"CONGRATULATIONS Doc. Successful na naman ang operasyon ninyo."
Sa kabila ng pagkahapo ay nagawang ngumiti ni Harry sa mga nurse na sumalubong sa kaniya pagkalabas niya ng emergency room. "I am just thankful that my patient will be okay now," tanging sagot niya sa mga pagbati at mabilis na nagpaalam sa mga ito.
Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang dumeretso sa lounge, uminom ng kape at maghanda na sa pag-uwi. Ang operasyon na iyon ang huling schedule niya para sa linggong iyon kaya maaari na siyang huwag magpunta sa ospital bukas. Kung walang emergency na mangyayari ay makakapagbreak siya buong maghapon kinabukasan at sa susunod na araw pa. It has been so long since he last took a two day vacation like that.
Pagdating niya sa lounge ay nakita niyang naroon si Chad at umiinom na rin ng kape. Nang makita siya nito ay ngumiti ito at inabot sa kaniya ang isang mug ng kape na umuusok pa kaya halatang kakatimpla lang. "Good job pare," bati pa nito sa kaniya.
Napangiti rin siya at kinuha ang mug. "Salamat. I badly need this caffeine," usal niya at umupo sa mahabang sofa na naroon at sumandal. "Gusto ko ng matulog."
"Itulog mo magdamag iyan para bukas balik na ang energy mo. Break mo bukas hindi ba? Pwede bang pasyalan mo si Hannah para makauwi muna si mama sa inyo? Ang sabi ni Hannah baka namimiss na ni papa si mama kaya gusto niyang umuwi muna. Pabantay muna ang asawa at anak ko. Hanggang bukas ng gabi pa kasi ang shift ko," pakiusap nito.
Tiningnan niya ni Harry si Chad. Sa tuwing nakikita niyang ganoon si Chad ay nagpapasalamat siya na ito ang napangasawa ng kakambal niya. With him, he knew Hannah will be happy. Magkaibigan na sila ni Chad sa med school pa lang at ilang beses na rin niya itong naisama sa bahay nila noon. Noon ay napapansin na niya na palagi itong napapalingon kapag nasa bahay si Hannah. Subalit hindi niya siya nagkokomento tungkol doon noon dahil ng mga panahong iyon ay may boyfriend ang kapatid niya na alam niyang mahal na mahal nito. Hanggang sa mamatay iyon at maiwang mag-isa si Hannah. Akala niya hindi na makakamove on ang kapatid niya sa nangyari. That's why he was thankful when Chad contacted him and asked him if he could stay at their house for a while. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon at hindi siya nagsisisi. Hayun nga at masaya na ang mga ito.
Napangiti siya at uminom muna ng kape bago sumagot. "Sige. Gusto ko rin naman makita ang kapatid at pamangkin ko. Gabi pa naman ang lakad ko bukas."
Umangat ang mga kilay nito. "Date?"
"Yeah," sagot niya.
"Sino?"
"Marcy."
Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. "Marcy? The hospital's director's daughter?"
Siniid niya ang laman ng mug niya at tumayo na. "Yep. That one."
Napakunot na ang noo nito. "Are you serious? I think she is too liberated for you."
Siya naman ang napaangat ang mga kilay. "You think so? I like her just fine."
Napatitig ito sa kaniya. "Exclusively dating na ba kayo?"
Natawa siya at inilapag ang mug sa lamesa. "Hell no. She's not the type to do that. And I like our no commitment set up. Sige pupunta na ako sa locker para makapagpalit na ako ng damit at ng makauwi na," paalam niya rito.
"Harry. Why don't you just settle down instead of doing that? Baka mamaya madale ka pa ng babaeng iyan at mapikot ka pa. O kung hindi siya baka ang mga susunod na mga babaeng papatulan mo. You are considered a good catch by all the female staff you know. At siguradong kahit ang direktor natin iyon ang iniisip. Paano kung ipakasal ka niya sa anak niya kapag nakarating sa kaniya na lumalabas kayo? Do you want to marry her?" seryosong tanong nito.
Nilingon niya ito mula sa akmang paglabas. Kahit ayaw niya ay naging pagak ang naging dating ng tawa niya. "Good catch huh. Alam mo na hindi ako ganoon. Sa isang tingin oo. But you know I cannot commit to a woman. Alam mong on call twenty four seven ako. My job is my wife. Sa umpisa lang magiging okay ang lahat kapag nakipagrelasyon ako. Kapag tumagal na magdedemand na siya ng mas mahabang oras, pagkatapos ay magtatampo na siya dahil wala akong panahon sa kaniya at pati mga pasyente ko pagseselosan na niya. Hanggang sa malulungkot at madedepress na siya kapag sa kalagitnaan ng gabi ay biglang may tatawag sa akin para sabihing may kailangan akong operahan. Believe me I've tried so many times to seriously date a woman. Pero paulit-ulit lang ang nangyayari kaya nagsawa na akong sumubok pa. Kaya mas okay na ako sa ganitong klase ng relasyon sa babae," paliwanag niya rito.
Napailing ito. "It will work out somehow if you find the right woman," dahilan pa nito.
Siya naman ang napailing. "Chad, nangyayari lang iyan sa mga libro na gaya ng sinusulat ni Rica."
"It happened to me," giit pa rin nito.
Ngumiti siya. "You are a lucky one." Bago pa ito makasagot ay sinenyasan na niya itong aalis na siya at tuluyang lumabas ng lounge.
Subalit bago pa man siya makapasok sa locker room ay narinig na niyang may tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya at gulat na napangiti nang makita si Kendra, isa sa mga kaibigan ng kakambal niya. "Hey, what are you doing here?" masayang bati niya rito at hinalikan ito sa pisngi nang makalapit ito sa kaniya.
Ngumiti ito. "I just went to an obgyne today. Guess what? I'm pregnant!" kumikislap ang mga matang balita nito sa kaniya.
Natawa siya at niyakap ito. "Congratulations! Tatalon sa tuwa si Darren," tukoy niya sa asawa nito.
Humagikhik ito at kumalas sa kaniya. "Sigurado ako. Nasaan si Chad? Gusto ko ring ibalita sa kaniya para masabi niya kay Hannah."
"Nasa lounge siya. But don't worry ako na ang magsasabi kay Hannah. Mas mauuna ko siyang makikita dahil bukas pa ng gabi makakauwi si Chad."
Ngumisi ito. "Okay. I'm excited to tell the girls. Kaya pupunta ako ng restaurant pagkatapos ko rito. Nakita lang kasi kita kaya tinawag na kita." Napatitig siya rito at ngumiti lang dahil may bigla siyang naisip. Bumakas naman ang pagtataka sa mukha nito. "O bakit?"
Bahagya siyang napailing at nagkibit balikat. "Naisip ko lang na magiging masaya si Rica para sa iyo. Pero kapag mag-isa na lang siya ay malulungkot siya dahil lahat kayo nagiging mommy na. Siya na lang ang hindi."
Napatitig ito sa kaniya pagkatapos ay napangiti. Muntik na siyang mapangiwi nang makita ang pagkislap ng mga mata nito sa panunudyo. "Oh. That's sweet of you. Masuwerte si Rica at may nag-aalala ng ganiyan para sa kaniya. Why don't you marry her para hindi na siya malungkot? Tutal close naman kayong dalawa at naiintindihan ninyo ang isa't isa. That's a good thing."
Natawa siya at umiling. "Kendra hindi ibig sabihin na nagkatuluyan kayo ni Darren mangyayari rin iyon sa amin ni Rica. That kind of story does not happen to everyone," aniya rito. Matalik na kaibigan kasi nito si Darren high school pa lamang ang mga ito. It turned out that both of them have secret feelings for each other at kailan lamang nagkaaminan. Now they were happily married.
Tumirik ang mga mata into. "Para kang si Rica magsalita."
"Siguro dahil nakausap ko lang siya kahapon."
Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya. "Sa tingin mo hindi talaga kayo para sa isa't isa?" pangungulit pa nito.
"We tried but it didn'twork out."

BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...