NAALIPUNGATAN si Kendra sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Napangiwi siya dahil ngayong gising na siya ay muli na naman niyang naramdaman ang sakit ng puson niya. Mabagal siyang tumayo sa sofa kung saan na siya nakatulog pagkatapos niyang matanggap ang tawag ni Darren at lumapit sa pinto. Hindi na niya inabala pang tingnan kung sino iyon dahil may pakiramdam siyang si Darren na iyon. Pamilyar sa kaniya ang paraan nito ng pagdodoorbell.
Nang buksan niya ang pinto ay si Darren nga ang nakita niyang nakatayo roon. Agad na nagtama ang mga mata nila. Nang makita niya ang worried na ekspresyon doon ay napakagat labi siya dahil nag-init ang mga mata niya. Humakbang ito palapit sa kaniya at isinara ang pinto sa likuran nito. Pagkatapos ay marahan nitong hinaplos ng isang kamay ang pisngi niya. The soft and warm touch of his hand tugged her heartstrings. May bumikig sa lalamunan niya.
"Does it still hurt?" malumanay na tanong nito.
Noon tuluyang umalpas ang hikbi sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit noon, may kung ano sa presensya ni Darren na nakakapagpaalis ng depensa niya. Napaiyak siya at sunod-sunod na tumango. Bihira siya umiyak, pero sa harap nito ay maraming beses na siyang umiyak. Kahit nga sa harap ng mga magulang niya ay hindi siya ganoon.
Awtomatiko naman siya nitong hinigit at maingat na niyakap. Napasubsob siya sa dibdib nito at napakapit sa mga balikat nito. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa likod niya.
"It's okay mawawala na rin iyan," alo nito sa kaniya. Hindi siya nag-angat ng mukha. Nakaramdam siya ng kapanatagan sa marahang haplos nito. Ilang minuto ang lumipas bago niya naramdamang umangat ang mga paa niya sa sahig. Napahigpit ang kapit niya sa mga balikat nito nang buhatin siya nito pabalik sa sofa at muli ay maingat na inilapag doon.
Noon lamang siya kumalas dito. Umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang buhok niyang sigurado siyang magulong magulo dahil hindi pa siya nagsusuklay. Pero mukhang hindi nito alintana iyon. "Kumain ka na ba?" tanong nito.
Umiling siya. Tipid itong ngumiti. "Sabi ko na nga ba. Sandali ipagluluto kita kahit ano lang muna basta mainintan ang sikmura mo at makainom ka ng gamot," sabi nitong tumayo na. Inilapag nito sa center table ang plastic bag na noon lamang niya namalayang hawak nito bago ito nagtungo sa kusina.
Siya naman ay hinamig ang sarili. Pinunasan niya ang mga pisngi niyang basa ng luha at huminga ng malalim. Nang mapasulyap siya sa kanan niya kung nasaan mayroong salamin ay halos magulantang siya sa itsura niya. Namamaga ang mga mata niya at namumula ang ilong niya. Sobrang gulo rin ng buhok niya. Noon lang din niya naalalang nakapantulog lang siya. Ni wala siyang suot na bra!
Bigla siyang nahiya. Oo nga at matagal na silang magkakilala ni Darren at hindi iilang beses na nakita na siya nito na hindi nakapostura. Pero iba naman ang kaso kung ang suot lang niya ay manipis na pajama pair at walang bra. Napatayo siya at agad na napangiwi dahil muling kumirot ang puson niya.
Napatingin siya sa plastic bag sa lamesa. Muli siyang umupo at kinuha iyon. Natigilan siya nang makitang hindi lamang gamot ang naroon. May kasama pa iyong tatlong pack ng sanitary napkin na ang brand pa ay ang palagi niyang ginagamit. Napatitig siya roon. Hindi na siya nagtataka kung pati brand ng ginagamit niya ay alam nito. Ilang beses na kasi silang naggrocery ng magkasama at marahil ay nakita nitong iyon ang binibili niya.
Ang iniisip niya ay kung paano ito lakas loob na bumili niyon. She could imagine him in a drugstore, buying sanitary napkins. Halos nakikinita na niya ang tinging ipinukol dito ng mga taong nakakita rito lalo na ang mga babae. Hindi ba ito nahiya? Maraming lalaki ang ayaw bumibili ng toiletries ng mga babae dahil dyahe daw iyon.
"Sorry noodles na lang muna ang kainin mo," narinig niyang sabi ni Darren. Napalingon siya sa may kusina. Naglalakad na si Darren palapit sa kaniya bitbit ang tray na may nakapatong na mangkok ng umuusok na instant noodles.
Pagkalapag nito niyon sa lamesa ay napatingin ito sa kaniya. Pagkatapos ay sa hawak niya bago muling umangat ang tingin sa mukha niya. "Bakit? Mali ba ako ng nabili?" tanong nito.
Ilang segundo niya itong tinitigan bago niya nagawang magsalita. "Hindi. Pero hindi ka ba nailang bumili nito? Siguradong pinagtinginan ka ng mga babaeng kasabay mo," aniya rito.
Nagkibit balikat ito na para bang wala iyong anuman sa kaniya. "Hindi ko na napansin. Nagmamadali kasi ako. O, kumain ka na para makainom ka ng gamot," anitong umupo na sa tabi niya. Kinuha nito ang kutsara at akmang susubuan pa siya nang pigilan niya ang kamay nito.
"Ako na. Kaya ko na yan. Salamat," aniya rito kukuhain na ang kutsara dito ngunit awtomatiko nitong inilayo iyon sa kaniya. Napatingin siya sa mukha nito.
"Ako na. Huwag ka ng magulo," giit nito.
"Darren –"
"Basta. Huwag mong sayangin ang lakas mong makipagtalo sa akin ngayon Kendra," pinal na sabi nito. Ito na nga ang naglublob ng kutsara sa sabaw at bahagya pa nitong hinipan iyon bago iminuwestra sa tapat ng bibig niya. "Ah," anito sa kaniya. Hindi siya kumilos at nanatiling nakatitig dito. "Kendz, dali na."
Napahinga siya ng malalim. At gaya noon, wala siyang nagawa kung hindi ang tumalima sa gusto nito. Ibinuka niya ang bibig at tinanggap ang isinusubo nito. Nang gawin niya iyon ay bigla itong ngumiti ng malawak na para bang tuwang tuwa ito na sinunod niya ito. "Good girl," usal nito at mahinang hinaplos ang gilid ng mga labi niya.
Kumislot ang puso niya. Pagkuwa'y bigla siyang nataranta. Naibaba niya ang tingin. Pinakiramdaman niya ang sarili bago muling sumulyap sa mukha ni Darren. Ipinilig niya ang ulo. Nawala na ang pakiramdam na kanina ay nadama niya. Napahinga siya ng maluwag. Mabuti naman.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...