e 13

710 39 0
                                    

Elocin

Monday. I really hate monday!

Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa school. Ang totoo talaga lagi ako hinahatid ni mama pero ngayon ayoko.

Maaga din naman akong nagising at nakapaghanda kaya maglalakad ako.

Maganda sana ang umaga ko, actually hindi pala kasi monday ngayon pero ano basta! Jusko, bat kailangan kong magexplain?!

Pagkapunta ko sa room ay wala pang student kahit isa. Nagulat pako kasi ang daming box at letters sa upuan ni patrix.

Tinignan ko naman yon at puro love letters HAHA. Nakakareceive pala ng ganto si patrix? Well, hindi naman sya panget kasi pogi naman talaga sya lalo na kapag naging totoong lalake s-WAIT ERASE.

Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa may pinto at si patrix yon. "Matinggera ka naman ngayon? Wag mo nga'ng babasahin yan!"

Inis nyang kinuha yung mga box at letters saka nanaman umalis.

Maya maya dumating si glenn. Galit pa pala sya sakin. I mean samin. Dire-diretso lang syang umupo at may dala syang gitara ngayon.

"A-ahh, goodmorning glenn!" masiglang bati ko sa kanya.

Sandali lang din naman sya tumingin sakin saka sya ngumiti. "Goodmorning."

"May, kanta kayo mamaya? May event ba school later?"

Tinignan nya lang ako ng makahulugan saka na umupo at nagayos ng strings. Napakagat naman ako sa labi ko at napakamot pa ako sa ulo. "Ahm, glenn..ano..sorry pala sa nangyari nung nakaraan ha? Sorry talaga."

Tinignan ko sya pero hindi nya ako pinapansin. Napapout naman ako. "Ita-try ko na makipagayos kay patrix..glenn. Pero susubukan ko la-glenn? Ano yang ginagawa mo?"

Natigil sya sa pagngiti ngiti at pagtalon talon. Tingini, ano kayang nangyayari kay glenn?

"Sorry pero natuwa lang ako." niyakap nya ako. NIYAKAP?! "Masaya kasi ako na hindi na kayo magaaway ni patrix. Mas maganda yon." humiwalay na sya saka sya ngumiti.

Napangiti na din ako. Jongono. Sana lang talaga hindi kami magaway ni patrix pag nasa harapan namin si glenn.

Nang natapos ang mala nakakasukang rainbow eksena namin ni glenn ay nagklase na din. At himala, wala ang mga kaibigan kong bogsa! Saan naman kaya nagpunta yon?

Kaya nung nagrecess ay agad akong tumayo at pumunta sa stage. Aba, nandon nga sila! "Hoy! Ano yang ginagawa nyo?!"

"Oy elocin! Hehehe. Ansayang hindi magklase!" -gela.

"Mga loka! Bat hindi kayo pumasok ha?!"

"Dapat isasama ka namin kaso sabi ni mam kaming tatlo na lang!" -jhane.

"Busy ka kasi kakaawra kay glenn kaya ganyan! Hmp." -esa.

Napairap na lang ako. "So anong gusto nyo sabihin na kinakalimutan ko na kayo? Ganurn? Hindi kaya!"

Di sila tumingin sakin at talagang nag make face pa! Aba! Ang mga loka! Di uubra sakin yan! "Tigil tigilan nyo ako dyan ha? Jusko, alam na alam ko na yan! Sa 4 years na magpreprendship tayo di nyo na ako maloloko."

Hindi nanaman sila nagsalita. Napairap nanaman ako. "Oh, tsk. Ano ba gusto nyo? Libre ko na, nakakahiya e."

"Oy sabi mo yan ha? Libre ha. Libre. Oh guys ayan na hehehe." ang creepy nanaman ng tawa ni gela tsk.

"Hehehehe. Sabi mo yan elocin ah! Walang bawian!" -esa.

"Ang galeng talaga namin hehehehe. Oh tara na, ice cream lang sakin!" -jhane.

Mga siraulo 'tong mga 'to pero parang hindi ko din kakayanin na mawala sila. Corny pero totoo.








"Heeeeeey goodmorning everyone! I am happy to announce that we are having a pageant, it calls ecorampa. So are you all familiar in ecorampa right? You will use recycled materials for your costumes. And every grade and section are need two candidates. A man and a woman. So, who is your candidate here?"

"SI ELOCIN SIR HEHEHEHWHEHW."

"OO NGA SIR SI ELOCIN!"

"GOO ELOCIN PAYTING BUBZ"

Nakailang saway pa ako sa mga beshie ko kaso parang sinangayunan na sila at ako na ang pinili. Tungunu naman! I hate pageants talaga!

"Okay. Elocin for your miss candidate. How about mr.?"

"SI PATRIX PO SIR AHUEHUE!"

"BAGAY PO SILA KAHIT TAO SILA HUEHUE!"

"LALAKI PO BUBZ KO KAPAG SILANG DALAWA!"

Andami na nagsisigawan at inaasar na kaming dalawa ni patrix. Tinaas ko naman ang kamay ko, "Sir. Pwedeng si glenn na lang kapartner ko?"

"It depends on you and your classmates. So who do you think will suit as a partner of elocin? Mr. Patrix or Mr. Glenn?"

Halos maiyak naman ako ng si patrix ang sinasabi nila. Kaya sa huli, kami din ang ginawang candidate.

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon