SUNOD-SUNOD ang ginawang paghinga ng malalim ni Elay. Abot abot din ang kaba niya at nanlalamig ang buong katawan niya. Ngunit hindi na siya maaring umatras. Ilang taon na niyang pinlano ang gagawin niya sa gabing iyon. Hindi nga ba at palagi niyang sinasabi sa mga kaibigan niya na gagawin niya iyon sa thirty first birthday niya? Ilang oras na lamang ay kaarawan na niya kaya iyon ang gabi na dapat niyang isakatuparan ang plano niyang iyon. Alam niya na iniisip ng mga ito na nagbibiro lamang siya ngunit siya ay hindi. In fact, she had never been this serious in her life.
Muli siyang huminga ng malalim at tumingala sa signage ng bar kung saan siya naroroon. Niresearch niya pa talaga sa internet ang lugar na iyon. Hinanap niya ang lugar na may magandang reputasyon. Ayon sa nabasa niya sa internet ay madalas iyong tambayan ng mga working class at may sinasabi sa buhay. May mga comments din mula sa mga forum na maraming lalaking may magandang genes ang nagpupunta doon.
Alam niya na kapag nalaman ng iba ang mga pinaggagagawa at gagawin pa lang niya ay sasabihing nababaliw na siya. Subalit dito nakasalalay ang kinabukasan niya. She promised herself she will find a man that will give her a child. At doon niya hahanapin ang lalaking iyon. Isang lalaki na hindi niya kilala at hindi tatangkaing habulin ang magiging anak niya.
Wala siyang planong mag-asawa. Ngunit matagal na niyang gustong magkaroon ng sarili niyang anak para may makakasama naman siya sa pagtanda niya. Kaya noon pa man ay sinabi na niya sa sarili niyang kapag lumampas na siya ng trenta, kahit pa tiyak na sasabunutan at sasakalin siya ng buong pamilya niya at ng mga kaibigan niya sa kapusukang gagawin niya ay nagdesisyon siyang makipag one night stand. Alam niyang mabubuntis siya kung sa gabing iyon niya iyon gagawin dahil nagpacheck up na siya. Naplano na rin niya ang lahat para sa gabing iyon kasama na ang suot nyang masikip at maiksing bestida na una at huling beses na niyang isusuot. Nagresearch rin siya sa internet tungkol sa art of seduction na nahihiling niyang sana ay magawa niya. Ang tanging baon lamang niya sa gabing iyon ay ang sarili niya, ang mga nabasa niya at sandamakmak na lakas ng loob.
Muli siyang huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob ng establisyimento. Sinalubong siya ng napakalakas at maharot na tugtugin at kadiliman. Tanging strobe lights lamang na maharot din ang paggalaw ang ilaw roon. Iginala niya ang paningin sa paligid at pinagmasdan ang mga katawang nagsasayaw sa dance floor. Bahagya siyang napangiwi. Nawala sa isip niya ang posibilidad ng pagsasayaw kapag nagpunta siya roon. Hindi siya marunong sumayaw.
Inalis niya ang tingin sa dance floor at hinanap ang bar counter. Nang makita iyon sa isang panig ay lumakad siya patungo roon. Kinilabutan siya nang habang dumaraan siya ay may mga sumasayaw ng mga lalaki ang nagsisimulang lumapit sa kaniya.
"Beautiful, let's dance," bulong pa ng isa na nangahas na haplusin ang baywang niya. Muntik na niya itong mamura. Sa halip ay nagmadali na lamang siyang makarating sa bar counter. Nang makarating siya roon ay may mapagtanto siya. Bakit ba siya umiiwas? Hindi ba iyon naman talaga ang intensyon niya kaya siya naroon?
Nakagat niya ang ibabang labi at bahagyang napahinga ng maluwag nang makaupo na siya sa isang high stool na nasa bar counter. Umorder siya ng tequila. Kailangan niya ng alkohol para lumakas ang loob niya at mawala ang kaba niya. Hindi na siya maaaring umatras. Kapag hindi siya nagtagumpay na isakatuparan ang balak niya sa gabing iyon ay malabong magawa pa niya iyon sa susunod.
Para ito sa future mo Elay. Para ito sa baby na gustong gusto mo. Kumbinsi niya sa sarili habang sinasaid ang alak na inorder niya. Humagod sa lalamunan hanggang sa sikmura niya ang init niyon at bahagya siyang nakalma. Nakapangalawang baso na siya ng alak nang may ilang lalaki na ang lumapit sa kaniya. Kinausap siya ng mga ito at sinubukan niyang sumagot ayon sa mga nabasa niyang mga artikulo. Ngunit sa tuwing hahawakan siya ng mga ito ay nanayo ang mga balahibo niya at parang nais niyang tumakbo.
Sa huli ay hindi rin niya kinaya. Hindi yata talaga ako ipinanganak para ma-master ang flirting. Frustrated na naisip niya. Kaya mabilis siyang tumayo at nagpaalam sa mga ito. Uuwi na lang siya. Hahayaan na lamang niyang tumanda siyang mag-isa. O kaya ay mag-aampon na lang siya ng baby para alagaan kahit na ang gusto niya sana talaga ay anak na kaniya talaga.
Nag-iinit na ang gilid ng mga mata niya habang naglalakad patungo sa labasan ng bar dahil sa labis na inis sa sarili. Nais niyang makalabas na lamang doon kaagad. Ngunit hindi pa man siya nakakarating sa pinto ay nahilo na siya. Napasandig siya sa pader at mariing napapikit. Dahil sa nerbiyos niya ay nakalimutan niyang mahina nga pala ang tolerance niya sa alak.
Hindi niya alam kung gaano katagal siya sa posisyong iyon nang maramdaman niya ang marahang pagtapik ng kamay sa balikat niya. "Miss, are you alright?" ani malamig na tinig ng isang lalaki. Bakas ang concern doon.
Awtomatikong napadilat siya nang madama niya ang mainit na paghinga sa bandang tainga niya. Napalingon siya at bahagyang napaatras nang ang una niyang makita ay ang mga labing ilang pulgada lamang ang layo mula sa mga labi niya. Kasunod niyon ay nanuot ang mabangong amoy nito sa ilong niya. Nagtaka siya sa sarili niya nang wala siyang maramdamang pagkailang sa nearness nito sa kaniya na gaya ng naramdaman niya kanina sa mga lalaking nagtangkang lumapit sa kaniya.
Humigpit ang hawak nito sa balikat niya at inalalayan siyang makatayo ng deretso. Napasandal siya sa pader. "Kung hindi maganda ang pakiramdam mo aalalayan kitang makaupo muna," sabi pa nito.
Noon niya tiningala ang mukha nito. Madilim kaya hindi niya masyadong matitigan ang mukha nito. Ngunit sapat na ang nakikita niyang hugis ng mukha nito, ng matangos na ilong nito, ng kurba ng mga labi nito upang mapagtantong may itsura ito. Bukod doon, hindi siya natatakot dito. Hindi niya maipaliwanag kung paano iyon nangyari. Maging ang pagkakahawak nito sa balikat niya ay hindi niya ikinaiinis.
"Miss?" untag nitong muli sa kaniya.
Napakurap siya. "I'm okay, I think. Medyo nahilo lang ako dahil uminom ako na sobra sa kaya ko lang itake," sa wakas ay sagot niya rito.
"May kasama ka ba?" tanong nito. Umiling siya. Kumunot ang noo nito at mukhang pagagalitan pa siya ngunit tila nagbago ang isip na huminga na lamang ito ng malalim. "You need to rest a bit. Delikadong umalis ka ng ganiyan. Come on, let's go upstairs," anitong dumausdos ang kamay na nasa balikat niya patungo sa braso niya at inakay siya patungo sa kung saan.
Kahit na nakakaramdam siya ng kakaibang comfort sa presensya nito ay bahagya pa rin siyang napaatras at nagdududang tiningnan ito. Napalingon naman ito sa kaniya at tila nabasa ang pagdadalawang isip niya. He slowly smiled at her and it nearly took her breath away. Nearly lang, dahil madilim at hindi niya masyadong matitigan ang mukha nito. Ngunit sigurado siya na iba ang kaso kung maliwanag at nakikita niya ng maayos ang ngiting iyon.
"I'm not going to do anything that is against your will Miss. Trust me," maingat na sabi nito. At kahit gusto niyang pagalitan ang sarili ay nakalma siya sa assurance na narinig niya sa tinig nito. Napahinga siya ng malalim at tumango. Nagpaakay siya rito hanggang sa ikalawang palapag ng bar kung saan natatanaw pa rin ang nangyayari sa ibaba. Lumapit sila sa isang nakapinid na pinto na may nakalagay na VIP room sign. Matapos nitong saglit na makipag-usap sa isang bouncer na naroon ay binuksan nito iyon at inakay siya papasok.
Napakurap siya dahil bahagya siyang nasilaw sa liwanag ng silid. Ang tanging naroon lamang ay isang may kalakihang mesa sa gitna at sa palibot niyon ay mahahabang sofa. Sa isang banda ay may bar counter na may mga nakapatong na bote ng alak, mga baso at kung anu-ano pa. Tumahimik nang isara nito ang pinto.
"Maupo ka. Make yourself comfortable," sabi nito makalipas ang mahabang sandali. Na para bang hinahayaan siya nitong ianalisa ang paligid niya. Dahil tahimik na ay mas maayos niyang narinig ang boses nito. Noong una ay ang akala niya malamig lang iyon. But now she realized it was also deep and rich like velvet. Iyong tipo ng tinig na magpapatunaw sa mga tuhod ng mga kababaihan.
Tumalima siya na hindi ito nililingon. May pakiramdam siyang mas makabubuti kung uupo muna siya bago niya tingnan ang mukha nito. At nang maayos na siyang nakaupo at nagkalakas na siya ng loob na tingalain ito ay napagtanto niyang tama ang desisyon niyang umupo muna. If her breath was nearly took away by his smile in the dark, now she literally stopped breathing.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...