KUMABOG ang dibdib ni Kendra nang habang nasa garden siya ng bahay ng mga Leviste at kausap si tita Ida na nagpunta rin doon upang makisaya sa anniversary ng mga magulang ni Darren ay nahagip ng tingin niya ang pagdating ng sasakyan ng binata. Ang akala niya ay gabi pa ito uuwi. Ano't naroon na ito agad?
"Oh, mukhang nandito na si Darren. I'm sure kanina mo pa rin siya hinihintay Kendra. Halika at salubungin natin siya," masayang sabi ni tita Ida. Tumayo pa ito at hinawakan ang kamay niya. Gusto niyang magprotesta ngunit hinatak na siya nito patayo at patungo sa bukanang tiyak na papasukan ni Darren patungo sa hardin.
Lalo siyang natensiyon nang makita na niya ang bulto nitong naglalakad palapit sa kaniya. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. For a moment, mas nanaig ang kakaibang damdamin niya para rito habang nakatitig siya sa mga mata nito. Ngunit agad din niyang naalala ang mga sinabi nito sa kaniya bumalik ang inis niya rito at pairap na inalis niya ang tingin dito.
"Ikaw na bata ka, paano mo nagawang umalis sa anniversary celebration ng mga magulang mo ha? Kanina ka pa hinihintay ni Kendra," sabi ni tita Ida kay Darren.
Napalingon siya sa may edad na babae sa sinabi nito. Gusto niyang magprotesta ngunit hindi niya nagawang magsalita nang mahuli niyang napasulyap din sa kaniya si Darren. Inalis nito ang tingin sa kaniya at ngumiti sa tiyahin nito. "Tita, may importante lang akong ginawa sa opisina. Pero okay na," dahilan nito. Umakbay pa ito sa babae at inakay na ito patungo sa hardin kung nasaan ang mga bisita. Ni hindi siya tinitingnang nilampasan siya nito.
Manghang napasunod na lang siya ng tingin dito dahil naiwan siyang mag-isang nakatayo roon. Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan itong nakikipagtawanan na sa mga bisitang bumati rito bago niya inalis ang tingin dito at bumalik sa pwesto niya kanina. Ngunit dahil nahatak na nito si tita Ida ay wala na siyang kausap. Nasa grupong iyon din kasi ang mommy niya at ang mga magulang niya. Ngitngit na ngitngit na nanatili na lang siya roon at hinayaang lumipas ang oras hanggang sa maari na siyang magpaalam sa mga ito. Gusto na niyang umuwi dahil ayaw niyang madamay ang mga tao roon sa masamang mood niya.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo roon at nakatitig sa kawalan nang maramdaman niyang may biglang umupo sa tabi niya. Napaigtad siya at awtomatikong tumahip ang dibdib niya dahil agad niyang nakilala ang pamilyar na presenyang iyon bago pa man niya makita ang mukha nito. Nang sulyapan niya si Darren ay hindi ito nakatingin sa kaniya pero iniumang nito sa kaniya ang isang platong puno ng pagkain.
"Ang sabi ni tita hindi ka pa raw kumakain. Kumain ka na bago mo pa tangkaing magdahilang masama ang pakiramdam mo o may kailangan kang gawin at magpaalam na uuwi na," sabi nito. Kumibot ang mga labi niya ngunit hindi siya nagsalita. Minsan, nakakainis na alam nito kung ano ang iniisip niya kahit hindi siya magsalita. Hindi niya kinuha ang platong hawak nito. Bumuntong hininga ito at noon lamang siya tiningnan.
Nagtama ang mga mata nila. Saglit na tila sila nagtatalo sa pamamagitan lamang ng matigas na titig nila sa isa't isa bago sa huli ay lumambot ang mga mata nito at muling napabuga ng hangin. "Okay fine. I'm sorry. I didn't mean the things I said to you last night. Naiinis lang ako na nagpapakatanga ka sa lalaking iyon. Pero kung sa kaniya ka magiging masaya fine. Hindi na kita pipigilan," anitong may bahid ng pait ang tinig.
Hindi siya natuwa sa sinabi nito. "Hindi mo ako naiintindihan Darren," mahina ngunit mariing sabi niya.
"Oh yes I do." Magsasalita pa sana siya upang kontrahin ito nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Napaigtad siya nang madama niya ang init ng mga kamay nito sa kaniya. May kumalat na kuryente sa buong katawan niya at napatitig siya rito.
Mukhang maging ito ay naramdaman ang naramdaman niya dahil kahit ito ay tila natigilan at napatitig lang sa kaniya. Her heart ached when she saw longing, sadness and an unfamiliar emotion in his eyes. Bigla ay parang nais niyang haplusin ang mukha nito. Ngunit bago niya magawa iyon ay tumikhim ito at nagbawi ng tingin. Pagkatapos ay inihawak nito ang kamay niya sa platong kanina pa nito inaabot sa kaniya.
"Kumain ka na. Magtataka sila mommy kapag hindi ka kumain. At kanina pa nila ako kinukulit kung bakit parang ang tamlay mo raw. They can sense that we are... in a not so good terms right now," sabi nito.
Napasulyap tuloy siya sa mga tao roon. Nahuli niya ang mga tingin ng mga ito sa kanila. Nang makita siyang nakatingin ay mabilis na inalis ng mga ito ang tingin at nagkunwang abala sa paguusap. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiling sa inaasal ng mga ito. Napahinga siya ng malalim at ibinalik ang tingin kay Darren. Nakatingin din ito sa kaniya.
"Papatawarin kita this time dahil mas marami ka namang ginawang kabutihan sa akin mula pa noon at para na rin sa ikatatahimik ng kalooban ng mga taong obvious namang pinapanood tayo. Besides, hindi naman pwedeng palagi na lang ikaw ang nagbibigay sa ating dalawa. Unfair iyon sa iyo. Sorry din kung sinabayan ko ang init ng ulo mo. It's just that... your opinion about me is the only thing that matters to me at nasaktan ako na ganoon ang tingin mo sa akin kaya ako nagalit," mahinang sabi niya rito.
Naramdaman niyang natigilan ito sa tabi niya at nakatitig sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito. Nang lumambot ang tingin nito ay may bumikig sa lalamunan niya. "I'm sorry," mahinang usal nito. Umangat ang kamay nito at humaplos sa buhok niya. Pagkuway marahan siya nitong kinabig palapit dito. Napasandig siya patagilid sa katawan nito. "Hindi ko na ulit sasabihin iyon. I didn't mean it I swear," mahina pa ring sabi nito.
Nag-init ang gilid ng mga mata niya. Alam naman niya iyon. Nais niyang isatinig iyon ngunit wala siyang tiwalang magagawa niyang magsalita ng hindi maiiyak kaya tumango na lamang siya. Lalo pa at may napagtanto siya habang nasandig siya sa katawan nito at nararamdaman niya ang marahang haplos ng kamay nito sa buhok niya. This man is more important to her than she thought he was. Higit pa sa bilang kaibigan.
At sa likod ng isip niya ay alam niyang matagal na niyang nadarama iyon para dito. Ngunit pinigilan niya ang damdaming iyon at pilit itinago sa pinakaliblib na bahagi ng puso niya dahil natatakot siyang bigyan ng komplikasyon ang relasyon nila. Ngunit mukhang hindi na niya kaya pang itago at balewalain iyon ngayon.
The realization brought a mixed emotions to her. Nakaramdam siya ng tuwa at pride na sa lalaking ito niya iyon naramdaman. Kasabay niyon ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya dahil alam niyang pag-aari na ito ng ibang babae at pagsisisi na hinayaan niyang mapunta ito sa iba bago siya nagkalakas ng loob na sabihin dito kung gaano talaga ito kaimportante sa kaniya. Ngayon tuloy, ang pinakamalapit na kaya na lamang niyang maging para dito ay isang matalik na kaibigan. For her it was better than nothing.
![](https://img.wattpad.com/cover/151964309-288-k693352.jpg)
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...