When The Love Falls - Part 7

4.6K 179 1
                                    


"TAPOS ka ng kumain. Pwede ka ng bumalik siguro sa trabaho mo?"

Hindi ugaling magpakapranka ni Jemelyn sa mga katrabaho niya ngunit pagdating talaga kay Dillion ay hindi niya maiwasang umakto ng ganoon. Lalo na at bago pa man dumating ang pagkaing inorder niya ay hindi na siya mapakali dahil sa walang pakundangang pagmamasid nito sa kaniya. Hindi rin tuloy siya umusad sa trabaho dahil wala siyang naintindihan sa mga binasa niya.

At nang dumating ang pagkain nila ay hindi pa rin ito tumigil sa hayagang pagmamasid nito sa kaniya kahit na kumakain na sila. Pakiramdam din tuloy niya ay hindi siya matutunawan sa ginagawa nito. Lalo pa at habang magkasama sila ay hindi niya magawang alisin sa isip niya ang eksresyon sa mukha nito nang tanungin niya ito kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniya. For some reason, when she looked at the way his eyes were glinting at that moment, she got scared. Kaya hindi na niya ipinilit pa ang usapang iyon.

Napakurap siya nang bahagya itong tumawa. "That's very blunt of you. But as much as I want to stay with you I admit you are right. I have to go back to work now," anitong tumayo na. Kahit na intensyon niya talagang paalisin ito ay nagulat pa rin siya sa agad na pagpayag nito. Tumingin ito sa wristwatch nito. "At ayoko na ring istorbohin ka pa para makauwi ka rin ng maaga. I assume you have a car?"

"Yes," disoriented pa ring sagot niya.

Tumingin ito sa kaniya at ngumiti. "Great. Delikado magcommute sa gabi. Don't stay here too late." Inilang hakbang siya nito at tila normal na nitong ginagawang inilapat nito ang kamao nito sa pisngi niya, more in an affectionate manner than anything else. "Thanks for dinner. Tatawag ako ng utility para linisin ang kinainan natin bumalik ka na sa trabaho mo." Iyon lang at lumabas na ito ng opisina niya. Natulala na lang siya sa nakapinid na pinto na nilabasan nito.

"What is his problem?" nausal niya. Pagkuwa'y marahas siyang napailing. Wala siyang panahong analisahin ito. Sa mga oras na iyon ay ang trabaho niya ang prayoridad niya at hindi ito. Hinamig niya ang sarili sa pamamagitan ng sunod-sunod na paghinga ng marahas bago muling bumalik sa trabaho.

PINIGILAN ni Jemelyn ang sariling mapahikab habang naglalakad na siya patungo sa kotse niya sa lower ground parking lot ng kumpanya nila. Napabuga siya ng hangin dahil inabot siya ng alas diyes sa opisina. Kahit kasi sinabi niya sa sarili niyang magfocus siya sa tinatrabaho niya ay hindi pa rin niya nagawa dahil kahit ayaw niya ay sumusulpot pa rin sa isip niya si Dillion. And no matter how hard she ignored it, her pulse continued to beat abnormally faster just by remembering him. Dobleng oras tuloy ang kinailangan niya para matapos niya ang halos lahat ng trabaho niya.

Iyon pa rin ang iniisip niya habang ilang dipa na lamang siya sa kotse niya nang mapahinto siya dahil sa kakaibang kilabot na naramdaman niya sa batok niya. Napahinto siya at marahas na napalingon. Walang katao-tao roon at maliban sa mga company cars at itim na range rover ay kotse na lamang niya ang naroon.

Yet, she felt as if she was not alone in there. Na para bang may nakamasid sa kaniya. Iwinaksi niya ang munting pagbalong ng takot sa dibdib niya at inilang hakbang ang kotse niya. Mabilis na binuksan niya iyon at umibis siya sa driver seat na hindi na muling lumilingon sa paligid niya. Inilapag niya ang bag niya sa passenger seat bago binuhay ang makina ng sasakyan niya at pinaandar iyon.

Paliko pa lamang siya patungo sa direksyon ng entrada ng parking lot na ang kalalabasan ay ang main road nang maalala niyang naiwan niya sa opisina niya ang papeles na plano niyang iuwi upang basahin dahil hindi niya natapos kanina. Inapakan niya ang brake upang huminto ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang hindi kumakagat ang brake ng sasakyan niya at hindi iyon humihinto sa pag-usad. Nanlamig ang buong katawan niya at tarantang paulit-ulit na inapakan ang brake subalit maluwag talaga iyon. Kapag nagpatuloy iyon ay dederetso siya sa main road kung saan maraming mga sasakyang umaandar. Hindi lang siya maaaksidente may madadamay pa siya.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon