MAY ILANG mga sasakyan ng nakaparada sa tapat ng bahay ni tita Ida nang makarating si Kendra at Darren doon. Nagkakaingay na rin sa loob ng may kalakihang bahay. Magkapanabay silang bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay nagkatinginan.
"Parang ang daming bisita ni tita Ida," hindi niya napigilang ikomento.
Napakamot ito sa pisngi nito at lumapit sa kaniya. "Hindi ko rin alam na marami siyang bisita. Akala ko tayo-tayo lang," sabi din nito sabay hawak sa bandang likod niya at inakay siya papasok. Nagpaakay naman siya hanggang sa bukas na pinto ng bahay ni tita Ida. Nasilip niya na talagang maraming tao doon. Napahinto si Darren sa paglalakad at narinig niya itong mahinang napamura.
Napalingon siya rito dahil bihira pa sa blue moon niya ito marinig magsalita ng ganoon. Nakangiwi na ito at bakas sa mukha na parang nais nitong umatras. "Bakit?" takang tanong niya sa mahinang tinig.
Bumaling ito sa kaniya at bahagyang yumuko upang bumulong. "They are all my relatives," nakangiwi pa ring sabi nito sa mahinang tinig.
"Oh," tanging nasabi niya at muling napalingon sa mga taong nagtatawanan sa sala. Pagkatapos ay muli niyang tiningala si Darren. Ilang pulgada lamang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. "So?" bulong niya rin.
Napabuntong hininga ito at akmang magsasalita nang may marinig silang tinig. "Darren nandito na pala kayo," masayang bulalas ng tinig na natatandaan ni Kendra na pag-aari ni tita Ida.
Sabay pa silang napalingon ni Darren. Noon lamang niya napansing natigil na sa mga ginagawa ang mga tao doon at napabaling na ang lahat sa kanila. Si tita Ida ay naglalakad na palapit sa kanila habang may nakapagkit na matamis na ngiti sa mga labi nito at kakaibang kislap sa mga mata.
"Hello Kendra," bati sa kaniya ng may edad na babae nang tuluyan na itong makalapit sa kanila. Niyakap pa siya nito at hinalikan sa pisngi. Ngumiti siya at gumanti ng bati at yakap dito.
Pagkatapos ay bumaling naman ito kay Darren at ganoon din ang ginawa. "Naunahan niyo pang dumating ang parents mo Darren. Nasaan na ba sila?"
Tumawa si Darren ngunit narinig niya ang naiilang na edge sa tono ng tawa nito. Napasulyap tuloy ulit siya rito. "Baka na-traffic," komento nito.
Tumango naman ang may edad na babae at saglit na sumulyap sa kaniya bago muling tumingin sa binata. Tumamis ang ngiti nito. "Sige, ipakilala mo muna si Kendra sa mga tito, tita at mga pinsan mo habang hinahanda ko pa ang pagkain."
Naramdaman niya ang pagriin ng pagkakalapat ng kamay ni Darren sa likod niya na hindi niya namalayang hindi pa pala nito inaalis. Nang tumalikod na si tita Ida ay muli siyang sinulyapan ni Darren. Yumuko ito at bumulong sa tainga niya. "Brace yourself for nonsense questions. Mukhang kaya tayo pinapunta ni tita dito ay para ipagmalaki ka sa mga kamag-anak namin. They might think we are a couple. Sorry," anito sa kaniya.
Pinakatitigan niya ito. Nababasa niya sa mga mata nito ang paghingi ng pasensya. Somehow, it irritated her a little. May bigla kasi siyang naalala sa nakikita niya sa mukha nito. She remembered that once when they were in high school, he told their whole class that they will never going to become a couple. Iyon ay noong mga panahong palagi na silang magkasama dahil gaya ng sinabi nito ay hindi siya nito iniwang mag-isa.
Natatandaan niya na dumating sa puntong inaasar na sila ng mga kaklase nila na may relasyon daw sila. Sinamantala iyon ni Melinda upang parungitan siya ng kung anu-anong muntik na namang magpadilim ng paningin niya. Katulad noong una ay agad na pumagitan si Darren. With a wave of his hand, everyone quiet down and looked at him then.
At kahit na mahabang panahon na ang lumipas ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga salitang binitiwan nito ng araw na iyon. "Guys, let me make this clear. Kendra and I are friends. Importante ang isa't-isa para sa amin pero hindi gaya ng iniisip niyo. We will never going to become a couple. So stop putting malice in our relationship okay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/151964309-288-k693352.jpg)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Roman d'amourcover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...