Part 13

5.9K 192 5
                                    

"MAY sasabihin ako sa iyo Hannah," kaswal na pukaw sa kaniya ni Chad. Napatingala siya rito. Naglalakad silang dalawa palabas ng subdivision nila. Napagdesisyunan nilang maglakad na lang papunta sa bayan dahil walking distance lang naman iyon. Hindi naman problema ang init dahil nalililiman ng matataas na puno ang daan ng subdivision nila. Magkahawak ang kamay nila.

Kung kailan naging ganoon ang sitwasyon sa pagitan nila ay hindi na niya namalayan. Basta parang awtomatiko na lamang ang naging kilos nila nang umalis sila ng bahay nila. Noong una ay magkaagapay lamang silang naglalakad. Pero katagalan ay naramdaman na niya ang paguumpugan ng mga kamay nila. Hanggang sa maramdaman niya ang paggagap nito noon. Hindi siya nagprotesta at hindi rin nagkomento. Gusto naman kasi niya ang pakiramdam ng init na nagmumula sa kamay nito.

Nginitian niya ito. "Anong sasabihin mo?" tanong niya.

Niyuko siya nito. "Your family is pairing us up you know," sabi nito.

Natawa siya. "Oo nga eh. Kanina kulang na lang ay itulak nila tayo palabas ng bahay," sagot niya. "Gustong gusto ka nila mama at papa alam mo ba? Walang wala ang mga nirereto ni mama sa akin sa pagkagusto niya sa iyo," dugtong niya.

Tumawa ito. "I also like them. Ang mama mo kahit makulit at mahirap tanggihan kapag nagrequest gusto ko pa rin. Masuwerte kayo ni Harry sa kaniya," anito.

Siya naman ang natawa. "Naku totoong pakielamera iyong si mama. Pero mabuti na lang hindi ka na nila kailangang piliting makipaglapit sa akin o kaya ay ligawan ako na gaya ng pangrereto niya sa akin sa ibang lalaki dati. It would be pathetic on my part kung ganoon nga. Because knowing my mother hindi na ako magtataka kung gagawin niya iyon para lang makapag-asawa ako," naiiling na sabi niya.

Nakita niyang tumahimik ito at nawala ang ngiti. "But I do love my mother. At dumating ka naman kaya hindi na niya kailangang gawin iyon," aniya rito.

Ngumiti na ito at pinisil ang kamay niya. Pagkuwa'y binigyan siya ng mabilis na halik sa gilid ng mga labi. "I know."

WALA pang labing limang minuto ay nakarating na sina Hannah at Chad sa sentro ng lugar nila. Napansin kaagad ni Hannah ang stage sa gitna niyon na may malakas na tugtugin. Sa paligid ay maraming estudyante na base sa uniporme ay mula sa kolehiyong malapit doon. Mukhang may event ang mga ito doon.

"Wow, ang tagal ko ng hindi nakakita ng mga ganiyan," sabi ni Chad na nakamasid din sa mga estudyanteng abala sa ginagawa. Maging siya ay napatingin lang din sa mga estudyante. Bigla ay may naalala siya.

"Alam mo ba, sa isang event noong college din kami unang nagkita ni Ruel," biglang nasabi niya. Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito sa kamay niya. Tiningala niya ito. Nakatingin ito sa kaniya. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha nito ngunit nakikita niya sa mga mata nitong handa itong makinig sa sasabihin niya. And honestly, isa iyon sa dahilan kung bakit natutunan niya itong mahalin. Alam niya na kahit hindi ito nagsasalita ay handa itong makinig sa kaniya, handa itong i-console siya. Hindi ito pasikat na gaya ng mga lalaking may gusto sa kaniya dati pero palaging nandiyan lamang ito at palagi niyang maasahan.

Bahagya siyang ngumiti. "Ruel is my first and only boyfriend. Mula ng makilala ko siya wala na akong ibang nakitang lalaki kung hindi siya. Wala na akong ibang gusto kung hindi siya lang. I even dreamed of living the rest of my life with him. Pero namatay siya sa isang aksidente," kwento niya rito. Sa palagay kasi niya ay dapat nitong malaman iyon. Gusto niya na maging malinaw at malinis ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Dahil ngayon ay ito na ang importanteng lalaki sa buhay niya.

Hinintay niyang mag-react ito. Pero walang sumungaw kahit pagkagulat sa mukha nito. Nanatili lamang itong nakatitig sa kaniya. Kung ano man ang iniisip nito ay hindi niya malaman. Makalipas ang ilang sandali ay bahagya itong ngumiti na para bang naiintindihan siya nito. Noon siya nagkaroon ng reyalisasyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Alam mo na ang tungkol doon? Sinabi na sa iyo nila mama?" tanong niya kahit alam niyang iyon nga ang nangyari.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon