When Myra Fell In Love - Part 9

5.5K 197 8
                                    

"ROB, ako na ang magmamaneho," biglang sabi ni Arnel dahilan para mapalingon si Robin dito. Siya ang nagmamaneho at nasa passenger's seat ito. Sa likuran ay naroon si Jinky na kandong kandong si Nina. Parehong mahimbing ang tulog ng mga ito. Pauwi na sila at balak niyang ihatid muna si Arnel sa building ng Super V upang makuha nito ang kotse nito.

"Bakit?" tanong niya rito. Narealize niya na iyon ang unang salitang binitawan niya mula ng bumiyahe sila.

"Dahil baka maaksidente tayo. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak mo sa manibela. Nakakunot ang noo mo at mukhang mas madalas na wala naman sa kalsada ang atensyon mo kahit nakatingin ka sa harapan mo. You look angry at hindi magandang magmaneho ng galit," paliwanag nito.

Sa sinabi nito ay bumalik na naman ang imahe ng nakakairitang babae sa utak niya. Pati ang mga sinabi nito sa kaniya ay naririnig pa niya sa likod ng utak niya. Napabuga siya ng hangin."I really hate the way she talks. As if she could see through everything," inis na sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ni Arnel.

"Mukhang hindi ito ang unang beses na nagkita kayo nung Myra," komento nito.

Natigilan siya sa tanong nito at sinulyapan ito. Nangaarok siya nitong tinitingnan. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya kaya inalis niya ang tingin dito. "She was the reckless driver who nearly killed me."

"Really? So I was right!" bulalas nito.

"Right about what?" kunot noong tanong niya rito.

Ngumiti ito at tumango-tango. "That she was pretty. At mukhang interesting. The fact that she could drive you nuts like that at ang katotohanang hindi siya namamaluktot sa takot habang nangagalaiti ka sa galit na tulad ng lahat ng tao sa paligid mo, that is amazing! Isa pa, mas nakakamangha na nagkita na kayo dati. Isn't that what romantics call fate?" bulalas nito.

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Hindi niya gusto ang ipinupunto nito. Sa tuwina, sa loob ng limang taon ay wala ng ibang ginawa si Arnel kung hindi ang ipareha siya sa kung sino-sinong babae. Noong una ay natotolerate pa niya iyon at paminsan-minsan ay pinagbibigyan niya ang mga sineset nitong date para sa kaniya para lang masabi ng mga tao na hindi siya miserable at kaya siya nagpapakalulong sa trabaho ay dahil hindi pa siya nakakamove on sa pagkamatay ni Kathy. Pero ng tumagal at unti-unting ng bumababa ang level ng mga babaeng ipinapakilala nito ay sinaway na niya ito. He would rather be alone than hook up with shallow women.

"Hindi ko gusto ang kapupuntahan ng sasabihin mo Arnel. That woman pisses me off."

"Because she talks as if she can see through everything? Tingin ko hindi iyon ang rason bakit ka naiinis ng ganiyan Rob. Naiinis ka dahil tinatamaan ka ng mga sinasabi niya. You are bothered because for the first time after five years, you met someone who could affect you intensely like that. At sa pagsasalita pa lang niya iyan ha," sabi nito.

Napahigpit ang hawak niya sa manibela sa sinabi nito. "She is just plain nosy," giit niya.

"No. Concern lang siya. At aminin mo Rob, tama ang mga sinabi niya. Kahit ako iyon ang tingin sa nangyayari. Masyado kang focus sa trabaho at napapabayaan mo si Nina. Ako pa nga ang sumusundo sa kaniya minsan hindi ba? Tama siya na bilang nag-iisang magulang ng anak mo dapat pang dalawang tao ang atensyon at pagmamahal na ibigay mo sa kaniya. Ikaw naman ang boss ng kumpanya. Mano ba namang gawin mong alas kuwatro ng hapon ang out mo tutal maaga ka naman pumapasok? Ikaw ang sumundo kay Nina at ilaan mo ang natitirang oras mo para sa kaniya. That way, your daughter will not feel lonely. Gaya ng sabi ni Myra."

Naitikom niya ng mariin ang mga labi. Totoo na para siyang sinampal ng sabihin iyon sa kaniya ni Myra kanina. Parang bigla siya nitong binuhusan ng malamig na tubig at bigla niyang narealize na tama nga ito. He has been neglecting his child. Hindi niya intensyon iyon. Akala niya lang tama ang ginagawa niyang pagpapalaki kay Nina. Akala niya, ang siguruhing maibibigay niya rito lahat ng materyal na bagay na kailangan nito, ang masigurong ligtas at malusog ito at paminsan-minsan ay makipagbonding dito ay sapat na. Dahil sa sinabi ni Myra, narealize niya na sobrang kulang ang ginagawa niya. Pero ano bang malay niya sa tamang pagpapalaki ng anak?

Noong lumalaki siya ay ganoon ang naging pagpapalaki ng mga magulang niya sa kaniya. Nasanay siya na ang tungkulin ng isang ama ay magtrabaho para sa pamilya. Nasanay siya na ang isang ama ay nakikita lang niya tuwing day-off nito at nakakausap ng kaswal kapag may oras ito. Nasanay siyang ang madalas niyang kasama ay ang mama niya. At ng mamatay ang kaniyang ina sa heart attack ay nasa tamang edad na siya at kaya ng alagaan ang sarili niya.

Pero nakalimutan niya ang isang importanteng bagay. Na hindi lang siya nawalan ng asawa ng mamatay si Kathy pagkapanganak nito kay Nina. Nawalan din si Nina ng ina na dapat ay kasama nito sa paglaki nito. Pareho silang nawalan ng anak niya. It was not easy for him to get used to Kathy's disappearance in his life. Kaya malamang nahihirapan din si Nina na lumaki ng walang kinikilalang mommy. Pero kahit ganoon ay hindi siya hinanapan ng mommy ni Nina. Isang beses lang niyang pinaliwanag dito ang sitwasyon ay tila naintindihan na nito iyon kahit bata pa ito. "As long as I have daddy it's okay." Iyon ang sinabi sa kaniya ng anak niya ng araw na iyon. Pero nakalimutan niya iyon.

He didn't realize that until some stranger pointed that out to him. Sa loob ng limang taon, noon lang may naglakas ng loob na sabihin iyon sa kaniya!

"But still she's a stranger," wala sa loob na nasabi niya ng malakas. Ang intensyon niya ay sabihin lang iyon sa sarili niya. Awtomatiko tuloy siyang napasulyap kay Arnel.

Tulad ng hula niya ay nakangisi na ito. "Ah, madaling gawan ng paraan iyan pare. Umpisahan mo sa pagsundo kay Nina sa school. Although paminsan-minsan willing akong sunduin ang inaanak ko."

Napailing na siya at muling itinutok ang atensyon sa kalsada. Napansin niya na naroon na sila sa building ng kumpanya niya. Inihinto niya ang sasakyan sa kalsadang malapit sa parking are kung nasaan ang kotse nito. "Hindi ko gusto ang itinatakbo ng utak mo Arnel."

"Why not? I think it's a good idea. Nandito na pala tayo," sagot nito. Nabuksan na nito ang pinto at nakababa na nang muli itong yumuko at tiningnan siya. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha nito. "It's high time for you to find someone special again."

"And you presume it's her?" sarkastikong tanong niya.

Nagkibit balikat ito. "Ikaw lang ang makakasagot niyan. Though tingin ko mas kilala kita kaysa sa pagkakakilala mo sa sarili mo, ayokong ipoint out sa iyo lahat. You should discover and admit it yourself. By the way kiss Nina goodnight for me," paalam na nito at tuluyan ng isinara ang pinto.

Saglit na pinagmasdan lamang niya ito habang naglalakad ito patungo sa parking lot. Tumatakbo pa rin sa isip niya ang mga sinabi nito. Lalo na ang huling mga salita nito. Naipilig niya ang ulo at pinaandar ng muli ang sasayan. Hindi ko alam ang sagot.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon