When The Love Falls - Part 12

4.3K 159 2
                                    

GUSTONG mapailing ni Dillion nang magkaroon siya ng pagkakataong pakiramdaman ang sarili habang nagmamaneho siya patungo sa bahay ni Jemelyn. Sa kabila ng kinasusuungang panganib ng dalaga ay hindi niya pa rin mabura ang kakaibang satispaksyon na nararamdaman niya matapos niyang makilala ang mga kaibigan nito. He felt an unfamiliar warmth on his chest while seeing a different side of her a while ago.

Sa harap ng mga kaibigan nito ay mas relax ito at mas palatawa. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin maikakaila ang kakaibang talino at confidence na mayroon ito. Bilib rin siya sa katotohanang hindi nito sinabi sa mga kaibigan nito ang panganib na kinahaharap nito dahil ayon rito ay ayaw raw nitong mag-alala pa ang mga ito rito. She said that all her friends were in the midst of happiness and she doesn't want to ruin it.

Most of all, he was so relieved to know that the guy he thought has something to do with her was actually just a friend. At alam niya, hindi na simpleng reaksyon ang mga nangyayari sa kaniya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaganoon lalo na dahil sa isang babae. Sa likod ng isip niya ay may ideya na siya kung ano ang tawag sa nangyayari sa kaniya.

Ngunit may mas importanteng bagay siyang kailangang asikasuhin kaysa ang pagtuunan iyon ng pansin. Bago ang sarili niya, mas mahalaga munang masiguro niyang wala ng threat sa buhay nito. And honestly, it was the first time he had that strong desire to protect someone. Dati sumasabak siya sa gera at sa kahit na anong delikadong bagay para lamang sa thrill. Para maalis ang boredom niya. But with her it's entirely different.

"Lumiko ka sa susunod na kanto. Malapit na roon ang bahay namin," sabi ni Jemelyn na bahagya pang nakaliyad sa direksyon niya dahilan kaya bahagyang lumapat ang tagiliran nito sa braso niya. Himbis na sundan tuloy niya ng tingin ang itinuro nito ay napasulyap siya rito. Her nearness woke a tingling awareness through out his body. Bagay na lagi na lamang niyang nararamdaman at sa totoo lang ay malapit na niyang hindi makontrol. Lalo pa at sa kabila ng edad nito ay halatang wala itong kaalam alam sa epekto nito sa kaniya. She was just too innocent to notice it. Ni hindi tuloy siya makaporma dahil ayaw niyang matakot ito sa kaniya. Iyon ang huling bagay na nais niyang mangyari.

"Dillion," untag nito sa kaniya.

Napatikhim siya at inalis ang tingin dito kasabay ng pagkabig niya patungo sa direksyong itinuro nito. Nakapasok sila sa isang subdivision at habang tumatagal ay napapakunot noo na siya dahil padilim ng padilim ang daang tinatahak nila. Hanggang sa sinabihan na siya nitong ihimpil ang sasakyan niya sa isang two-storey house na walang kailaw-ilaw. Lalong lumalim ang kunot ng noo niya habang sinisilip iyon. "Diyan ka nakatira?" tanong niya.

"Oo. Wala kasing tao kaya ganiyan kadilim. Si mama talaga, sinabi ko ng mag-iwan ng bukas ng ilaw kahit sa may garahe lang. Salamat sa paghatid," kaswal na sabi nito at akmang bababa na nang mahawakan niya ang braso nito. Napalingon ito sa kaniya. "O bakit?" takang tanong nito.

"Do you really expect me to leave you alone in your house, in this God forsaken subdivision na hindi ko maintindihan kung bakit walang street lights? You've got to be kidding me."

Ang magaling na babae, tinaasan lang siya ng kilay. "Dillion, matagal na kaming nakatira dito. I am safe at my own house," paliwanag nito.

"Hindi natin sigurado iyan. Paano kung nalaman ng nagtatangka sa buhay mo na mag-isa ka lang ngayon sa bahay ninyo at pasukin ka? O kahit hindi siya, what if a thief broke in your house? Hindi mo ba naiisip na baka kung ano ang mangyari sa iyo? You are a woman," giit pa rin niya.

Tumawa ito at lalo lang siyang nakaramdam ng inis. Hinawakan nito ang kamay niyang nasa braso nito at bahagya iyong pinisil. Napaigtad siya, hindi dahil sa pwersa ng ginawa nito kung hindi dahil sa sensasyon ng malambot na kamay nito sa balat niya. "Exactly. Kaya ko namang maglock ng pinto at bintana. Mas relax rin ako sa loob ng bahay ko kaysa sa opisina ko. At sa tagal kong nagtatrabaho sa kumpanya ninyo, wala pa akong nasabihan kahit na sino ng address ko. At kung may magtangka mang pumasok sa bahay ko alam ko kung ano ang numero ng pinakamalapit na pulisya. I don't want to impose on you so much na pati sa gabi ay kailangan mo pa akong samahan. I am a big girl Dillion," malumanay na paliwanag nito kasabay ng marahang pagtapik nito sa kamay niya.

Iba ang dating ng tinig nito sa pandinig niya. It sounded like a siren's whisper. Desire shot through his body like lightning. Sandaling parang nais na lang niya itong higitin palapit sa kaniya at siilin ito ng halik. He also had a strong urge to slam her body to his, to touch her smooth skin, to taste every inch of her, to take her until he got his fill. The feeling was so strong his insides churned. Nanuyo ang lalamunan niya at pakiramdam niya may namumuong tagaktak ng pawis sa noo niya. Alam niya na kapag hindi pa siya lumayo rito at baka magawan na niya ito ng kahalayan. Subalit kung iiwan niya ito roon ay hindi rin siya mapapakali sa pag-aalalang baka may mangyaring hindi maganda rito. But you are more dangerous for her right now Dillion. Paalala ng matinong bahagi ng utak niya.

"Dillion," tawag nito sa kaniya.

Kumurap siya at mabilis na inilayo ang kamay rito. Dumeretso siya ng upo at inalis rito ang tingin. Dahil nangangati pa rin ang kamay niyang hawakan ito ay inilapat na lamang niya ang mga iyon sa manibela at iyon ang mariing hinawakan. "Fine. Pumasok ka na sa loob. Pero dito lang ako. Babantayan kita," aniya rito. Naipagpasalamat niyang lumabas na maawtoridad ang tinig niya. Inside, he was fighting his own demons.

"What? Ano ka ba hindi na kailangan. Umuwi ka na Dillion."

Tumiim ang bagang niya. "I won't. Pumasok ka na sa loob. Make sure you lock the doors and windows. Buksan mo rin ang ilaw. Dito lang ako," giit pa rin niya.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang napaawang ang mga labi nito habang nakatingin sa kaniya. Pagkuwa'y marahas itong umiling. "Bahala ka nga," usal nito at saka bumaba. Napasunod na lang siya ng tingin dito habang naglalakad ito papasok sa gate ng bahay nito hanggang sa marating nito ang front door. Binuksan nito ang pinto at bago ito pumasok ay muli itong lumingon sa direksyon niya. Kahit na sa distansyang iyon ay nakikita niya ang concern sa mukha nito.

Lalong humigpit ang hawak niya sa manibela upang pigilan ang katawan niyang bumaba at sundan ito. Ilang segundong nakatingin lang ito sa direksyon niya bago ito bumuntong hininga at tuluyan nang pumasok sa bahay nito. Nang sumara ang pinto ay siya naman ang napabuga ng hangin. Pagkuwa'y napayukyok siya sa manibela. This is the first time that I resisted this much too. Ang mas matindi pa ay alam niyang kung ano man ang nararamdaman niyang iyon ay hindi lamang basta pisikal na atraksyon. The feeling was stronger than that and it makes his chest ache.

Shit, I am really losing it. Naiiling na nausal niya sa isip.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon