Secretly In Love - Prologue

6.4K 164 1
                                    


NANINGKIT ang mga mata ni Kendra habang nakamasid siya sa mga kaklase niyang naghahagikhikan at abala sa kung anu-anong ginagawa. Wala sana siyang pakielam kung ganoon ang mga ito kung hindi lamang oras ng klase. Pagkatapos ay nasa harap pa ang student teacher nila na halata sa mukha na hindi alam ang gagawin.

Mariin niyang naipinid ang mga labi at naghintay pa na magkaroon ng lakas ng loob ang student teacher nila na sawayin ang mga kaklase niya. Sinubukan naman nitong sawayin ang mga ito ngunit saglit lang itong tiningnan ng mga kaklase niya bago muling nag-ingay. Halata na binubully ng mga ito ang guro.

Isa iyon sa mga ayaw niya sa klaseng iyon. Kaya nga ba noon ay ayaw niyang pumayag sa gusto ng mga magulang niya sa na private school na iyon siya ipasok ng high school dahil duda siya kung makakasundo niya ang mga anak mayamang kaklase niya. Ang kaso dahil nag-iisang anak daw siya at gusto ng mga itong mag-invest daw sa future niya ay pinilit siya ng mga ito na doon mag-aral. At gaya ng inaasahan niya, sa eskuwelahang iyon ay mas nasusunod ang mga estudyante kaysa mga guro.

Nakita niyang namamasa na ang mga mata ng kawawang student teacher habang halatang hindi alam ang gagawin. "Class, let's start our lesson already," frustrated na sabi nito.

Sa pagkakataong iyon ay bumaling na ang isang grupo dito. "We don't want to. Home economics duh? We have maids who can do that. Why is it in the curriculum anyway," maarteng sabi ng kaklase niyang si Melinda. Anak ito ng isang politiko at tingin nito kaya nitong utusan ang lahat ng tao. Lider din ito ng buong grupo ng mga babae doon. Kasunod niyon ay ang second the motion ng mga alipores nito. Ang mga lalaki ay hindi nagrereact.

Namutla ang guro at mukhang maiiyak na talaga. Hindi na siya nakatiis. Marahas na tumayo siya sa pagkakaupo at ipinukpok ang dalawang palad sa desk. Tumahimik ang paligid at napatingin ang mga ito sa kaniya. She glared at them. "Will you stop being brats? Kung may problema kayo sa subject tell the principal tutal I know you can easily do that. Huwag ninyong ipahiya ang taong sinusubukang gawin ang trabaho niya. Don't do that again," matigas na pahayag niya.

Saglit na hindi nagsalita ang mga ito. Tumingin siya sa guro na namumutla pa rin. Lumakad siya palapit dito. Binitbit niya ang mga librong dala nito. "Sasamahan ko na ho kayo papunta sa faculty. I don't think makakapagturo pa kayo," aniya rito sa mas malumanay na tinig. Tumango ito. Hindi tumitingin sa mga kaklase niya na inakay niya ang guro palabas ng classroom.

Nang pabalik na siya ay parang may sumuntok sa sikmura niya nang makitang nakakalat sa corridor ang mga gamit niya. Pagkatapos ay nakita niyang sumungaw mula sa pinto si Melinda. Hawak nito ang notebook niya at walang pagdadalawang isip na inihagis iyon kasama ang iba pa niyang libro.

Nanlaki ang mga mata niya. "What are you doing?" sigaw niya rito at mabilis na lumapit dito.

Himbis na mabagabag ay itinaas pa nito ang noo. "That's for not knowing your place bitch," asik nito sa kaniya.

Nagpantig ang tainga niya. "Look who's talking," ganti niya rito. Hindi siya ang tipo ng taong nagpapaapi kaya hindi siya papayag na sabihan siya nito ng ganoon ng hindi gumaganti.

Nagningas sa galit ang mga mata nito at akmang sasabunutan siya nang biglang may pumagitan sa kanilang dalawa. "Hep, that's enough," malumanay ngunit may awtoridad na saway ng lalaki.

Napahinto si Melinda at napatingin sa lalaki. Siya man ay tumingala. Ang malapad na likod ng lalaki ang nakita niya. Ngunit sapat na iyon at ang boses nito upang malaman niya kung sino ito – si Darren Leviste, ang class president nila at ang tanging estudyante doon na pinapakinggan ng lahat. "Melinda, huwag na nating palakihin ito okay?" sabi pa nito.

Tuluyan ng ibinaba ng babae ang kamay at muli siyang sinulyapan ng matalim bago paismid na tumalikod at bumalik sa loob ng classroom. Noon siya hinarap ni Darren. Nagtama ang mga mata nila. "Okay ka lang?" tanong nito sa mas malambot na tono.

Himbis na sagutin ito ay matalim lang niya itong tiningnan. Pagkatapos ay isa-isa niyang pinulot ang mga gamit niya. Hindi niya ito mapagkakatiwalaan. He is one of them. Kahit na kung tutuusin ay pareho lang naman sila ng katayuan sa buhay kumpara sa iba nilang kaklase ay malapit ito sa lahat. Katunayan kung si Melinda ang lider ng mga babae, ito naman ang lider ng mga lalaki. Wala siyang balak makipagkaibigan dito.

Kaya lalo siyang nainis nang yumuko din ito at tulungan siyang pulutin ang mga gamit niya. "Stop that!" galit na saway niya rito. Napatingin ito sa kaniya. Hinablot niya rito ang notebook niya pagkatapos ay marahas ng tumayo. Kipkip ang mga gamit ay naglakad na siya palayo doon. Wala na siya sa mood pumasok pa sa classroom.

Malayo na ang nalalakad niya nang muli niyang marinig ang boses ni Darren. "Mag ka-cutting classes ka?"

Napahinto siya at marahas itong nilingon. Ni hindi niya napansing nakasunod ito sa kaniya. "Anong pakielam mo?" asik niya.

Hindi ito mukhang nabahala. "Top student ka pa naman. Magpapaapekto ka ba sa kanila?"

Lalo siyang nainis. "What do you want me to do? Magkunwaring wala akong nakikita at magpatay malisya na gaya ng ginagawa mo? Palibhasa pare-pareho kayong spoiled brats," gigil na sabi niya.

"Woah, huwag ka namang mandamay. Wala naman silang ginagawang masama sa akin so I have no complaints. Pero hindi ibig sabihin niyon kagaya nila ako. Mas marunong lang akong makisama sa kanila. Just so you know, the best way to get along with them is to just let them be," sabi nito.

Naningkit ang mga mata niya. "Whatever," ingos niya at pinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit sa pagkakataong iyon damang dama niya na nakasunod pa rin ito sa kaniya. Tumigil siya at muli itong nilingon. Huminto din ito sa paglalakad at nakapamulsa. "Bakit mo ba ako sinusundan?"

Malawak itong ngumiti. "I don't want you to be alone. At iyon ang nakatakdang mangyari the moment you went against Melinda. Kaya mula ngayon, sasamahan na kita palagi," kaswal na sagot nito.

Saglit na napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito bago siya nakabawi. "I don't care being alone."

Humakbang ito palapit sa kaniya at pinakatitigan siya. "Well, I care. You being alone, I mean."

Napaawang na naman ang mga labi niya. Kumilos ito at mabilis na kinuha mula sa kaniya ang mga bitbit niya. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang kamay niya at inakay siya patungo sa kung saan. Tinangka niyang pumiksi ngunit humigpit lang ang hawak nito sa kamay niya. Napabuga siya ng hangin at wala na siyang nagawa pa.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon