e 35

629 32 0
                                    

Elocin

Parang ayokong bumangon dahil sat ngayon. Parang gusto kong magpretend na may sakit na lang.

"Eloooooocin. Gising na anak? Anong oras na oh. Bahala ka dyan." narinig kong sabi ni mama at mas niyugyog pako.

"Oo, tatayo nako ma.."

Umalis din si mama pagkatapos. Naghilamos naman ako at nagsuklay ng buhok. Tinignan ko muna yung bahay nila patrix mula sa bintana saka nako bumaba.

Napapansin ni mama yung pagiging matamlay ko. Hindi nga lang sya nagtatanong at nagpapasalamat ako don.

"Ah, elocin. Nakakuha nako ng place para sa gagawin kong business. Tulungan mokong magayos mamaya?"

Ngumiti ako. "May lakad ako mamaya ma eh? Pwede bukas?"

Tumango na lang si mama saka nagpatuloy sa pagkain. Naglinis, gumawa ako ng ass. At diko namamalayan na 2 na ng hapon. Gad, bat sobrang bilis ng oras?

Naligo nako saka nagbihis at tumulala na lang sa salamin. Naka skinny jeans lang ako saka jacket with hood. Mukha kasing uulan at lamigin ako kaya nagjacket ako.


"Elocin, may humahanap sayo!" rinig kong sigaw ni mama.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at parang tanga'ng ngumiti don bago bumaba. Sinalubong ako ni mama na may makahulugan tingin. Kiniss ko sya sa pisngi saka nako lumabas.

"Hey." ngumiti ng pagkalaki-laki si glenn. Syet, bat parang lalabas yung puso ko sa katawan ko? Enebe.

Nang papalapit kami sa bahay ni patrix ay pinigilan nya ako, "Are you sure about this?"

Kumunot ang noo ko, "Oo naman. Bakit? Ayaw mo bang kasama sya...?" medyo pabulong ko ng sabi.

"Masama na siguro ako pero oo? Gusto kitang ma-solo." ano ba 'tong nangyayari kay glenn?! Dapaaaaaaak!

"Pero bakit? Parang dati lang close na close kayo ha? Halos tuwing makikita kita magkasama kayo." gusto kong sampalin yung sarili ko.

"Why? Akala ko ba ayaw mo ng ganun? Gusto mo ba talagang isama natin sya?" tinignan nya akong mabuti. Nakagat ko na yung labi ko. Potang, boy abunda is that u?

Nagisip pako ng ilang sandali at tinignan ang bahay nila patrix. Gusto ko din na kaming dalawa lang ni glenn pero parang may tumututol and that's weird.

"Okay then. I think silence means yes," agad ko syang pinigilan. Umiling ako at ngumiti.

Nagpara ako ng tricycle. Wala akong imik basta hinila ko na lang sya sa loob. At nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang half smile at pagtataka nya sakin. Napabuntong hininga na lang ako.

Pagkapunta namin don ay ginawa na namin kung ano yung sinabi ni glenn. Nagsine, kumain, nagarcades. At libre nya lahat yon.

I should be happy right? Dapat nararamdaman ko yung kilig pero why? Parang may pumipigil sakin na maging masaya at kiligin. Omagash, why is this happening to me?!

"Are you okay?" pagkababa namin ng tricycle ay agad na nagsalita si glenn.

"Yes. I'm fine." pinilit kong ngumiti, seryoso pero hindi ko talaga kaya huhu.

"You are not fine." bumuntong hininga sya. Luh, anong isasagot q?! Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa kaba, teka bat kinakabahan ako?! "Dahil wala si patrix kaya ka nagkakaganyan?"

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon