e 47

375 23 0
                                    

elocin

"Hinayupak talaga teacher natin 'no? Alam na may event na mangyayari sa fourteen kaya dami na binigay na gagawin! Solid utak ni sir e 'no." natawa kami sa sinabi ni esa.





Ang dami nanaman kasing binigay samin ni sir, teacher namin sa AP. Kj talaga yun, talagang ganun! Pano wala lovelife kaya ganurn.





Dahil madami pa pinapatapos samin si sir, agad na kami nagsi-uwian. Naghihintay ako ng tric sa may waiting shed. Di ko kasama si esa kasi sinundo sya ng papa nya at magm-mall pala sila ng fam nya.





Nakakuha rin naman agad ako ng tric pero nagpababa ako sa mini stop. Malapit na lang din naman 'to sa subdivision namin at onting lakad na lang naman gagawin ko.





Nagc-crave kasi ako sa Kariman na choco flavor huhu. Bibili ako apat mwehehe. Syempre pagpasok ko bumili nako saka umupo muna don sa mga upuan at don na kumain. Nag-earphone lang din ako habang hinihipan yung kariman ko dahil mainit pa.





Nakita kong pumasok si patrix pero di naman nya ako pinansin. Dumiretso sya don sa may lagayan ng mga chips at kumuha don saka ng ice cream. Nakapam-bahay na sya, mas nauna ayang umuwi sakin.





Tinanggal ko na yung earphone ko at inayos na yung natira kong kariman at nilagay yon sa bag ko. Dahan dahan ako lumabas at saka nag-abang kay patrix.





Nagulat sya agad nang makita ako at tinaasan ako ng kilay. Naka white shirt sya at saka black shorts tapos naka-tsinelas lang din. Naka salamin pa, wow!





Dala dala nya yung paper bag at agad lumampas sakin. Sumunod naman ako sa likod nya. "Hoy patrix!" pero di sya tumigil kaya agad ko hinawakan ang braso nya. Tumigil sya at tumingin sakin kaya ngumiti ako. "Gusto mo kariman?"





Umiling sya saka tinaas ang paper bag, "May kakainin nako, ayoko ng kariman." iniwas nya ang braso nya at nauna na ulit maglakad. Agad ko naman sya hinabol kaya nung huminto sya nauntog ako sa likod nya. Humarap sya sakin, "Ano bang problema mo?"





"Bakit moko iniiwasan?" sabi ko saka dinuro pa sya.





Natawa naman sya, "Hindi ba sabi mo ginugulo ko ang utak at damdamin mo! Kaya nga di nako nalapit sayo, tanga tanga."





Agad kumunot ang noo ko, "Anong tanga tanga? Saka tinatanong ko nga pa kung ano yung 'magugustuhan moko' thingy!"





Natigilan naman sya. Saka tumawa, "Ayun ba? Kalimutan mo na yon!" saka sya sumimangot.





Hindi nako nakapagsalita kaya lumakad na ulit sya at agad ko syang hinabol ulit. Pinabayaan nya na ako maglakad katabi nya.





Tahimik lang kaming dalawa at kinuha ko na lanh yung kariman sa bag ko at kinain yun habang naglalakad kami. Nginuya ko muna yun hanggang sa malunok ko saka tumingin kay patrix na nakatingin na pala sakin. "Bakit moko hinalikan?" diretsang sabi ko.





Umiwas sya ng tingin. "Wala, experiment."





Experiment?! Napatigil agad ako sa paglalakad kaya tumigil din sya at tinignan ako. "Anong experiment ang sinasabi mo dyan!"





Nagkabit-balikat naman sya, "Puro lalake lang nahalikan ko, so triny ko manghalik ng babae." mayabang na sabi nya kaya agad nag-init ang ulo ko. Akala ko pa naman...ano....akala ko gusto nya talaga ako!





"E bakit hindi si blyne?"






"Sawa nako." bored na sabi nya saka ngumiti ng nakakaloko.





Agad tumabingi ang mukha nya nung sinampal ko sya. Nagulat din ako sa ginawa ko pero naiinis ako! Kitang-kita ko ang pamumula non. Tinignan nya ako kaya dali dali nakong tumakbo.





Nang makapasok sa bahay dali dali ko nilock ang pinto. Wala na lagi si mama sa bahay kasi busy na sya sa business nya. So ako na lang lagi dito mag-isa.





Nakakabwiset si patrix! Hinalikan lang nya ako para sa ganun?! Dahil gusto nya lang mag-experiment at nagsasawa lang sya?! Gago!





Nagpalit nako ng damit at saka bumaba para kumain. Nakakainis ka talaga patrix! Bwiset ka! Mabulunan ka sana tanga ka!





Pagkatapos ko kumain, agad ko na ginawa yung mga activities na pinapagawa ni sir para wala nako aalalahanin. Madadali lang naman ang mga 'to, kaso marami ka nga lang isusulat at kailangan mo pa i-ubod.





Nang matapos ako ay nag-unat ako, napatingin ako sa may bintana at nakita si patrix na nakatingin sakin. Agad kong sinarado yung kurtina at naisip ko yung ginawa ko sa kanya. Sinampal ko pala sya!





Okay lang yon, deserve nya yun hmp. Kakainis. Inis na bumaba nako at nagtingin sa ref kung anong pwedeng lutuin. Gusto ko ng nuggets kaso wala naman nuggets sa ref.






Kaya agad nakong lumabas at bibili na lang ako sa may tindahan. Pero nakakainis nga naman at sakto rin lumabas si patrix. Saglit pa syang napatingin sakin, agad ko syang inirapan saka na naglakad.






Malapit sa park yung tindahan kaya malapit-lapit lang. Tumingin ako sa likod at nabwiset ako ng makita si patrix. "Bat moko sinusundan ha?" tumigil ako sa paglalakad saka sya tinignan.






Kumunot ang noo nya, "Ha?"






"Sabi k-"






"Hotdog."






Agad akong nainis dahil sa sinabi nya. Masama ko syang tinignan kaya inirapan nya lang din ako.






"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan bumili dito? Bibili ako ng hotdog!" sabi nya saka mas nauna na maglakad sakin.






Inirapan ko sya kahit di na nya makikita yun kaya lumakad na lang din ako. Nakabili na sya kaya mas nauna na syang naglakad pabalik. Bumili nako ng nuggets at umuwi na samin para lutuin yon, malamang tignan ko lang diba?!






After ko kumain, tinext ko na si mama para magsabi sa kanya na kumain na sya at kumain nako.






Nanonood na lang ako ng may kumatok. Sino nanaman kaya yan? Si mama na ba yun?






Agad kong inayos ang sarili ko at saka binuksan ang pinto. Bored na patrix ang nakita ko sa may tapat ng pinto at may hawak na spaghetti at shanghai, kaya pala bumili sya ng hotdog HAHAHA.






"Sino may birthday?"






Agad nya akong inirapan. Attitude ampotek, "Walang may birthday! Nagluto lang si ate at dahil may tira-tira naisipan kong ibigay na lang sayo." saka sya tumawa ng nakakaloko.






Agad nag-init ang ulo ko, "Ulol!" sabi ko at binatukan sya, tumingkayad pa ako para maabot ko ang ulo nya. Wala syang palag kasi nga hawak nya yung plato.






Ako naman ang tumawa nang makita ko kung gano sya nabwiset sakin. Sinamaan nya ako nang tingin, ibinigay nya sakin yung plato. "Gagantihan kita!"















enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon