NAKALMA si Hannah sa init ng mga labi ni Chad. Maging ang paraan ng paghalik nito sa kaniya ay masuyo at tila ingat na ingat. Nagdudulot iyon sa kaniya ng tila nakukuryenteng sensasyon sa bawat himaymay ng katawan niya. Unti-unti ay nakalimutan niya ang nangyari at natuon na lamang ang lahat ng atensiyon niya sa paghalik nito. Saglit pa ay hindi siya nakatiis. Kusang umangat ang mga braso niya sa leeg nito at tinugon ang halik nito. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya at pinalalim ang halik.
Hindi niya malaman kung gaano katagal iyon. Nawalan na rin siya ng pakielam sa oras. Hanggang sa tuluyan ng nawala ang tensiyong kanina lamang ay nararamdaman niya. Saglit pa ay pinakawalan na nito ang mga labi niya. Sinalubong nito ang mga mata niya. Nang ngumiti ito ay tila may kamay na humaplos sa puso niya. "Umuwi na tayo. I'll drive. At mula sa gabing ito ay palagi na kitang susunduin okay? Hindi ka pwede tumanggi. Hangga't nandito ako hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo," sabi nito.
Tumango na lamang siya at tipid na ngumiti. "Thank you Chad."
Dumeretso na ito ng tayo at bahagyang pinisil ang pisngi niya. "My pleasure," sabi nito at ginagap ang kamay niya. Pinisil nito iyon ng isang beses at inakay na siya patungo sa kotse niya. At kahit walang pormal na salitaang namagitan sa kanilang dalawa, alam niyang sa oras na iyon ay may nag-iba sa relasyon nila.
KATULAD ng napag-usapan nila ay si Chad ang nagmaneho pauwi. Nang makarating sila sa bahay nila ay malamlam na liwanag na lamang ang umiilaw doon. Siguradong nahihimbing na ang mga magulang niya dahil maaga matulog ang mga ito. Si Harry naman ay may shift ng gabing iyon.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay saglit lamang silang nagpaalamanan bago sila pumasok sa kani-kaniyang silid. Hindi sila masyadong nagsasalita pero sapat na ang pagpisili nito sa palad niya bago siya pumasok sa kuwarto niya para makalma at maassure siya.
Nang makapasok siya ay napahinga siya ng malalim at mabilis na lumapit sa kama niya. Pabagsak na umupo siya sa sofa. Saglit siyang napatitig sa dingding. Tila nakikita pa niya roon ang eksena kanina partikular ang paghalik at pagyakap sa kaniya ni Chad.
Napahawak siya sa mga labi niya. Tila nararamdaman pa niya ang init ng mga labi nito doon. Bigla ay may kilig na nais umalpas sa kaniya. Napangiti siya at pabagsak na humiga sa kama. Matagal na panahon na niyang hindi nararamdaman ang ganoong pakiramdam. Nakakabata ng pakiramdam.
Nakangiti pa ring napabaling ang tingin niya sa picture frame nila ni Ruel. Bumangon siya at tumitig doon. Wala na siyang makapang sakit. Ang tanging naroon na lamang ay nostalgia sa nakaraan niyang kasama si Ruel. Pero wala na ang dating pangungulila at pait na nararamdaman niya tuwing napapatitig siya sa larawan o tuwing naiisip niya ang dating kasintahan. Saan na napunta ang mga emosyong iyon? Ah, marahil ay natangay iyon kanina ng halik at yakap ni Chad. Sa naisip ay muli siyang napangiti.
Magaang ang pakiramdam na bumangon siya at maingat na kinuha ang picture frame. Ruel, alam kong kung nasaan ka man, you want me to be happy. And honestly, akala ko hindi na ko magiging masaya. But now, I promise I will be. Kasi nakakita na ako ng taong sa tingin ko ay makakapagpasaya sa akin ng katulad o kung hindi man ay higit sa sayang naranasan ko sa piling mo. For the first time after so many years, I felt that funny feeling on my stomach just by looking at someone again. So be happy wherever you are too okay? kausap niya sa larawan.
Saglit pa niya iyong tinitigan bago ipinasok sa loob ng cabinet niya. Nang gabing iyon ay nakatulog siya ng maayos at may ngiti sa mga labi. Bagay na unang beses na nangyari sa loob ng apat na taon.
MAGAANG ang pakiramdam ni Hannah nang magising siya kinabukasan. Hindi siya nagmamadali dahil day-off niya. Bukod doon ay nakapanaginip siya ng maganda. Hindi na nga lang niya naalala kung ano iyon pero sigurado siyang nasa panaginip niya si Chad.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...