e 32

655 35 3
                                    

Elocin

Gusto kong mabwiset dahil sa dami ng pinadala sakin ni mam. Ni hindi man lang din nagabalang magutos pa ng isang estudyante.

Hindi na ako magkaundagaga sa kakadala dahil nasa 3rd floor pa ang esp faculty. Kung minamalas ka nga naman dahil wala masyadong estudyante ang nasa corridor kasi nga may klase!

Napapaiyak nako sa sobrang bigat, sana naman at hindi ko mabitawan 'toh diba? Mas mahihirapan ako e huhuhu.

Nagulat na lang ako ng may kumuha ng kalahating papers na dala ko. At ang mas nakakagulat pa ay si glenn yon! Naka half smile sya kaya kengene malulusaw nanaman panty ko hays.

"Oh? Ikaw pala glenn, thank you." napangiti agad ako.

"Anything for you." sabi nya saka sumabay sakin sa paglalakad.

"Bakit nga pala nandito ka? May klase tayo ah? Depende na lang kung absent si sir?" sabi ko at palihim na nagdadasal din na sana absent si sir kasi may recitation kame grAaaaaw.

"Hmm. Nandon si sir e," agad na nanlumo ako. "Nagpaalam lang ako na magc-cr pero ang totoo talaga susundan kita."

Agad akong natigil, "Why?"

Medyo natawa naman sya. "Alam ko kasing marami kang dala at ikaw lang ang pinagdala ni mam. Ayokong nahihirapan ka so i choose to help you."

Napatingin ako sa likod nyang nauna saken. Holaaaaaa watdaaaa f?! Sure ba eooon?! Parang hindi na ako makapagisip. Sumunod sya kasi alam nyang mahihirapan ako at gusto nya akong tulungan?! Omagad! Pakisampal naman ako pwede oh!

"Hey! Elocin! Natulala ka na dyan."

Agad akong sumunod sa kanya at nanahimik na lang kami hanggang sa makapunta kami sa faculty. Nagulat pa si mam ng makita nya si glenn at nagpasalamat din.

Sabay kaming naglalakad papunta sa classroom. Sa totoo lang ayokong magassume. Pero sa mga ginagawa sakin ni glenn parang hindi ko mapigilan huhu. Bakit kasi ganon?! Aasa lang ako e.

"Are you free this sat?" sinabi ni glenn yun ng hindi nakatingin sakin kundi sa phone nya.

Kaya inakala ko na hindi ako ang kausap nya kahit kami lang naman dalawa dito sa corridor. Medyo baliw ako pero kayo din naman e. Walang connect diba? Oh bahala ka basta kasama ko krass ko dito hehe?

"Elocin? Are you okay?" tinignan ko si glenn na nakatingin sakin. Ngumiti sya, "It's okay if you're not free this sat. Maybe next-"

"No! I mean, free naman ako hehehe. Bakit?"

Umiwas sya ng tingin sakin. "Wala. Chill lang tayo? Nood tayo sine?"

Omoooo kengene this is it talaga beh. Date na din yon diba? Hindi ko tuloy mapigilan yung ngiti ko. Di nako magtataka kung mawasak ako i mean mawasak yung labi ko hehehehehe. Agad naman akong tumango, "Sure."

Nang makapasok kami sa classroom ay wala na si sir. Ibig sabihin ba non e ganon kami katagal na lumalakad ni glenn? Duh, sa corridor lang naman kami naglalakad ha? Bat ang aga mawala ni sir? Pero oke lang yon, ligtas sa recitation hihiz.

Nakita ko naman si blyne na simpleng nakatingin sa kawalan. Hindi ganun kagulo ang mga classmates ko. May kanya kanya nga lang mundo. Samantala si patrix naman ay nakatingin sakin. Medyo nagulat pako pero ako din ang nagbawi ng tingin.

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon