Sa totoo lang, noong mga bata pa sila, ni hindi sumagi sa isip ni Kendra na magiging matalik niya itong kaibigan. Bukod sa likas na hindi siya malapit sa mga lalaki dahil ayon sa mga ito ay masyado raw siyang matapang at suplada, ay talaga namang sobrang magkaiba sila ni Darren.
She prefers being alone habang ito naman ay palaging napapalibutan ng mga kaklase nila mapalalaki man o babae. Mabilis siyang mairita habang ito naman ay napakahaba ng pasensya. Ni hindi pa nga niya ito nakikitang magalit ng husto samantalang siya, hindi na niya mabilang kung ilang beses nito nakitang nagtapon ng kung anu-ano sa sobrang inis.
Ngunit marahil, dahil rin sa kasing opposite ng north at south pole na ugali nilang dalawa kaya naging ganoon sila kalapit. Her girlfriends said they complement each other. Ngunit ayon naman sa pamilya niya, likas lang daw talagang matiyaga si Darren. Dahil kung hindi ay malabo raw na matagalan siya ng binata. Sa tuwing sinasabi iyon ng mga magulang niya ay irap lang ang isinusukli niya.
Naayos na niya ang lahat doon nang tumunog ang chime sa pinto ng clinic niya. Awtomatiko siyang napalingon sa bumukas na pinto. Agad na nakita niya ang guwapong mukha ni Darren. His face broke into a smile when their eyes met. Bahagya tuloy naningkit ang may pagkachinitong mga mata nito dahil doon. Lumitaw din ang biloy nito sa kaliwang pisngi at ang pantay-pantay na maputing mga ngipin nito.
"Just in time," medyo hinihingal pang bulalas nito.
Bahagya siyang natawa. "Right," sang ayon niya. Kinuha na niya ang bag niya at lumakad patungo sa pinto. Gumilid ito at niluwagan pa ang pinto para makadaan siya. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay. Agad namang iniabot niya rito ang susi ng clinic niya. Kahit sanay na siya sa mga ganoong gesture nito ay hindi pa rin niya napigilang mapataas ang kilay.
"Oh bakit tumitikwas na naman ang kilay mo?" takang tanong nito.
Tinitigan niya ang bahagyang nakakunot noong mukha nito. "Ganiyan ka naman ka gentleman sa lahat ng babae hindi ba?" tanong niya rito.
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "I don't know. Maybe. Bakit na naman?"
"Then why don't you have a girlfriend?" aniya rito bago tuluyang lumabas ng clinic niya.
Ilang segundo ang lumipas bago ito pumalatak. "Kung magsalita ka naman parang ikaw may boyfriend," parungit nito.
Nagkibit balikat siya. "Ayoko eh. E ikaw malabo namang ayaw mo ng girlfriend. Hindi ako maniniwala," aniya rito.
Pinagmasdan niya ito habang nilalock nito ang pinto. Pagkatapos ay humarap ito sa kaniya at namaywang. Dahil nakapang opisina ito ay bahagyang humakab sa magandang katawan nito ang polo nito nang gawin nito iyon. "For your information Miss Kendra Soriano, I may not have a girlfriend but I am dating someone," mayabang na sabi nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "You do? Kailan pa bakit hindi mo sinabi sa akin?" manghang bulalas niya.
Bigla namang tila nailang ito. Halatang nadulas lang at wala talagang intesyong sabihin sa kaniya ang tungkol doon. Tumikhim ito at lumakad na palapit sa kaniya. "Bago pa lang. Masyado kang busy at hindi tayo nakakapag-usap lately kaya hindi ko nasabi sa iyo. Tara na nga baka malate tayo lagot tayo kay tita," anitong nilampasan na siya at lumapit sa kotse nitong nakapark sa tabi ng kotse niya na magpapalipas ng gabi doon.
Umismid siya at humalukipkip. "Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang sabihin sa akin," ingos niya.
Binuksan nito ang pinto ng passenger seat at muling bumaling sa kaniya. Salubong na naman ang kilay nito. "You know that's not true. Sa ating dalawa ikaw ang mas malihim hindi ako."
Nagkibit balikat na lang siya at pumasok na sa sasakyan. Wala naman kasi siyang mairereact doon dahil iyon ang totoo. Mabilis naman itong lumigid at pumuwesto sa driver's seat. Ilang segundong walang nagsalita sa kanila. Hinihintay niyang buhayin nito ang makina ng kotse nito. Ngunit himbis na gawin iyon ay nagbuga ito ng marahas na paghinga.
"Fine. Her name is Divina. She's one of the researchers in our company. I kinda like her and she likes me. So we are occasionally dating. Usually kapag wala kaming masyadong trabaho. That's it," pahayag nito. Nilingon niya ito. Nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya. "Okay na?" untag pa nito.
Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi niya. "Okay. Curious lang naman ako. Kailan mo naman siya ipapakilala sa akin?" sagot niya.
Muli ay natigilan ito. Pagkuwa'y napakamot sa pisngi. "Kendz, I don't think that's necessary. I mean... hindi ko pa naman masabing, uh, seryoso kami. We are just hanging out since pareho naman kaming single," hirap na paliwanag nito.
Nanlaki ang mga mata niya. "Aba Darren Leviste hindi ko naisip na ganiyan kang lalaki. Kailan ka pa naging player?" asik niya rito.
Bumakas ang hinanakit sa mukha nito. "Hindi ako ganoon. Hindi ko siya pinaglalaruan at lalong hindi ako nang to-two time. Hindi ako gaya ng ex mo." Natigilan siya sa sinabi nito. May gumuhit na pamilyar na kirot sa dibdib niya dahil biglang may dumaang alaala sa isip niya. Mukhang bumakas sa mukha niya ang sakit na iyon dahil na-alarma ito. "I'm sorry," mabilis na bawi nito.
Hindi pa rin siya nakapagsalita. Napalitan ng pag-aalala ang pagkaalarma sa mukha nito. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang braso niya. "Kendz, I'm sorry. I didn't mean to bring it up," ulit nito.
Napabuntong hininga siya. "I know. It's okay. Sorry din kung inakusahan kitang playboy. Alam ko namang hindi ka ganoong lalaki. Alam ko na iba ka sa kaniya o sa kahit na sinong lalaki," mahinang sabi niya.
Hindi ito nagsalita at tumitig lang sa kaniya. Naramdaman niya ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa braso niya na tila may nais sabihin ngunit hindi nito magawa. Pagkatapos ay ngumiti ito. "Masyado akong natouch sa sinabi mo. Nakakaiyak," pabirong sabi nito.
Napangiti siya. Expect Darren to lighten up a heavy atmosphere with just one smile. "Dapat lang na ma touch ka. Bihira ako magbigay ng compliment," ganting biro na rin niya.
Tumawa ito. "I know." Binitiwan na nito ang braso niya at binuhay ang makina ng sasakyan. Saglit pa ay nasa kalsada na sila. "Alam mo Kendz, ano kaya kung mag out of town tayo? Matagal na nating hindi nagagawa iyon. Hindi ko na nasusundan ang buhay mo."
Nangingiting sinulyapan niya ito. He has the most beautiful profile she had ever seen in her life. Bukod sa boses nito at siyempre sa ugali nito, isa iyon sa pinakagusto niya rito. Ipinadausdos niya ang sarili sa upuan at inihilig ang ulo sa headrest niyon habang nakatingin pa rin dito. "Ano namang kasunod-sunod sa buhay ko? Wala naman."
Sumulyap din ito sa kaniya at ngumiti. "E di para masundan mo naman ang napaka exciting kong buhay."
Lumawak ang ngiti niya. "Itatanong ko muna kila Rica baka may pinaplano sila," aniyang ang tinutukoy ay isa sa mga college friends at kasosyo niya sa negosyo.
Bahagyang tumulis ang nguso nito. "Grabe naman. Hindi ba kita pwedeng mahiram sa kanila kahit ngayon lang? Lagi na lang sila ang kasama mo nagseselos na ako."
Natawa na siya. "Okay fine. Sasabihin ko sa kanila na sa iyo ako sasama dahil nagseselos ka na sa kanila."
Bumalik ang ngiti sa mga labi nito. "Iyan, ganiyan dapat." Natawa na naman siya. Hindi na sila naubusan ng pag-uusapan hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila. Ni hindi nga niya namalayang naroon na pala sila. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing kasama niya si Darren. Palagi ay nakakalimutan niya ang oras at parang kay bilis ng bawat sandali. Iyon ang dahilan kung bakit sa loob ng labing anim na taon, ay hindi siya nagsasawa sa presensya nito sa buhay niya. And she knew, she will keep him forever as one of the most important person in her life.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...