"ANG cute!" sabay-sabay na bulalas ng mga kaibigan ni Myra na nagpipilit magsiksikan sa pangapatang lamesa na pinakamalapit sa entrance ng Single Ladies' Buffet kung saan siya pumuwesto kasama si Nina.
Proud na ngumiti siya dahil aliw na aliw ang mga ito kay Nina na kanina pa tumigil sa pag-iyak. Feeling niya tuloy anak niya talaga ito na pinagmamayabang niya sa iba. "Cute talaga iyan," mayabang pang sabi niya sa mga kaibigan niya.
Tumingin siya kay Nina na nakatingin sa mga kaibigan niya bago tumingala sa kaniya. Nginitian niya ito. "Nina, these are my friends. Mababait ang mga iyan," aniya sa bata. Kimi itong ngumiti. Natunaw na naman tuloy ang puso niya at inakbayan ito at bahagyang niyakap. "Ang sarap mo iuwi!" nabulalas niya.
"Tama!" natatawang sabi ni Elay na lumabas pa mula sa kusina nang masilip nitong may pinagkakaguluhan sila nila Hannah doon.
"Saan ba galing iyan? Estudyante niyo sa montessori? Nasaan ang mga magulang niyan?" tanong naman ni Rica na nagmemake face para marahil ay patawanin si Nina. Hindi naman ito nabigo dahil humagikhik ang bata.
"Kinidnap ko," sagot niya.
Tumawa ang mga ito. "Yeah right. Mangingidnap na lang din ako ng bata para magkaanak ako," natatawang sabi ni Elay.
"Seryoso ako," giit niya.
Natigil sa pagtawa ang mga ito at napatitig sa kaniya. "Are you kidding?" tanong ni Jem. Nang umiling siya ay tuluyang namilog ang mga mata ng mga ito.
"Gaga bakit mo ginawa iyan?!" asik ni Kendra sa kaniya sa may kataasang tinig.
Napayakap sa kaniya si Nina na mukhang nagulat. "Kends, huwag ka naman sumigaw. Natatakot si Nina," reklamo niya.
"Wait lang. Hindi naman kayo mukhang kidnapper at biktima sa itsura ninyong dalawa. Look at her. She's very attached to you. Mukha nga kayong mag-ina," sabi naman ni Hannah.
Lumobo ang puso niya sa komento ni Hannah. "Hindi pa kasi ako tapos magpaliwanag," dahilan niya. "Kunwari lang ito. I just did this to lure her father out." Pagkatapos ay pinaliwanag niya sa mga ito ang sitwasyon. Na isasama niya muna si Nina tapos ay tatawagan ng yaya nito ang daddy nito para sabihing nawawala ito. Para mapadali ang paghahanap ng mga ito ay nag-iwan siya ng note kung saan nakalagay ang address ng kunwari ay pinagdalhan niya kay Nina. Sa paraang iyon niya malalaman kung gaano kaimportante si Nina sa daddy nito o sa huli ay mas pipiliin nito ang negosyo.
"Ano ka ba Myra, paano kung pinablotter ka na niya? Hindi mo ba naisip na delikado iyan? Kahit sabihin mong arte lang iyan paano kung nagalit talaga siya at kasuhan ka talaga ng kidnapping?!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Alaine.
Natigilan naman siya. May punto ang kaibigan niya. Napangiwi siya dahil hindi sumagi sa isip niya iyon ng magdesisyon siyang gawin iyon. "Hindi ko naisip iyan kanina. Ang naisip ko lang ay matutulungan ko si Nina at matuturuan ko ng leksiyon ang tatay niya. Dapat takutin ang lalaking iyon para marealize niya na hindi niya dapat pinababayaan ang anak niya. I mean, what if there came a time na talagang may dumukot kay Nina dahil sa kapabayaan ng tatay niya? That's worst right?" dahilan niya.
"Myra, kung madadaan mo sa mga paliwanag mong ganiyan ang tatay ng batang iyan okay sana. Kaso paano kung hindi? Ikaw talaga, basta sa mga batang naneneglect ng mga magulang nakakalimutan mo ang logic at basta-basta ka na lang sumusuong sa kung anu-ano," sabi naman ni Elay.
Nakagat niya ang ibabang labi niya. "I just don't want her to grow up as a neglected child. That's lonely. Alam niyo naman hindi ba, noong bata pa ako kahit mahal ko si mommy lagi siyang wala dahil sa trabaho. Tapos wala pa akong tatay dahil alam niyo naman na single mother si mommy at ang sabi lang niya ay namatay ang tatay ko bago pa man ako ipanganak. Hindi kaya masaya lumaki na ang nag-iisa mo na ngang magulang ay wala pang oras para sa iyo. Ayokong maranasan iyon ni Nina," dahilan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/151964309-288-k693352.jpg)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...