"MA'AM, mauna na ho ako."
Nag-angat ng tingin si Jemelyn nang sumungaw sa pinto ng private office niya si Tina. Hindi sila mag-oovertime sa araw na iyon at kaunti na lang naman ang kailangan niyang gawin kaya pinayagan niya itong mauna na sa kaniya. Kaarawan kasi ng anak nito sa araw na iyon. "Okay. Happy birthday sa anak mo," nakangiting sagot niya rito. Gumanti ito ng ngiti bago muling nagpaalam at tuluyan ng umalis. Siya naman ay nagpatuloy sa pagbabasa ng mga papeles sa lamesa niya.
Ilang minuto pa lamang siyang nag-iisa roon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbubukas ng pinto. Napaangat ang tingin niya sa bahagyang nakaawang na pinto ng private office niya. Marahil ay si Tina iyon at may nakalimutan kaya bumalik. Hinintay niyang muli itong sumungaw sa pinto ng private office niya ngunit mahabang sandali na ang lumipas ay hindi nito iyon ginawa. Hanggang sa muli niyang marinig ang langitngit ng pinto ng outer office niya. Bigla ay nakaramdam siya ng hindi maganda.
Tumayo siya at lumakad upang silipin ang nangyari sa labas ng private office niya. Ngunit nang lakihan naman niya ang pagkakabukas ng pinto ay wala namang katao-tao roon. Kinabahan siya habang iginagala ang tingin sa paligid. Huminto ang tingin niya sa lamesa ni Tina at agad niyang napansin ang nakatuping papel na sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay out of place doon na para bang kalalagay lamang niyon doon.
Lumapit siya roon at alanganing kinuha ang papel. Binuksan niya iyon at muntikan nang mabitawang muli nang makita ang nakasulat roon. Resign from your position or die. The words were typewritten in bold letters. Nanlamig siya. It was definitely a death threat! Tuluyan na niyang nabitawan ang papel at napahawak sa dibdib niya dahil bigla siyang nahirapang huminga. Pakiramdam niya ay tinakasan ng lakas ang mga tuhod niya.
Dillion. Napakurap siya. Naalala niyang inilagay nito ang numero nito sa cellphone niya. Ito lamang ang alam niyang makakatulong sa kaniya sa mga oras na iyon. Hinamig niya ang sarili at patakbong bumalik sa lamesa niya upang kunin ang cellphone niya. Sa nanginginig na kamay ay hinanap niya ang numero nito at pinindot ang call button. Tatlong ring pa lang ay sinagot na nito iyon.
"D-dillion."
"Jem, what's wrong?" agad na sagot nito.
Ikinabigla niyang nakilala nito kaagad ang boses niya ngunit hindi na siya nagkomento pa tungkol doon. Agad na sinabi niya rito ang tungkol sa nangyari lalo na ang sulat na nakita niya. Gusto niyang magtunog normal subalit hindi niya mapigilan ang panginginig ng tinig niya. "K-kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. What if kung sino man ang naglagay nito rito ay nasa malapit lang? A-anong gagawin ko?" aniya rito. "D-dillion?" untag niya rito nang wala siyang marinig na sagot.
Napaigtad siya nang marahas na bumukas ang pinto ng outer office niya. Napahinga siya ng maluwag nang makita niya si Dillion na habol pa ang paghinga habang nakalapat sa isang tainga nito ang cellphone nito. Muntik na niya itong takbuhin ngunit napigilan niya ang sarili. Bagkus ay napahigpit na lamang ang kapit niya sa lamesa. Halos sabay pa nilang ibinaba ang kani-kaniyang cellphone. Pagkuwa'y sa ilang hakbang lamang ay nakalapit na ito agad sa kaniya. Walang pag-aalinlangang kinabig siya nito payakap at napasumbsob ang mukha niya sa dibdib nito.
"Relax. Nandito na ako. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo. Calm down," alo nito sa kaniya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya at napabuntong hininga siya. Tila bula ring naglaho ang tensyon niya kanina.
Hinawakan niya ang mga braso nito at bahagya siyang lumayo rito. Tiningala niya ito at muli siyang bumuntong hininga. "Okay na ako. Thank you for coming," buong pasalamat na usal niya.
Ito naman ang napahugot ng hangin bago pinisil ang mga balikat niya at tuluyan na siyang pinakawalan. "It's nothing. Nasaan ang sulat?" Itinuro niya ang papel na nasa lamesa ni Tina. Kinuha nito iyon at tiningnan. Naging mataman ang tingin nito roon, halatang gumagana ang utak nito at nag-aanalisa. "Ang sabi mo naramdaman mong may pumasok rito at akala mo si Tina iyon. Ibig sabihin pumasok mismo ang taong iyon rito para lang ilagay ito rito. It only means whoever gave this to you at maging ang gumalaw ng kotse mo ay empleyado rito kung malaya siyang nakapasok rito."
Napatitig siya rito. "Empleyado? Ibig sabihin, may posibilidad na nakakalapit siya sa akin ng hindi ko alam? Bakit naman magkakaroon ng taong galit sa akin dito? Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Wala rin naman akong naooffend na tao. I work honestly kaya hindi ko maintindihan kung bakit may isa sa kanila ang gusto akong m-mamatay," kabadong bulalas niya.
Tumitig ito sa kaniya at muli siyang hinigit palapit dito. "It seems that way. O maari ring wala rito ang talagang gusto kang saktan. It is possible that whoever did that to your car and delivered this letter is just an accomplice. Either way, you are not safe alone anymore Jem. Mas mabuti kung magbakasyon ka muna. Take a leave habang hinahanap ko kung sino ang gumagawa nito," suhestiyon nito.
Napailing siya. "Hindi ako pwedeng umalis. Bago pa lang ako sa posisyon ko at marami akong kailangang asikasuhing trabaho. Nasa kalagitnaan ng pagpaplano ang marketing para sa isang huge event at hindi pwedeng wala ako."
Kumunot ang noo nito. "Your life is in danger."
"Alam ko. Pero hindi ko pwedeng iwan basta ang responsibilidad ko. Hindi lang ako ang nagtatrabaho ng husto para sa kumpanya kung hindi maging ang mga empleyadong sumusunod sa akin. Besides, what if iyon talaga ang gusto ng nagtatangka sa buhay ko? Ang magpanic ako at umalis sa trabaho. Hindi ba gusto niya akong magresign?" aniya rito.
Tila naman natigilan ito. Pagkuwa'y may kumislap sa mga mata nito na tila ba may sumagi sa isip nitong kung ano. "You are right. Maari ngang ang gusto talaga ng kung sino mang ito ay ang umalis ka sa posisyon mo. But if you will do what he or she doesn't want you to do like continue working, magiging mas delikado ang buhay mo. Tiyak na gagawa siya ng mas mapanganib na hakbang," giit nito.
Itinaas niya ang noo. "Alam ko rin iyan. Pero ayokong padaliin ang lahat para sa kaniya. Gusto kong malaman niya na hindi ako ganoon kahina. Ayokong ibigay ng ganoon lang ang gusto niya," determinadong sagot niya. Tuluyan ng nawala ang kanina ay takot na nararamdaman niya. Kailangan niyang magpakatatag. Haharapin niya iyon ng buong tapang.
Matagal na tinitigan lang siya nito bago ito bumuga ng hangin. "Fine. Alam kong hindi ko mapagbabago ang isip mo. Pero para siguruhing walang mangyayari sa iyo, dapat maging handa ka sa counterplan ko kung ayaw mong magleave."
"Anong counterplan?" takang tanong niya.
Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito at pinisil ang baba niya. "Mula sa mga oras na ito, palagi akong mananatili sa tabi mo. Unless, I have to go somewhere really important I will not leave you alone. You have to be prepared to be with me most of the time. Naiintindihan mo ba ako?" tanong nito.
May kung ano sa tinig nito na nagdulot ng tila paghahalukay sa sikmura niya. May init ring kumalat sa ugat niya sa kakaibang tinging ipinupukol nito sa kaniya. Dahilan kaya hindi siya kaagad nakasagot.
"Jem?" untag nito sa kaniya.
Napakurap siya at napatikhim. "Kung iyon ang kailangan, then so be it. Anyway, kailangan ko ng tapusin ang binabasa kong papeles para makauwi na rin ako," aniya rito at tumalikod na.
"Okay. I'll stay with you. Kapag tapos ka na ihahatid na kita," sabi nito. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa likuran niya.
Huminga siya ng malalim. "Fine. Thank you Dillion," mahinang usal niya.
Hindi ito sumagot ngunit naramdaman niya ang kamay nito sa balikat niya at ang marahang pagpisil ng kamay nito roon. "My pleasure."
BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...