Her True-To-Life Love Story Part 14

5.2K 158 6
                                    


TAHIMIK na bumiyahe si Rica at Harry. Hindi nagsalita si Harry habang nagmamaneho ito. Siya naman ay hindi rin alam kung paano babasagin ang katahimikan. Isa pa ay natatakot siyang baka kapag ibinuka niya ang mga labi niya upang magsalita ay mapabunghalit siya ng iyak. Nararamdaman pa rin niya ang badya ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Dahil hindi naman kalayuan sa restaurant na iyon ang apartment niya ay agad silang nakarating doon. Pinagbuksan pa siya ni Harry ng pinto at inalalayang makababa sa kotse nito. Ginagap nito ang kamay niya at hindi binitawan kahit naglalakad na sila patungo sa pinto ng apartment niya.

"Nasaan ang susi mo?" tanong nito sa kaniya. Kinuha naman niya iyon sa clutch niya at inabot nito iyon bago pa man niya masabi ritong siya na ang bahalang magbukas ng pinto niya. Hawak pa rin ang kamay niyang inakay siya nito sa loob ng apartment niya. Ito na rin ang nagbukas ng ilaw bago siya hinatak patungo sa sofa at paupuin doon. "I'll get you something to drink," sabi nito at noon lamang nito binitawan ang kamay niya.

"Harry, you know I hate being a damsel in distress," sa wakas ay nagawa niyang ireklamo.

Tumingin ito sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay may kumislap na kung ano sa mga mata nito na nagpasikip sa dibdib niya. And when he smiled slowly at her, she felt her insides melt. "Alam ko. Pero ako gusto kong maging knight in shining armor kaya pabayaan mo ako. Stay put ka lang diyan," sagot nito at nagtungo na sa kusina niya.

Napasunod na lang siya ng tingin dito. Kumportable itong nagkalkal sa kusina niya na abot ng tanaw niya mula roon. "Do you want water, juice, beer? Bakit may cans of beer ka rito naglalasing ka ba gabi-gabi?" tanong nito.

Napasandal siya sa sofa. "Kung ikaw ako hindi ka ba iinom ng beer ngayon?" usal niya. Sumilip ito sa kaniya at bumuntong hininga.

Pagkatapos ay kinuha nito mula sa ref niya ang ilang beer in can at lumapit sa kaniya. "Bakit ba kasi magkasama kayo? Kailan pa siya nakalapit sa iyo na hindi ko man lang alam?" tanong nitong may himig panunumbat. Umupo ito sa tabi niya at nagbukas ng isang beer bago inabot sa kaniya.

Kinuha naman niya iyon at huminga ng malalim. Pagkatapos ay sinabi niya rito ang mga nangyari sa pagitan ng paginom ng beer. Nagbukas rin ito ng para dito ngunit hindi na niya napansin kung umiinom din ba ito o hindi. Nang makarating na ang kwento niya sa nangyari kanina ay narinig niyang lumagutok ang beer in can nito. Napatingin siya roon at napansin niyang napahigpit ang hawak nito roon.

"Go on," susog nito sa tinig na nagpatayo sa mga balahibo niya sa batok. Nang tingalain niya ito ay nakita niya ang galit sa mukha nito. Iyon ang unang beses na nakita niyang ganoon kadilim ang mukha nito. And she knew it was because he was angry for her. May kumurot sa puso niya at wala sa loob na umangat ang isa niyang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Napakurap ito at tila nagulat na napatingin sa kaniya.

"Huwag kang magalit ng ganiyan Harry. Ayoko mang aminin at ayoko mang bigyan ng dahilan ang pananakit niya sa akin ay alam kong may punto siya. Maybe I am really pathetic and desperate. Talagang paglalaruan ako ng mga lalaki kung ganito ako. Totoo rin na hindi naman talaga ako kagandahan. Na hindi ako flawless. E anong magagawa ko wala akong balak gumasta ng pera para lang magpabelo. Weird din ako. Maybe I'm not really –" napahinto siya dahil napahikbi na siya. Nagiging emosyonal na naman siya, nagiging mahina. Ayaw na ayaw niya kapag nagkakaganoon siya pero hindi na niya mapigilan. Nanlabo na ang mga mata niya sa luhang sumungaw sa mga mata niya.

"Maybe I should stop this Harry. Ayoko ng makipagdate kasi wala naman yatang lalaking mamahalin ako. Ayoko ng may ibang lalaki na namang isipin na napakadesperada ko at gagawin iyong daan para saktan ako ng ganito," hikbi niya.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon