Elocin
"OMAGAAD SI ELOCIN AT PATRIX NAGHAHALIKAAAAAAN WAH!"
Agad kong naitulak si patrix at napatayo. Kainis patrix! Hinalikan ba naman ako sa pisngi?! Qaqu talaga!
"Hindi kami naghahalikan ah! Siraulo ka gela!" tinignan ko naman si glenn na nakatingin kay patrix.
"Eh ano yung nakita namen? Sinuko mo na ba ang vcard mo elocin?! Huhu."
"Ano bang pinagsasabi mo jhane?! Kadiri ka! Kay glenn lang ako! Glenn, maniwala ka, hindi kami nagkikiss ni patrix!"
"Yiiie." yan lang nakuha kong sagot kay glenn. Nakakainis talaga!
"Tigilan nyo na nga yan! Alam nyo naman na mahilig magdeny yang dalawa na yan e. O tara kain na lang tayooo." biglaang sabi ni esa saka kinuha yung chips at kinain.
Huramap ako kay patrix, "Bat mo kasi ginawa yon ha?! Bakla ka talaga!"
"Nabigla din ako duh! Saka kasalanan ko ba?! Sabi mo, gumawa ako ng paraan para mawala yang hapdi sa pisngi mo!" sabi nya saka inis na sinabunutan na yung sarili nya.
"Woah! Sa tingin mo mawawala yung hapdi paghinalikan mo pisngi ko?! Ano yon?! May powers yang lips mo?! Baliw!"
Sandali syang tumahimik saka nya kinagat yung ibabang labi nya tas tumingin sakin. Teka, bat ang fogi nya dyan? ANO BA ELOCIN!
"Ganto..kaya ko kiniss yang pisngi mo kase...kase...ahh.." pumikit sya, "Kasi ganyan ginagawa ko sa mga baby! Para mawala yung sakit ikikiss ko."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"HUWAW NAMAN PALA PATRIX HAJAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"OSIGE PUSH MO YAN TEA, NESTEA MILKTEA GEGEGEGE"
Kung sila natatawa, ako naiinis! "Anong akala mo sakin ha?! Baby?! Qaqo!"
Agad ko syang dinambahan at natumba nanaman kami. Pinagpapalo ko lang sya habang nakaharang yung dalawa nyang braso.
Agad na hinatak ako ni esa. "Kalma ka fren! Kaya ka nawawalan ng bubz eh!"
Mas nainis ako ng si glenn ang tumulong kay patrix. Malandi ka talagang bakla ka grrrrr!
"Lagi na lang kayo nagaaway. Di na ako magtataka kung maiinlove kayo sa isat-isa." bored na sabi ni jhane.
Lumaki naman ang mata ko sa sinabi ni jhane, "Ano naman connect non kung nagaaway kami?! Pagnagaaway nagkakainlaban ganern?!"
Sumubo muna sya ng ice cream nya saka tumango, "Oo! Malaking oo! Malaking check! Lahat ng napapanood kong drama, ganyan na ganyan sa inyo hehehez."
"Bakit nasa drama ba kami ha?! Wala naman kami sa drama, raulo." umupo na lang ako sa may sofa saka inayos ang buhok ko.
Wala talagang araw na hindi ako maiinis kapag kasama ko 'tong si patrix e. Grrr.
Tinignan ko silang dalawa ni glenn, at parehas silang nagtatawanan nanaman. Ano kayang nakakatawa?!
"Oy movie marathon na tayoooo mga guysuuue! Ano nang gusto nyong movie?" sabi ni gela habang sinisipsip yung mga daliri nya. Hay nako.
"Love story tayoooo hihiz." sabi ni esa tas bumalik ulit sa pagpicture nya sa mga pagkain.
"Wag na lovestory. Lagi na lang ganon, horror na lang tayoo." sabi naman ni jhane.
"Osige. Kayo elocin? Glenn? Patrix? Wala ba kayong gusto panoorin?"
Umiling ako. Bahala na sila magdecide. Tinatamad din naman ako manood tsk.
"Botohan na lang. Sino gusto ng anime? Ako! Ako!" agad tinaas ni gela yung kamay nya at agad ding binaba. "Hehehehe sabi ko nga ayaw nyo. Love story na nga lang tas horror tayooo!"
"Love story muna."
"Horror muna."
Agad akong napapikit sa inis. Sabay nanaman kasi kami nagsalita ni patrix.
"Horror muna patrix. Horror." saka ko sinamaan ng tingin si patrix.
"Love story muna elocin. Love story." saka nya ako tinaasan ng kilay.
Naiinis nanaman ako, bwiset talaga! Sige lang patrix, galing mo mambwiset ha?!
"Sabi ng horror e! Hilig nyo sa love story! Di na nagsawa."
"Ahh. Alam ko na, horror na lang unahin natin kasi kamaganak nya yung mga multo don."
"HAHAHAHAHAHAHAHA OO NGA! TUMPAK!"
"GALENG PATRIX! PUSH MO YAN! HAHAAAHA HATAW!"
"WOAAAAH HAHAHAHAHA KAMAG ANAK PALA E!"
Wala talagang dulot 'tong mga kaibigan ko. Sarap sungalngalin ng mga bunganga e.
Di na lang ako nagsalita tas tumakbo ako palabas. Nakakainis talaga! Naiinis ako super!
"Elociin san ka pupunta?!"
Kabisado ko naman 'tong subdivision nila gela kaya okay lang. Pumunta na lang ako sa playgroudn saka don ko binuhos lahat ng inis ko.
Nanggigil na talaga ako whooo! Gusto ko manapak na ewan!
Dahil sa inis ko, naiyak na lang ako. Nanggigil talaga ako!
Hanggang sa may kamay na may hawak na panyo ang nakita ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/124224306-288-k520905.jpg)
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...