WHEN Jemelyn heard a gun shot, she anticipated the pain, but all she felt was a gush of something at her side, then a sound of glass breaking. Kasunod niyon ay ang malakas na paglagabog ng kung anong bumagsak sa sahig.
Napadilat siya at kumalat ang relief sa buong katawan niya nang makita niyang nakadapa sa sahig si Randy. Nakadagan rito si Dillion habang hawak nito ang dalawang kamay ni Randy sa likuran ng huli. Ang baril na kanina ay hawak nito ay ilang dipa ang layo sa mga ito. Dillion must have entered without the two of them realizing it. At malamang kung hindi ito dumating kaagad ay hindi magmimintis si Randy. Malamang na sa kaniya tumama ang bala. She might have been dead at that moment already.
"Don't even think I will forgive you bastard," narinig niyang bulalas ni Dillion sa nanginginig na tinig. Bakas ang galit at iba pang emosyon sa tinig nito. Kasunod niyon ay gumalaw ang mga kamay nito at humiyaw sa sakit si Randy. "The police will be here any minute. Pero kung sa tingin mo basta kita pakakawalan ng hindi ko nababasag ang mukha mo nagkakamali ka," gigil pang sabi nito. Pagkuwa'y walang kahirap-hirap na inikot ito ni Dillion at ubod lakas na sunod-sunod na sinuntok sa mukha. Kahit na humihiyaw si Randy ay hindi ito tumitigil. Siya naman ay tila ipinako sa kinatatayuan niya at ni hindi ito magawang sawayin. Her mind was blank.
"Dillion, stop it! Tama na iyan," marahas na saway rito ni Wendy na hindi niya namalayang nakapasok na rin pala roon. Kasunod nito ang sekretarya nito at magkatulong ng mga itong hinatak si Dillion palayo kay Randy.
Nagpahatak naman ito ngunit matalim pa rin ang tingin kay Randy. "Hindi pa ako tapos. He dared try to harm her. I will not forgive that son of a bitch," sigaw pa rin nito.
"Himbis na gawin mo iyan ay asikasuhin mo si Jem. Parating na rin ang mga pulis. Sila na ang bahala sa kaniya. If you kill him, ikaw pa ang bibitbitin ng mga pulis ano ka ba Dillion," saway pa rin ni Wendy rito.
Noon ito tila natauhan at biglang humarap sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang kislap ng galit at takot sa mga mata nito. Pagkuwa'y napalitan iyon ng pag-aalala. "Jem," tawag nito sa kaniya sa nanginginig na tinig. Nang marinig niya ang pangalan niya mula sa mga labi nito ay bigla siyang tinakasan ng lakas. Nanghinga ang mga tuhod niya at napaluhod siya sa sahig. Nataranta ito at sa ilang hakbang ay nakalapit na sa kaniya. Lumuhod ito sa harap niya. Ikinulong nito ng mga kamay ang mukha niya at pinakatitigan siya. "May masakit ba sa iyo?" Nang umiling siya ay humugot ito ng malalim na paghinga. Pagkatapos ay siniil siya ng halik na tila ba sa paraang iyon ay masisiguro nitong ayos lang siya. "Thank God," usal nito nang pakawalan nito ang mga labi niya. Pagkuwa'y kinabig siya nito at mahigpit na niyakap.
Katulad noong natagpuan siya nito sa sasakyan niya, nang yakapin siya nito ay biglang nag-init ang mga mata niya at parang dam na binuksan ang lahat ng emosyon sa dibdib niya. Napahikbi siya at kumapit sa mga balikat nito. "Dillion, I'm glad you came," aniya sa pagitan ng pag-iyak.
Humigpit ang yakap nito at naramdaman niya ang paulit-ulit na paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. "Yes. I'm sorry I'm late. I'm sorry I messed up and got the wrong person. Kung hindi ako nagkamali dapat nalaman ko kaagad na ang gagong iyan ang may kagagawan ng lahat. You should have been spared with this trauma. God, I'm sorry Jem," paulit-ulit na usal nito kasabay ng paghaplos nito sa likod niya. Nararamdaman niya ang panginginig ng katawan nito. Was he also as scared as she was? Humigpit ang yakap niya rito at isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Hindi niya alam kung gaano katagal sila sa ganoong posisyon nang makarinig sila ng tikhim.
Bahagyang kumalas si Dillion at sabay pa silang napalingon. May dalawang pulis ng naroon at bitbit na ng mga ito si Randy. "Sir, Ma'am, pasensya na ho pero kailangan niyo ring sumama sa amin. May mga kailangan kayong saguting mga tanong at kailangan niyo ring magsampa ng opisyal na kaso laban sa kaniya," sabi ng isa.
"Sasamahan ko kayo para pagkatapos niyong sagutin ang mga kailangan niyong sagutin ay ako na ang bahala sa iba. Then Dillion, you can take Jem home para makapagpahinga na siya," sabi ni Wendy.
Tumango si Dillion at inalalayan siyang makatayo. Inakbayan siya nito at muling hinalikan ang mga labi niya. "We will make it quick. Everything will be okay now. You will be safe now. I swear," usal nito.
Tumango siya. Nais niyang sabihin rito na naniniwala siya rito. Na labis labis ang pasalamat niya at naroon ito. Na mahal niya ito. Sa halip ay yumakap na lamang siya sa baywang nito at nahiling na kahit man lang sa ganoong paraan ay maiparamdam niya rito ang lahat ng mga bagay na nais niyang sabihin rito ngunit wala pa siyang lakas na isatinig. Nang tumingala siya at nakita niya ang bahagyang ngiti sa mga labi nito ay tila may mainit na kamay na humaplos sa dibdib niya. At that moment she was sure, her feelings reached him.
LAMPAS isang oras din ang lumipas bago nakaalis sa istasyon ng pulis si Jemelyn at Dillion. Habang naroon kasi sila at sumasagot ng mga katanungan ay naghysteria na naman si Randy. Ayon sa mga tao roon ay mukhang may pshycological disorder daw ito dahilan kaya nagawa siya nitong pagtangkaang patayin. Ang ginawa raw nito ay dulot ng labis na desperasyon. Nalaman kasi niya na isa pala ito sa pinagpipilian para maging head ng marketing and finance. Kaya marahil nagtanim ito ng labis na galit sa kaniya dahil sa kaniya napunta ang posisyong ilang taon na nitong nais makuha. Ang labis na obsesyon raw nito sa posisyong iyon ay nagdulot rito ng mental problems. Kailangan raw itong matingnan ng espesyalista upang masiguro iyon. Ngunit kahit ganoon ay nanindigan sila at maging si Wendy na itutuloy nila ang kasong attempted murder laban dito.
Nalaman rin niya mula sa testimonya ni Dillion na nang sagutin nito ang cellphone nito ay agad nitong narinig ang mga pag-uusap nila ni Randy bago iyon naputol nang ibagsak niya iyon sa sahig ayon na rin sa utos ni Randy. Nang marinig daw nito iyon ay nasa ibaba na raw ito ng building ng Smith Parmaceuticals kaya tinakbo raw nito ang elevator upang makaakyat agad. Mabilis rin daw nitong tinawagan si Wendy na siya namang tumawag ng pulis. Tahimik raw itong pumasok sa opisina niya at nakita nitong nakatutok ang baril sa kaniya. Hindi na raw ito nagpatumpik tumpik pa at agad na sinugod si Randy. Nahawakan daw nito ang braso ng huli bago nito maiputok ang baril dahilan kaya nagmintis ito. Muli tuloy siyang nagpasalamat sa pagdating nito. Pagkatapos ng mga testimonya nila ay umalis na rin sila sa istasyon ng pulisya at hinayaan na roon si Wendy at ilang abogadong tinawagan nito roon.
Noong una ay nagtaka siya na sumama pa sa pulisya si Wendy. Ang alam kasi niya ay ayaw nito ng bad publicity. Ngunit ang sabi nito ay kung may kinalaman na sa buhay ng isang tao ay ibang usapan na iyon.
"Wendy told me to take you home. But honestly, I don't want to take you home yet," usal ni Dillion nang nasa loob na sila ng kotse nito.
Sinulyapan niya ito at nakita niya ang determinasyon at kaseryosohan sa mukha nito. Kumabog ang dibdib niya nang tumingin ito sa kaniya at magtama ang mga mata nila. "I don't want to be apart with you Jem. Not now. And I am afraid not ever."
Nahigit niya ang hininga at muling nag-init ang mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa kakaibang antisipasyon. Lumunok siya at bahagyang yumuko. "A-ayoko pa ring umuwi. Ayokong makita nila akong ganito. I don't want them to get worried. Matatanda na ang mga magulang ko at baka makasama pa sa kanila kapag nalaman nila ang nangyari sa akin," mahinang sagot niya.
Ilang segundong pumagitan ang katahimikan sa kanila bago nito binuhay ang makina ng sasakyan nito. "Then let's go."
Napatingin siya rito. "Saan?"
Sumulyap ito sa kaniya at bahagyang umangat ang gilid ng mga labi. "My place."
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...