Elocin
Hinimas ko yung pwet ko pagkatayo ko at sinamaan ng tingin si patrix. Shoget ng pangalan ng bakla nuh?"Opss, soreh! Akala ko kasi may poste e." tumawa sya saka bumaba ang tingin nya sa box na hawak ko.
Tinignan ko din sya at may box din sya'ng dala. Aba! May balak pang unahan ako!
Tinitigan ko sya at ganun din sya sakin. Nagtitigan lang kaming dalawa. Ngayon ko lang narealize na ang ganda pala ng mata nya. Kulay brown talaga ito..parang...
*dug.dug.dug.dug.*
"Ano ba yan kuya! Bat ka nagtatambol! Kuya naman e!" inis na sabi ni patrix.
"Sorry hijo, hija. Pero bagay kasi talaga kayo hehe. Tapos nagkatinginan pa kayo kaya nagtambol ako para kunwari yun yung mga tibok ng puso nyo hehe." tas ngumiti pa si kuya.
"WOAH OO NGAAA! BAGAAAY NGA SILAAA! NGAAAYON KO LANG NAREALIZE HEHEHHE."
"WAAAH BAGAY NGA SI ELOCIN AT PATRIIIIX HUWAAAH. BAGAY BAGAY BAGAY!"
"PARTEH PARTEH KOYA! BIGYAN NG JACKET SI KOYA HEHEHEHE!"
Napailing na lang ako. Mga siraulo talaga itong mga kaibigan ko! Jusme.
"Kuya naman! Tao kami hindi bagay! Kaines ka naman kuya! Alis na nga u kuya! Bahala ka dyan!" inis na sigaw ko kay kuya at natatawang umalis naman sya at nagfinger heart pa! Jusq.
Nakita ko naman si glenn na naglalakad papunta sa direksyon namin. Agad akong napangiti, hindi kasi nakikita ni patrix dahil nakatalikod sya.
Agad akong tumakbo papunta kay glenn at ngumiti. Ngumiti din sya sakin. "Glenn. I mad-ARAY!"
Pitingini talaga nentong si patrix! Binangga nanaman ako! Ansaket huhuhu.
Pero mas nagulat ako ng biglang lumapit sakin si glenn at inabot ang kamay nya.
Alam mo yung parang may mga anghel na nagliparan sa gilid nya at kumakanta ng alleluyah?
Nararamdaman ko ng nalulusaw ang panty ko! Kaya di nako nagpabebe pa at hinawakan ko na din yung kamay nya.
Para tuloy akong tanga na hindi mapigilan yung ngiti.
"Okay ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" sabi pa ni glenn at talaga kinikilig nako. Wag kang ganyan glenn at baka makagat kita, rarw.
Umiling naman ako. "O-okay lang ako glenn. Thank you."
Tinignan ko si patrix at ngumiti ng nakakaasar. Hmp. Watch and learn patrix!
"Ahm. Ano nga ba yung sinasabi mo kanina elocin?" sabi ni glenn at ngumiti pa.
"Ah eto. I made this cookies for you."
"Salamat ha?" tas ngumiti pa sya lalo.
Ano ka ngayon patrix? HUWAHAHA.
"Ah patrix. Ikaw? Ano din ba sasabihin mo?"
Nawala yung ngiti ko nung tinanong nya pa din si patrix! Kainis!
Binigay naman ni patrix yung box at ngumiti sakin na nangaasar.
Nagpasalamat din si glenn kay patrix pero sinabi nya, "Patrix, wag mo ng uulitin yon ha? Masakit yon at alam kong nasaktan si elocin." tinignan nya kaming dalawa. "Salamat. Una nako." tas ngumiti sya saka na umalis.
Tinignan ko naman si patrix at nag bleh. "1 point for elocin!"
"1 point lang yan teh. Wag masyadong pakasaya. Sakin pa din ang huling halakhak at sakin mapupunta ang korona. Watch ka bakla!" sabi ni patrix at mas nauna pang naglakad. Himala, di kasama mga prends nya!
"Omagad gurl. Ang galing mo elocin! Dabest ha!" inapiran ako ni gela.
"Sabi ko sayo, ikaw ang magwawagi. Pero alam mo, bagay talaga kayo ni patrix! Sarap bigyan ng jacket si kuya dahil sinabi nya e." -esa.
"Yuck! Mandiri ka nga esa! Hindi mo ba naririnig sinasabi mo? Ha? Kadere. Mas gusto ko pa kumain ng tae kesa maginlab ako sa chararat na baklang yon!"
"Suuuus. Kunwari paaaaa! Ngayon lang yan! Pag nagtagal maiinlab ka na din kay patrix HAHAHA." eto talaga si gela pag tumawa akala mo walang bukas e.
Patuloy lang kaming nagasaran hanggang sa makapunta na kami sa classroom namin. Agad ko naman nginitian si glenn ng makita ko sya. Classmate din kasi namin sya. Huehue.
Pero tinarayan ko naman si patrix. Ganun din sya sakin. Dito? Maiinlab ako sa baklang 'to? Yak.
Baka nga kahit dalawa na lang kaming tao sa mundo, hinding hindi ko magugustuhan yan e.
Kaya asa. Kasi never akong maiinlove kay patrix!

BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...