Nasa gitna na siya nang mag-angat siya ng tingin at masalubong niya ang mga mata ni Chad. Naglalakad din ito at mukhang makakasalubong pa niya. Lalong nanikip ang dibdib niya at nag-init ang gilid ng mga mata niya. Bago pa niya mapigilan ay may tumulo ng luha sa mga mata niya. Nakita niyang bumakas ang pagkagulat sa mga mata nito. "Hannah?" tawag nito sa kaniya na binilisan ang paglapit sa kaniya.
Lumihis siya ng lakad na palayo rito. Ayaw niya itong makausap. Ayaw niyang marinig mismo dito na hindi naman talaga siya mahal nito at iiwan siya nito. Na sa huli ay si Julia ang napili nitong makasama. Binilisan niya ang paglakad nang maisip iyon.
Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang paghaklit nito sa braso niya. Napaharap siya rito. Bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa mukha nito. "Hannah! Why are you crying?!" nag-aalalang tanong nito.
Marahas niyang pinahid ang mga luha niya at pinilit kumawala dito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito roon at mukhang wala siyang balak pakawalan. "Bitawan mo ako. Uuwi na ako," matigas na sabi niya.
Tumigas ang anyo nito. "Sabihin mo muna sa akin kung bakit ka umiiyak. Ayoko na na ganito tayo Hannah. I thought kapag dinala kita rito at nalaman mo na hindi naman ako nagsisinungaling sa iyo ay magiging okay na tayo. Hindi ko na kayang galit ka sa akin Hannah. Hindi ba pwedeng mapag-usapan na natin ng maayos ito?" tanong nitong may bahid pakiusap.
Mapait na tinitigan niya ito. At ito pa ang may ganang magsabi niyon sa kaniya. "Tinatanong mo kung bakit ako umiiyak? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo! At sa tingin mo ba dahil dinala mo ako rito at nakita kong sa medical mission ka pupunta ay okay na? You lied to me more than this! You pretended you love me kahit ang totoo ay napakiusapan ka lang ng pamilya ko! You lied to me noong sabihin mong isang kakilala mo lang ang nakita mo noon sa restaurant when in fact she's not just an acquaintance to you right? She even kissed you in front of my staff and customers for God's sake! And now, aalis ka na next week pero hindi mo pa rin sinasabi sa akin. Bakit? Dahil kasama mo siya sa pag-alis mo? Dahil hindi mo kayang sabihin sa akin ng harapan na hindi mo kayang manatili sa tabi ko ng habambuhay? Pinagmumukha mo akong tanga Chad! Sinasaktan mo ako, pinapaasa. I never thought you're capable of hurting me. But I realized that I gave you too much credit," puno ng hinanakit na sabi niya.
Saglit na napamaang ito sa kaniya. Pagkuwa'y mabilis na nagsalita. "Wait let me explain! Totoong pinakiusapan ako ni tita Mira na ligawan ka pero lahat ng ipinakita ko ay hindi lang dahil sa sinabi niya. Ginawa ko lahat iyon dahil gusto ko! Dahil mahal kita!" sabi nitong hinawakan pa siya sa magkabilang balikat.
"If you love me why did you lie to me? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka kasama si Julia? Bakit mas marami siyang alam sa iyo kaysa sa akin? Tell me!" frustrated na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata nito. "Hindi ko sinabi ang tungkol kay Julia dahil ayokong pag-alalahanin ka pa. Gusto kong magpaliwanag sa iyo pero ayaw mo pa pag-usapan kaya hindi kita pinilit. At kaya nga kita dinala rito para makita mo na katrabaho ko na lang si Julia ngayon. Wait, siya ba ang nagsabi sa iyo ng mga iyan? Kaya ka umiiyak?" tanong nito. Hindi na siya nito hinintay sumagot at lumingon sa pinanggalingan niya. "Julia!" malakas na sigaw nito. Bakas ang galit sa tinig nito. Natahimik ang paligid dahil nag-echo ang boses nito roon. Kahit siya at natigilan. Iyon ang pangalawang beses na naringgan niya ito ng ganoong tinig. Noong una ay noong muntik na siyang mapahamak sa kamay ng mga di kilalang lalaki.
Napalingon siya kay Julia. Nakita niyang namutla ang babae. Pagkuwa'y naging matapang ang anyo nito. "Dapat lang iyan sa kaniya! Because you are doing something for her that you never did for me! Iiwan mo ang trabahong mahal na mahal mo para lang makasama siya ng permanente samantalang dati mas pinili mo ang trabaho mo kaysa sa akin! At ngayong nagdesisyon akong sasamahan na lang kita sa trabaho mo para makasama ka saka mo sinabi sa akin na hindi ka na aalis! You even asked me to fill in your position! How heartless could you get Chad?!" sigaw nito. Umiyak na ito.
Napamaang siya at napalingon kay Chad. Hindi na ito aalis? He decided to stay because of her? Nakita niyang bahagyang lumambot ang mukha ni Chad at humarap sa direksiyon ni Julia. "Julia, nilinaw ko na sa iyo bago tayo maghiwalay noon hindi ba? I don't love you. Sinubukan ko pero hindi ko nagawa. Dahil mula noon hanggang ngayon isang babae lang ang minahal ko. At si Hannah iyon," pinal na sabi nito.
Lalo siyang napamaang dito. "W-what do you mean, mula noon hanggang ngayon?" hindi nakatiis na tanong niya rito.
Humarap ito sa kaniya. Naging masuyo ang tingin nito at ginagap ang kamay niya. "Alam kong hindi mo iyon alam. But I liked you ever since I first so you. Mula noong una kang pinakilala sa akin ni Harry at ngumiti ka sa akin ay gusto na kita. And that night when we met on the kitchen and you offered me a glass of juice, I fell in love with you. Pero kayo pa ni Ruel noon. At ako ay payatot na lalaking nagsisikap maging doktor lang. I don't have anything to offer you. I am no match to your boyfriend that you love dearly. Kaya inignora ko na lang ang nararamdaman ko.
"At nang makagraduate ako at makapagtrabaho ay natuon na sa trabaho ang atensiyon ko. Hindi na rin kita nakita. I tried to enter into relationships pero hindi ko naramdaman ang naramdaman ko sa iyo noon. At nang makita kita ulit narealize ko na ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal pa rin kita. Nang malaman ko na single ka na at boto sa akin ang pamilya mo natuwa ako kahit kinabahan ako na baka hindi mo pa rin ako magustuhan ngayon. I used the opportunity your family gave me to make you love me. At ngayong mahal mo na rin ako hindi ako papayag na malayo pa sa iyo.
"Kaya naging busy ako noong nakaraan para makipag-usap sa boss ko tungkol sa kontrata ko. Ang sabi niya makakaalis lang ako kung may makukuha akong papalit sa akin. Ang sabi ni Julia plano niya ring mag-apply sa team namin kaya pinakiusapan ko siya kung pwedeng palitan na lang niya ako. Ang sabi niya hindi siya papayag kung hindi ko sasabihin sa kaniya ang dahilan kaya naikuwento kita sa kaniya. Kaya alam niya ang tungkol sa iyo. This medical mission is her last favor to me para pumayag siyang palitan ako sa team. Dahil ayoko ng umalis pa. I've waited for so long for your love Hannah and I will not let you go even if you ask me to," madamdaming pahayag nito.
Tumulong muling ang luha niya. Pero iyon ay dahil na sa mainit na haplos sa puso niya na dulot ng mga sinabi nito. He loves her. Noon pa man. All along ay nasa isang panig lamang ito ng mundo at lihim siyang minamahal. At hindi na ito aalis dahil nais nitong makasama siya. Hindi na niya napigilan ang sarili. Inilapit niya ang mukha dito at kusa na itong hinalikan. Narinig niya ang pagkakaingay ng mga tao sa paligid. Ngunit wala na siyang pakielam sa mga ito.
Sinalubong niya ang tingin nito at ngumiti. Ikinulong niya ng mga palad niya ang mukha nito. "Chad. Mahal din kita. Hindi ko hihinging pakawalan mo ako dahil kahit ako hindi ko kayang gawin iyon. I am sorry for not taking notice of your feelings before. I'm sorry for doubting your feelings for me kahit kung tutuusin ay walang wala ang level ng pagmamahal ko sa pagmamahal na inilaan mo sa akin. And thank you for deciding to stay with me. Ang suwerte ko dahil may isang tulad mo na dumating sa buhay ko at minamahal ako sa paraang hindi ko akalaing kayang ialay sa akin ng isang tao," naiiyak na sabi niya.
Ngumiti ito at para siyang inilipad sa alapaap. Niyakap siya nito at dinampian ng halik sa mga labi. "Mas masuwerte ako. I'm glad you fell in love with me Hannah. I promise I will stay with you forever. Dahil mas mahalaga ka kaysa sa kung anumang bagay na mayroon ako."
Gumanti siya ng ngiti at yakap. "Ako rin. I'm glad I fell in love with you." Matagal na nasa ganoong posisyon lamang sila. Tila kuntentong kuntento sa mga bisig ng isa't isa.
Naputol lamang iyon dahil sa masigabong palakpakan. Nang mapatingin siya ay nakita niya ang ngiti sa mukha ng mga taong naroon at nakasaksi pala ng kadramahan nila. Nagkatinginan sila ni Chad at sabay na natawa. "Huwag na kaya tayong sumali dito? Umuwi na tayo para mahingi ko na ang kamay mo kay tito at tita at pati na rin kay Harry," pabirong sabi nito.
Tumawa siya. "Mabuti pa nga. Para matupad na ang pangarap nilang magka-asawa ako at maging tunay na anak ka na nila." Nagkatitigan sila at sabay na napangisi. Pagkuwa'y magkahawak kamay silang tumakbo palayo roon, patungo sa buhay na mula sa araw na iyon ay tiyak na tatahakin nila ng magkasama.
-WAKAS-
author's note: Salamat po sa pagbabasa ng story ni Hannah. :) Abangan niyo po sana ang susunod na kuwento. Sino kaya sa single ladies ang susunod na makakakita ng love? :)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...