e 49

444 24 2
                                    

elocin

Agad tumawa si patrix dahil sa sinabi ko. Pagkatapos kong bigyan ng tubig si glenn, agad ko syang sinugod at sinabunutan. At dahil naka-upo sya, mas madali ko nagawa yun. "Baliw ka talaga! Siraulo! Bat ka natawa ha?!"




"Aray! Bitawan mo nga ako! Masakit ano ba!"




Agad naman ako inawat ni glenn saka ako pina-upo sa may sofa at saka ako binigyan ng tubig. "Kumalma ka elocin."




Huminga ako ng malalim at saka masamang tinignan si patrix. "Oh? Bat ang sama ng tingin mo sakin? Parang di ka nagr-" hindi natuloy yung sasabihin nya ng agad ko syang binato ng unan.




Sumama ang tingin nya sakin saka rin binato yung unan pabalik sakin. Nagsamaan lang kami ng tingin, nagulat ako nang hawakan ni glenn ang kamay ko at umupo sa tabi ko. Ngumiti sya sakin, "Talo na."




Kumunot naman ang noo ko, "Ha? Anong talo glenn?"




Umiling sya saka ako hinalikan sa noo. Ngumiti na lang din ako sa kanya kahit ang weird nya.




"Hoy! Anong akala nyo nasa pelikula kayo? Artista ang peg nyo?" epal nanaman si patrix kingina! "Saka sa noo lang glenn? Hays." nagkunwari pa syang humawak sa dibdib nya at nanghihinayang kunwari.




Kumukulo nanaman ang dugo ko sa walangyang 'to, bwiset talaga. "Umalis kana nga dito!"




Tumayos na si glenn, "Una na rin ako elocin. Ingat ka dito."




Tumayo naman ako agad at hinatid si glenn sa labas, nakasunod samin si patrix. Kumaway ako sa kanya at ganun din sya sakin. Nang mawala sya, agad ko sinamaan ng tingin si patrix. "Umalis kana rin, umuwi kana sa inyo."




"Wag ganun elocin, namamangka ka sa dalawang ilog. Nagseselos ako." sabi nya saka dali-dali umalis.




N-nag seselos? Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Ginugulo nya talaga ang isip ko kingina!
























February thirteen ngayon. Bukas may event kaya nagdedesign lang kami ng classroom.




"Elociiiiin, magcoconfess ka ba ulit kay glenn? Or sasagutin mo na sya para mag-jowaerz na kayo!" inalog pa ako ni jhane kaya muntik na akong mahulog sa upuan dahil nakapatong ako don at may kinakabit sa may dingding.




"Kingina mo jhane! Pag ako nabagok, hindi kita papatahimikin!" inirapan ko sya at agad naman sya tumawa.




Si esa naggugupit ng color papers, si gela naman nagcocolor. At kaming dalawa ni jhane ang nagdidikit.




"Hindi mo nga sinagot yung tanong ko elocin." nalulungkot kunwari na sabi ni jhane.




"Baka di na nya crushie si glenn, si patrix na raw." agad ko sinamaan ng tingin si esa at nagkunwaring nasusuka.




"Nasunga pa nga." sabi ni esa saka tumawa.




Agad kami natigil sa ginagawa namin ng lumapit si patrix, "Hoy panget!"




enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon