UMILING SI MYRA. Wala na siyang lakas na makinig pa rito. Mabilis na lumakad siya palabas ng opisina nito. Pero nang mapadaan siya rito ay maagap nitong nahawakan ang braso nito.
"Don't run away from me. I will not let you run away from me," mariing sabi nito na ikinatitig niya sa mukha nito. Huminga ito ng malalim at bahagyang lumambot ang ekspresyon. "Myra, the reason why I asked to meet you today because I want us to talk. Ayokong magkaroon ng sikreto sa pagitan natin. I intended to tell you about Kathy. I want you to know. I believe you have the right to know," malumanay ng paliwanag nito.
Hindi pa rin siya nagsalita. May bikig pa rin sa lalamunan niya at natatakot siyang baka may hindi pa magandang salitang lumabas sa bibig niya.
Muli ay huminga ito ng malalim. "Just... just come with me please? I don't want you to misunderstand –
"Misunderstand what? Na tuwing wedding anniversary niyo ay nagdeday off ka at buong araw na nasa libingan niya ay ibig sabihin mahal mo pa rin siya? Na patunay ang larawan ninyong dalawa na nasa lamesa mo pa rin sa kabila ng mahabang taon na hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso mo? That you... you even made you're so call personal paradise exactly like that place on the picture para lagi mo siyang naalala? Don't worry I didn't misunderstand that. Just..." Napabuga siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay hindi na siya ang nagsasalita. Kailan pa siya naging ganoon? "I'm sorry Rob, I want to go home. It's not me to say things like this, please believe me. Bitawan mo ako," aniya sa pilit pinalumayan na tinig.
Pero hindi nito ginawa iyon. Bagkus ay hinigit siya nito palapit sa katawan nito at walang babalang siniil siya ng halik sa mga labi. Mariin iyon at tila may nais iparating sa kaniya na kung ano. Muli ay halos lumobo ang puso niya sa halo-halong emosyon. Ngunit sa lahat ng iyon ay nangingibabaw ang masidhing damdamin. She loves him. And it hurts her to know that he loves someone else.
Nang pakawalan siya nito ay halos pareho silang kapos sa paghinga. Sinapo nito ang mukha niya ng dalawang palad nito at pinakatitigan. "Myra, listen to me. You have to believe me. Mali ka ng iniisip okay? Nagkataon lang ang nasa larawan na iyan. I designed that place na katulad ng restaurant na nasa picture because I love their interior. Wala iyong ibang kahulugan. At tungkol naman kay Kathy I can explain everything." Tumitig lang siya rito. Bumuntong hininga ito. "Come with me," sabi nito at bigla na nitong ginagap ang kamay niya at hinatak siya palabas. Wala na siyang lakas para magpumiglas pa. Hindi nito alintana ang mga empleyado nitong napapatingin sa kanila. At sa totoo lang ay wala na rin siyang pakielam sa mga ito.
NAPATINGIN si Myra kay Robin nang ihimpil nito ang sasakyan nito sa isang panig ng sementeryo. Hindi pa man sila nakakababa ay alam na niya kung saan sila pupunta. Bakit kailangan pa siya nitong dalhin doon?
Dumukwang ito sa likuran ng kotse nito at may inabot na bungkos ng bulaklak. Pagkatapos ay bumaba ito at umikot sa pintuan niya at binuksan iyon. Ginagap nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Myra, please?" pakiusap nito.
Huminga siya ng malalim at bumaba. Hindi nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa huminto sila sa isang puntod. Agad na nabasa niya roon ang pangalan ni Kathy.
"Kathy and I has been in a relationship since we were in college. Pero dahil pareho kaming may kani-kaniyang trabaho, hindi kami tulad ng iba na palaging may oras sa isa't isa," simula nito. Tumingin ito sa kaniya. "You see, when I am working, nawawala sa isip ko ang ibang bagay at mahirap mang aminin, kahit siya. Sa tagal naming magkarelasyon, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang naneglect. But I did love her then. So to relieve her anixiety and doubt about my feelings for her, I married her. Isang taon pagkatapos 'non ipinanganak niya si Nina. Pero sensitive ang pagbubuntis niya kaya namatay siya. I was left with only our child.
"I was devastated. It pains me to suddenly realize how many times I took her for granted. Kung gaano karaming araw akong late makauwi dahil subsob ako sa trabaho. Kung gaano kadalas kaming nag-away dahil hindi ko raw siya kasing mahal na gaya ng pagmamahal niya sa akin."
Nakita niya ang guilt sa mukha nito. Kahit may kirot sa dibdib niya ay hindi rin niya napigilan ang sarili niyang haplusin ang mukha nito upang kahit papaano ay mapawi niya ang ekspresyong iyon sa mukha nito. Huminga ito ng malalim.
"Dahil doon kaya tuwing wedding anniversary namin pumupunta ako rito. I want to show how important she has been in my life. Totoong sa mga unang taon ay iyon ang dahilan ko. Hanggang sa unti-unti naramdaman kong hindi na iyon kasing sakit ng dati. Hanggang sa maging habit na lang iyon. Then last year, I promised her that I will be happy again. At nakilala nga kita."
Ngumiti ito. "You are different though. Pagdating sa iyo baligtad. Kapag kasama kita nakakalimutan ko ang ibang bagay. Kahit sa trabaho, sumagi ka lang sa isip ko nawawala na ang focus ko at mapapangiti na lang ako mag-isa. Akala tuloy ng mga empleyado ko at kahit ni Arnel, nababaliw na ako. But I can't help it, that's how you affect me," pag-amin nito.
May mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa sinabi nito. Naging masuyo ang ngiti nito. "Naiintindihan mo na ba Myra? You are different, you are special."
"Rob, I love you," nabulalas niya.
Kumislap ang mga mata nito. "I know. And I love you too you know. Mula ng makilala kita, ang daming nagbago sa akin na minsan kahit ako nagugulat. Remember you are a sunflower? You are honest, affectionate and loving, hindi lang sa akin kung hindi maging kay Nina. You touched my heart in many ways. Why would I let you go when I realized that you are the happiness that I've been waiting for?"
Nayakap niya ito sa sinabi nito. Pinagsisisihan niya na kahit sandali lamang ay naisip niyang hindi siya mahalaga rito. "I'm sorry for reacting the way I did kanina Rob. Sorry."
Bahagya itong tumawa at marahan siyang inilayo. Nakangiti na ito. "I understand. Nalaman mo mula sa iba ang gusto kong sabihin sa iyo ngayon." Pagkatapos ay humarap ito sa puntod ni Kathy. Hinatak nito ang isang tulips na noon lamang niya napansing nakahalo sa bungkos ng sunflowers na hawak nito. Ni hindi nga niya napansin kanina na sunflowers pala ang mga iyon. Inilapag nito ang bulaklak sa puntod ni Kathy bago muling humarap sa kaniya at inabot naman sa kaniya ang bungkos ng mga sunflowers. Tinanggap niya iyon. Ginagap nito ang kamay niya at muling humarap sa puntod.
"Kathy, this is the woman I love now. And I believe I will love for the rest of my life. You don't have to worry about Nina, alam kong aalagaan siya ni Myra na parang tunay na ina. I am sorry for not loving you enough when you were alive. I guess that is because I will meet this woman who I will love more than I though I am capable of. I just want you to know, because this will be the last time I will come here on this day. Pero nasisiguro ko sa iyo na hindi naman kita makakalimutan," paglalahad nito.
Pagkatapos ay humarap ito sa kaniya at pinisil ang kamay niya. Nginitian niya ito. Tama siya. Wala na siyang makikilala pang lalaki na gaya nito. "Now, let's go back," nakangiti na ring sabi nito.
"Where?"
Naging pilyo ang ngiti nito at mabilis siyang dinampian ng halik sa mga labi. "To our secret paradise," pabulong na sabi nito.
Napangiti siya. Our secret paradise. It has a nice ring to it. Oh, she just can't wait.

BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...