A Game Of Love - Part 7

5K 161 2
                                    

NAALIPUNGATAN si Alaine nang may liwanag na tumama sa mukha niya. Hirap na iminulat niya ang mga mata. Saglit na nadisorient at nasilaw siya sa sikat ng pang umagang araw na tumatagos sa bintana ng cottage. Umaga na pala. Nang maka-adjust na ang mga mata niya sa liwanag ay kumilos siya. Natigilan siya nang bigla ay bumalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Malabo iyon ngunit sumikdo ang puso niya sa mga eksenang dumaan sa utak niya. Lalo pang bumilis ang tibok ng pulso niya nang maramdaman niyang may katabi siya sa kama. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanan niya.

Napaigtad siya nang makita niyang gising na si Arnel sa tabi niya. Nakatagilid ito paharap sa kaniya at may malambot na ngiti sa mga labi na nagdulot ng mainit na pakiramdam sa kaniya. May pakiramdam siya na kanina pa siya nito pinagmamasdan. Nang magtama ang mga mata nila ay lumawak ang ngiti nito at kumislap ang mga mata nito. Nawala ang kanina ay namumuong pagkataranta sa dibdib niya nang makita niya ang ngiting iyon. Katunayan ay parang nais niyang mapabuntong hininga at ngumiti. Kung ganito ba naman ang mamumulatan ko tuwing umaga –

She stopped herself in midsentence. Hindi siya dapat mag-isip ng ganoon. Ang nangyari sa pagitan nila ay walang ibang kahulugan. Sure, what happened was beautiful and wonderful; he made sure of that last night. Ngunit hindi siya maaring umasa na magkakaroon ng karugtong ang kung ano mang mayroon sila. Kaya nga fling ang tawag sa nangyayari sa kanila.

"Good morning," he greeted warmly. Umangat pa ang isang kamay nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang tumakip sa bandang pisngi niya. Nang madama niya ang init ng haplos nito ay mas naging malinaw sa alaala niya ang mga ginawa nila nang nakaraang gabi. Nag-init ang mukha niya. May kumislap na amusement sa mga mata nito. Patunay na nabasa nito kung ano ang sumagi sa isip niya.

Napalunok siya at bumangon paupo. Itinakip niya sa katawan ang puting kumot. "What time is it?" tanong niya habang sinusuklay niya ng kamay ang buhok niya. Pilit niyang kinalma ang sarili. Ayaw niyang malaman nito na hindi siya sanay sa ganoong set-up.

Bumangon din ito dahilan upang mahulog hanggang sa kandungan nito ang kumot. Iniwasan niyang tumingin sa katawan nito. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nahiya dito. "I think it is seven in the morning. Mukhang malakas nga ang alocohol tolerance mo. Hindi ka nagkakahang over?" tanong nito sa malumanay pa ring tinig.

Pinakiramdaman niya ang sarili at umiling. Kataka-taka ngang wala siyang nararamdamang hang over. Kumilos siya upang umalis sa kama ngunit napapitlag siya nang maramdaman niya ang kamay nito sa baywang niya. "Where are you going?"

Napalingon siya rito. May tahimik na pakiusap sa mga mata nito na para bang ayaw nitong lumayo siya rito. Muli ay bumilis ang kabog ng dibdib niya. Nataranta siya. Hindi dapat ganoon ang reaksyon niya rito. Hindi iyon kasama sa naplano na niya kahapon. "I'm going to the bathroom. Kailangan ko ng magcheck out before lunch."

Natigilan ito at bahagyang humigpit ang pagkakahawak sa baywang niya. "Ang aga naman. Hindi ba pwedeng sa hapon ka na lang magcheck out?" tanong nito sa hinayang na hinayang na tinig.

Napabuntong hininga siya. "H-hindi pwede. May aasikasuhin na ako ng hapon eh. Arnel, magpupunta na ako ng banyo," muli ay sabi niya rito.

Bantulot na binitawan na siya nito at tumango. Tinalikuran na niya ito at mabilis na nagtungo sa banyo hatak ang kumot. Hindi niya ito nilingon dahil alam niyang wala ng takip ang katawan nito. Napabuga siya ng hangin nang nasa loob na siya. Bakit ba parang pati siya ay nanghihinayang? Bakit parang nais niyang pagbigyan ito at manatili ng kahit ilang oras pa?

Marahas siyang napailing. Hindi nga pwede! Laro lang ito sa kaniya. Kapag sineryoso mo ito talo ka. Huminga siya ng malalim at lumapit sa shower. Binuksan niya iyon at hinayaang gisingin ng malamig na tubig ang sarili niya. Pumikit siya. I really engaged in a one night stand. And I don't regret it. Nababaliw na ba talaga ako?

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon