Secretly In Love - Part 22

4.6K 161 7
                                    


NAPABUNTONG hininga si Kendra nang pagpasok pa lamang niya sa Single Ladies' Buffet ay nakita na niya sa isang panig si Jolo. Tulad ng mga nakaraang araw ay nauna ito roon. Sinadya na nga niyang hapon na magpunta roon ngunit naabutan pa rin niya ito. Ang clinic naman niya ay amoy rosas na sa araw-araw na pagbibigay nito niyon.

Habang nakatingin siya rito ay kataka-takang wala siyang maramdamang inis o galit para dito. Sa halip ay pagkahapo na lamang ang nararamdaman niya. Pagod na siyang iwasan ito. Pagod na siyang magalit. Gusto na niyang isara ang bahagi ng nakaraan niya kung saan parte si Jolo.

"Kanina pa iyan nandiyan," bulong ni Hannah sa kaniya nang lumapit ito sa kaniya.

Tumingin siya rito at bahagyang ngumiti. "Ako na ang bahala. This will be the last time na makikita natin siya rito," aniya.

Mukhang naintindihan nito ang sinabi niya dahil tumango ito at kiming ngumiti. "Good luck."

Tumango siya. Pagkatapos ay muli siyang huminga ng malalim at lumakad palapit sa lalaki. Nang makita siya nito ay umaliwalas ang mukha nito at ngumiti. Hindi niya sinuklian ang ngiting iyon at umupo sa katapat nitong silya. "Akala ko hindi mo na ako maiisipang lapitan ng ganito Kendra," anito sa kaniya.

Tinitigan niya ito. "Jolo, tell me honestly, bakit mo pa ba ako nilapitan ulit makalipas ang mahabang panahon para humingi ng tawad? Are you sick or something?" derektang tanong niya.

Namilog ang mga mata nito pagkatapos ay natawa. "What? No I'm not sick. Iniisip mo ba na kaya ko itinatama ang maling ginawa ko sa iyo ay dahil mamamatay na ako?" amused na tanong nito.

"Kung ganoon bakit? Hindi ka naman ang tipo ng taong hihingi ng tawad o iisiping makipagbalikan sa babaeng naidispatya mo na," prangkang sabi niya.

Napangiwi ito. Ilang sandali bago ito sumagot. "I just grew up I guess. Alam mo iyong kasabihan na habang tumatanda ka mas lumilinaw sa alalala mo ang mga bagay na nangyari sa nakaraan mo? Iyon ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang taon. Tuwing naiisip ko kung gaano ako kagago sa iyo at ni hindi ako humingi ng tawad hindi ako mapakali. Then I could not help but think, did I ever fell in love with anyone before? At palagi ikaw ang naiisip ko. I think, what I felt for you was the closest to love. I want to be able to feel that. Kaya gusto kong itama ang maling ginawa ko at magsimulang muli kasama ka Kendra," mahabang paliwanag nito.

Napatitig siya rito. "Pinapatawad na kita Jolo." Nagliwanag ang mukha nito at akmang magsasalita ngunit mabilis niyang dinugtungan ang sinabi niya. "Pero hanggang doon na lang iyon. There is no way we could be together again. You want to fall in love but it doesn't mean that you are in love with me. Ayoko ng pumasok sa isang relasyong kulang 'non na gaya ng nangyari sa atin dati.

"Gaya mo, ang naramdaman ko sa iyo noon ay espesyal. It was close to it but it was not love. Masyado akong nasaktan noon hindi dahil mahal na mahal kita kung hindi dahil pinagkatiwalaan kita. Dinala ko ang sakit na iyon ng mahabang panahon. But I want it to end now. Gusto ko ng magmove on sa nakaraan. This time, I want to love the man I really love without the past lingering at the back of my mind. Tapusin na natin ang kung ano mang mayroon sa pagitan natin Jolo. Hindi na ako galit sa iyo. So please, stop pursuing me already," mabilis ngunit malumanay na sabi niya rito.

Hindi ito nakapagsalita at napatitig lamang sa kaniya. "So I am right," anito pagkuwan.

Bahagya siyang napakunot noo. "Anong ibig mong sabihin?" litong tanong niya.

Bumuntong hininga ito at bumagsak ang mga balikat. "Tama ako na may mahal kang iba. At kilala ko kung sino."

Natigilan siya sa sinabi nito. Nang magsalubong ang mga tingin nila ay hindi niya napigilang makaramdam ng guilt.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon