When Myra Fell In Love - Part 14

5.2K 202 1
                                    


NABLANKO ang utak ni Myra. Bigla yatang huminto ang oras at tila nawala sa isip niya kung nasaan siya at kung ano ang dahilan kung bakit siya naroroon. Lahat yata ng sensory neurons niya ay nafocus lamang sa isang parte ng mukha niya – sa mga labi niyang sakop ng mga labi ni Robin.

It was a strange yet sweet sensation. Nakakakiliti ang pakiramdam ng mainit at malambot na mga labi nito sa kaniya. Mabagal at masuyo ang pag galaw niyon na wari'y tumitikim. His minty breath is fanning her face, making her feel warm all over. Awtomatikong napakapit siya sa manggas ng tshirt nito dahil pakiramdam niya mawawalan siya ng lakas. Nang gawin niya iyon ay naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na humaplos pababa. It stopped on her midsection and pressed a finger on that spot. Napaungol siya. Tila naging hudyat iyon dito upang palalimin ang halik. She felt like she was going crazy.

Hindi iyon ang una niyang halik. Pero masyado ng matagal na panahon ang nakalilipas at hindi na niya matandaan iyon. Or maybe those kisses were not as memorable and as mind boggling like Robin's kiss.

Nang umangat ang isang kamay nito patungo sa batok niya at higitin siya upang iposisyon ang mukha niya ay tumama ang salamin niya sa mata sa mukha nito. Pareho silang napatigil at sabay pang napangiwi sa sakit.

"Aray ko," nausal niya at napahawak sa salamin niya. Nang tingalain niya si Robin ay nakahawak ito sa bandang cheekbone nito na marahil ay natamaan din ng salamin niya. Nang magkatitigan sila ay natawa sila pareho. Weird, akala niya ay magkakailangan sila pagkatapos ng halik na iyon.

"Istorbo ang salamin mo."

Iningusan niya ito at inayos ang salamin niya. "Sinong may sabi sa iyong halikan mo ako ng nakasalamin ako," pabulong na sabi niya.

"Then let me take that off," biglang sabi nito at umangat ang mga kamay.

Mabilis na hinawakan niya ng mariin ang magkabilang gilid ng salamin niya at pinanlakihan ito ng mga mata. "No. Ipagluluto ko ng pagkain si Nina," pigil niya rito.

Mukhang noon lang nito naalala iyon. "Oo nga pala. Baka nagugutom na siya."

Nakahinga na siya ng maluwag at ibinaba na ang mga kamay niya. Mahirap na. Baka kapag hinalikan siya nitong muli ay makalimot na siya ng husto. Kawawa naman ang pasyente nila.

Napaigtad siya nang bigla nitong gagapin ang kamay niya. Nang tingnan niya ito ay nakangiti na ito. "Tara na sa kusina," masuyong aya nito at marahan siyang hinatak. Lumobo yata ang puso niya. Mahal ko ang lalaking ito. The realization made her smile.

MAGTATANGHALI na ng sa wakas ay bumaba na ang lagnat ni Nina. Nagawa na rin nitong bumangon kahit papaano at napakain na rin ito at napainom ng gamot ni Myra. Pareho silang nakahinga ng maluwag ni Robin ng magawa na silang ngitian ng bata bago ito muling humiga.

"Matulog ka pa ng marami para lumakas ka na ha?" masuyong kausap niya rito. Hinaplos haplos pa niya ang buhok nito.

Bahagya itong ngumiti at tumango. Pagkatapos ay inabot nito ang kamay niya at mahigpit iyong pinisil. "Miss Myra you're like a mommy," sabi nito sa mahinang tinig.

Natigilan siya sa sinabi nito. Kanina pa nga siya nito tinatawag na mommy. Bago niya pa mapag-isipan ay kusang namayani ang maternal instict niya rito kanina kaya sinakyan na lang niya ang pagtawag nito sa kaniya ng ganoon. Isa pa ay may kakaibang init siyang naramdaman sa dibdib niya tuwing tinatawag siya nitong mommy. Bigla niya tuloy naalala si Elay. Mula pa noong college sila ay lagi nitong sinasabi na ayaw nitong mag-asawa pero gusto nitong magkaanak. Ngayon ay alam na niya kung bakit.

Ginawaran niya ng matamis na ngiti ang bata at hinalikan ito sa noo. "Really?" tanong niya rito.

Tumango-tango ito. "I will be happy if you are my mommy," anito sa tinig na malapit ng makatulog.

Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Muli ay ginawaran niya ito ng halik sa noo nito. "I would love to be your mommy baby," bulong niya rito.

Ngumiti ito habang nakapikit. Pinagmasdan niya ito hanggang sa maramdaman na niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya at lumalim ang tulog nito. Mukha itong anghel habang natutulog ito. Napaisip tuloy siya kung ganoon din kaya kapayapa ang itsura ni Robin kapag natutulog ito. Lumawak tuloy ang ngiti niya.

Maingat na niyang kinalas ang kamay ni Nina sa kamay niya at inayos ang kumot nito nang tumayo siya. Nang tumalikod na siya at papunta na sa pinto ay nagitla siya nang makitang naroon si Robin. Nakasandal ito sa hamba ng pinto at may pakiramdam siyang kanina pa ito naroon. Nakaramdam siya ng hiya nang maalala ang mga sinabi niya kay Nina. Narinig ba nito ang mga iyon?

"Did you really mean that?" tanong nito.

Nag-init ang mukha niya. Patunay iyon na narinig nga nito ang mga sinabi niya. Napaiwas siya ng tingin at napatikhim. "Naku nagugutom na ako. Dumating na ba ang pagkain natin?" himbis na sumagot ay tanong niya habang naglalakad palapit dito. Kanina kasi ay nagvolunteer itong umorder ng pagkain sa Single Ladies' Buffet habang nasa silid siya ni Nina para daw hindi na sila magluluto ng tanghalian.

Nalampasan na niya ito nang hawakan nito ang kamay niya. Napaigtad siya at napatingala rito. Mataman siya nitong tinitingnan. "Oo at hindi lang naman ang isasagot mo. O kung hindi mo pa kaya pwede namang tango at iling," mahinang sabi nito. Hindi pa rin siya kumilos. Bumuntong hininga ito at isinara ang pinto ng kuwarto ni Nina. Pinisil nito ang kamay niya. "Okay. Kung ayaw mong sumagot fine," sabi nito at hinatak na siya. "Come, naihain ko na ang pagkain natin."

Napabuntong hininga rin siya. Pagkatapos ay inipon niya ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at pinigilan ang kamay nito. Napahinto ito sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Muli siyang huminga ng malalim at sinalubong ang mga mata nito. "Yes. I meant it," she answered breathlesly.

Saglit na napatitig lang ito sa kaniya. Pagkatapos ay kumislap ang mga mata nito at may gumuhit na ngiti sa mga labi nito. Pinisil nito ang kamay niya at bahagya siyang hinatak palapit dito. Naitungkod niy ang mga kamay niya sa dibdib nito at napatingala rito. May masuyong kislap sa mga mata nito na nagdulot ng masarap na init sa dibdib niya. "Can I take off your eyeglasses now?" mahinang tanong nito na may bahid ng panunudyo.

Sa kabila ng mabilis na tibok ng puso niya ay nagawa niyang ngumiti at tumango. Kumilos ang isang kamay nito at marahang inalis ang salamin niya. Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Malabo ang mga mata niya ngunit kapag naman ganoon kalapit ay nakikita naman niya ang nasa harapan niya. Kaya nakita niya nang bahagyang lumalman ang mukha ni Robin.

Binitiwan nito ang kamay niya at sinapo ang isang pisngi niya. Napahinga siya ng malalim sa init na dulot ng palad nito sa mukha niya. "You are so beautiful, inside and out. For me you are perfection," usal nito.

Napangiti siya. Kasunod niyon ay bumaba ang mukha nito sa kaniya at ginawaran siya ng halik. Just as she thought, it was sweeter than ever.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon