Napaigtad siya nang magvibrate ang cellphone niya. Agad na dinukot niya iyon. Napangiti siya nang makitang si Elle ang tumatawag. Tinapik lang niya ang assistant niya bago mabilis na pumasok sa opisina niya upang mas tahimik.
"Hi, hon. I was just about to call you," masiglang sagot niya sa tawag nito. Tumawa ito at bahagya siyang napakunot noo nang bahagyang nanginig ang boses nito. "May problema ba?" takang tanong niya.
"No, wala naman. Itatanong ko lang kung anong oras ka uuwi."
Muli siyang tumingin sa wristwatch niya at napabuga ng hangin. "Gusto ko na nga umuwi ngayon," pareklamong sabi niya.
Muli ay tumawa ito. Pleasure washed over his chest. He loves hearing her laugh. "Pero hindi mo pwedeng pabayaan ang negosyo mo. Mahal na mahal mo iyan hindi ba?"
"Mas mahal kita," sagot niya. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang namumula ang mukha nito. He also loves seeng her blush.
"May sasabihin ako sa iyo pag-uwi mo," sabi nito.
Napaderetso siya ng tayo. "Ano?"
Humagikhik ito. "Kapag sinabi ko ngayon ano pang sasabihin ko pag-uwi mo?" balik tanong nito.
Kumabog ang dibdib niya. May naramdaman siyang magandang kutob sa sayang nahihimigan niya sa tinig nito. "Is that good news or bad news?" tanong niya.
"What do you think?" she asked playfully.
Nakapagdesisyon siya. "Mrs. Ella Mae Meneses, I am going home right this instant. Wait for me," pinal na sabi niya.
Malakas itong tumawa bago nagsalita. "Then I will wait for you Mr. Meneses. Hurry."
"I will." Iyon lang at tinapos na niya ang tawag. Mabilis niyang hinablot ang gamit niya at lumabas ng opisina niya. Pagkatapos magpaalam sa assistant niya ay lumabas na siya ng bar niya at sumakay ng kotse niya.
Kumakabog ang dibdib niya sa labis na antisipasyon. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa manibela at binilisan ang pagpapatakbo. Alam niya kung ano ang maaring balita na magpapatawa dito ng ganoon. Iyon din kasi ang hinihintay niya. Lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo. Gusto na niyang makauwi agad. Lumiko na siya sa isang kalsada nang mapaigtad siya sa biglang pagsulpot nang isang truck sa harapan niya. He caught his breath and impulsively turned the wheel away from it and hit the breaks. But it was too late. A loud crash and then he lost consciousness.
NAPALITAN ang excitement na nararamdaman ni Elay ng pagtataka nang alas nuwebe na ng gabi ay hindi pa rin dumarating si Miguel. Wala pang trenta minutos ang biyahe mula sa bar nito patungo sa bahay nila kahit matraffic pa ito. Hindi kaya may nangyaring aberya sa bar nito kaya hindi ito makaalis agad? Pero kung gaano dapat ay tawagan siya nito. Hindi naman niya ito magatawagan dahil baka mamaya nasa biyahe ito. Ayaw niyang gumagamit ito ng cellphone kapag nagmamaneho dahil delikado iyon.
Huminga siya ng malalim at inabala na lamang ang sarili sa pagaayos ng mga gamit niya. Nahagip ng tingin niya ang bag niya at may bigla siyang naalala. Mabilis na kinalkal niya iyon. Nang mahawakan niya ang hinahanap ay kinuha niya iyon. Noon lang niya ulit naalala ang photo album na ibinigay ng mga kapatid niya sa kaniya noong kaarawan niya.
"My most recommended friend is the last one on the album." Naalala niyang sabi ng kuya Ernan niya noon. Agad na binuklat niya ang photo album hanggang sa dulo. Napaawang ang mga labi niya bago natawa nang makita ang larawan ni Miguel. Bahagya pang nakakunot ang noo nito na para bang hindi nito gustong kinunan ito ng larawan. Nakangiting hinaplos niya ang larawan. She felt like their meeting was fate. Hayun nga at mag-asawa na sila.
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...