harry, seryoso ka ba sa kaniya?"

Sumulyap ito at umangat ang mga kilay. "Why? Do you think she's too liberated for me like what Kendra thought?" may bahid ng pagbibirong tanong nito.

May bahagyang iritasyon siyang naramdaman dahil hindi nito direktang sinagot ang tanong niya. May posibilidad bang seryoso ito sa babaeng iyon? The thought made her more irritated. "No. What I want to say is that she doesn't deserve you. Harry she looks trouble to me. Kung hindi ka naman seryoso sa kaniya iwan mo na siya bago ka pa niya ipahamak okay. You deserve someone far far better than her," seryosong sagot niya.

Hindi ito nakakibo. Nang sumulyap ito sa kaniya ay may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata nito na bahagyang nagdulot ng kurot sa puso niya. Ngunit agad din iyong nawala at napalitan ng ngiti. "Thanks. I'll keep that in mind."

Napabuntong hininga na lang siya at umayos na lamang ng upo. Alam niyang kapag ganoon na ang sagot nito ay ayaw na nitong pag-usapan pa ang kung ano mang paksa nila. Hahayaan muna niya ito ngayon. Pero sa susunod talaga ay kukulitin na niya ito. Isa pa hindi siya papayag na sa ganoong babae lang mauwi si Harry. I just want a woman who will make him happy. Because we're friends. Katwiran niya sa isip. Kung bakit bigla siyang naging defensive ay ayaw na niyang alamin.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon