e 31

630 34 2
                                    

Elocin

Nilibot ko ang paningin sa buong cr nila patrix. Hindi naman ganon kalaki pero hindi naman din ganon kaliit. Pero kumpleto! May tub, shower. May sink din tapos may salamin na pabilog.

Nakatiles din ang dingding saka yung sahig. Ganto din naman cr namin kaso hindi pa pinalalagyan ng bath tub.

Agad kong hinubad yung uniform ko saka ako pumunta sa bath tub at binuksan ang shower. Lamig ha!

Ilang saglit pa, nawala na yung lagkit sa katawan ko dulot ng frappe. Tinadtad ko din ng shampoo yung buhok ko. At wai ako pake kahit maubos ang shampoo nila patrix. Ang kaso nga lang, wala pala akong tuwalya. Oh noOooo.

"AAAAAAH! ADIK KA PATRIX!" agad kong naitakip sa katawan ko yung kurtina na nasa bath tub.

Lumaki din ang mata nya at pabatong naihagis yung twalya saka nagmamadaling lumabas. Dahil sa pagmamadali nya nadulas pa sya. Agad syang napamura at napahawak sa pwet nya. "Aray! My precious pwet! Pitingini!" kahit nasasaktan pilit syang tumayo at lumabas.

Kundi ba naman adik kase, bakit pumasok sa cr ng walang paalam. Agad kong tinapis yung twalya sakin saka din lumabas. Malamang wala akong damit e. Di naman siguro pagiinteresan ni patrix ang katawan ko. Beki naman sya.

Nakita ko syang nakaupo sa sofa at may hawak na ngang damit. Tinignan nya ako ulo hanggang paa. Nahiya naman ako bigla, parang tanga naman kasi.

Nagiwas sya ng tingin at agad na binigay sakin ang damit. Dali dali akong pumasok sa cr at sinuot yon.

Nang lumabas ako ay nakita ko si patrix na may ginagawa sa kusina. Umupo na lang ako sa sofa. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para makita yung kabuuan ng bahay nila. Maganda. Puro puti ang kulay na may sinamang black at brown. Nakakarelax ang kulay hehe.

"Oh." biglaang binigay sakin ni patrix ang orange juice. Saka sya umupo sa katapat ko. "Tinitingin-tingin mo ha?"

Agad akong sumimangot. "Hoy, kung labag sa kalooban mong nandito ako. Aalis ako."

"Kung labag sa kalooban ko yon, hindi ka na dapat nakapasok dito."

"Okay. Pero pano ka nga nakalabas? Nagpaalam ka din kay sir?"

Tinarayan nya ako. "The power of boo nga! Adik ka din gurl ano?"

"Wawerz ka ah! Saka ano nga pala, bakit ganon sayo si boo? I mean, blyne hehehe."

"Anong ganon?"

"E yun bang lagi nakabuntot sayo. Tapos parang patay na patay sayo! Saka parang matagal na kayong magkakilala."

"Bat selos ka?" agad sumama ang mukha ko sa tanong nya. "Chareng. Matagal naman na kaming magkakilala. Childhood friend ko nga yon e."

Napatango na lang ako saka ininom yung orange juice.

"Okay naman sana ang lahat kaso, nagkagusto sya sakin e. Naging akward tuloy." biglaang sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya. "Simula nang ipanganak kami e, friends na kami. Kaso nung dumating ang highschool, nagustuhan nya ako. Dahil sa ayaw ko syang masaktan kasi nga nararamdaman ko ng beki ako e umiwas ako. Kaya ayown, naging broken hearted ang gaga."

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon