e 37

628 33 7
                                    

Elocin

Nagdaan ang ilang buwan at hindi ako pinansin simula non ni patrix. I don't know pero hindi nya ako kinakausap. Si blyne lang ang lagi nyang kasama at medyo nainis ako don.

Si glenn naman ay hatid sundo ako. Hindi ko alam pero alam kong nagbibigay na sya ng motibo. Gusto na din nya ako pero hindi ko na maramdaman na gusto kong sumuka ng rainbow, glitters or what.

Kasalukuyang naguusap kami for the chrismast party tomorrow. Ang theme namin is korean fashion. Ang dami kasing nagsuggest.

Wala na kaming masyadong ginagawa at nakatulala na lang sa mga nagdedecorate. Ayoko ng makigulo don. Nandon din kasi si esa at gela habang si jhane nasa labas at bumili nanaman siguro ng pagkain.

"Okay ka lang?" tumabi sakin si glenn at ngumiti lang ako. Binigyan nya ako ng fries. "For you."

"Hmm, thanks!" kinuha ko yon at nilagay muna sa table ko, wala akong gana kumain.

"Uhm, hindi nga pala kita maihahatid mamaya? Birthday kasi nung pinsan ko so kailangan kong pumunta don. Is it okay to you? Ihahatid muna kita if you want."

Umiling ako. "Uh, hindi na. Okay lang ako, malaki naman nako so kaya kong umuwi magisa."

Tinignan nya ako saka sya ngumiti. "Okay." hinalikan nya ako sa sentido. Tumayo naman sya saka nagpaalam sakin na tinatawag sya ng kaibigan nya. Sakto namang tumama ang tingin ko kay patrix na nakatulala lang habang si blyne may kinukwento sa kanya. Napairap na lang ako.

"Uy! Nakita ko yon! May pahalik ha! Nako, di ba talaga nanliligaw yon si glenn?" bungad sakin ni gela.

"Don't trust him too much elocin baka masaktan ka." sabi naman ni esa saka umupo sa tabi ko.

"Duh! Ang bitter mo!" umirap si gela saka sya umupo sa harap ko at nagsimula ng magcellphone.

"Seryoso 'to ha. Anong meron sa inyo ni glenn? Halos 2 months na may ganyang treatment sya sayo ah." mataray na sabi ni esa.

Tumawa ako. "Wala nga. Wala naman kami and hindi naman sya nanliligaw. Come on guys!"

"Ano? Come on guys, it's 2018? Ano nadine lustre lang?"

"Promise, di kami ni glenn okay? Hindi ko naman ililihim if ever diba?"

Tinignan ako ni gela, "Kinikilig ka nuh?"

Tumango na lang ako kahit hindi. Nagtilian naman silang dalawa, "Bagay kayo kahit tao kayo! Yaks iiih HAHAHAHA."

This days are so weird, hindi ko din magets sarili ko. Diba dapat kinikilig ako? Bakit parang hindi ako kinikilig? Ugh, i hate this.

Natapos na nila akong asarin at pwede na kaming gumala. Sa loob lang naman ng school, halos lahat walang ginagawa dahil chrismast party naman na bukas.

Papunta kami ng ground dahil magpipicture daw sila don. PangDP daw sa facebook saka ig. Sumunod na lang ako sa kanila kasi gusto ko din magpictorial hehehe.

Umupo muna ako sa may stage at saka sila nagsimulang magpicture. Nakakatawa pa yung ibang post nila at mamatay na kami kakatawa. Talsikan na nga kami laway e.

"Oh! Si elocin naman!"

Lumapit na lang ako at nagpose, nung una ay matino pa hanggang sa ang panget na. Tawa lang kami ng tawa.

"Uy patrix! Halika, gusto mo sumama dito? Nagpipicture kami!"

Agad nawala ang tawa at ngiti ko ng makita si patrix. Kumalabog ng husto ang puso ko, dafck, ano ba 'tong nangyayari sakin? Nilingon ko yung mga babaeng nagtatambol sa lamesa at thanks god kasi alam kong yun lang ang narinig ko.

"Uh, no thanks." tumingin sakin si patrix saka sa mga kaibigan ko.

"Ay baket? Ayaw mo? Duh, sayang oppurtunity. Pupunuin pa naman namin storage ni gela." - jhane.

"Gaga ka ah! Buburahin ko yang mukha mo dyan!" inis na sigaw ni gela.

Habang nagbabangayan si gela at jhane, si esa naman ay nasa cellphone nya. At si patrix, uhh, uhm, nakatingin na sakin ngayon. Yumuko ako, di kaya mga ineng.

"Pwede na ba akong umalis?" biglaang sabi nya.

Hindi ko alam kung ako ba ang sasagot o hindi, thanks god kasi si jhane ang sumagot. "OO PATRIX ALIS NA! NAKAKAINIS KA TALAGA GELA! LAGI TUMATALSIK LAWAY MO!"

Tinignan muna ako ni patrix saka sya umalis. Hinayaan ko muna syang makalayo, "Uy guys! Punta lang ako cr!" hindi naman nila ako pinansin kaya dali dali akong sumunod kay patrix.

Hinihingal pako ng hablutin ko ang braso nya. "Patrix!"

Lumaki ang mata nya pero agad din syang nakabawi at tinignan ako na may blankong itsura. Napalunok naman ako at ilang sandali kaming natihimik. Tinignan nya yung kamay ko na nasa braso nya kaya agad ko yun tinanggal, "S-sorry."

Huminga sya ng malalim, "May kailangan ka?"

Nakagat ko yung labi ko at umiling.

"Okay...una nako ha?" pero mukhang nainis naman sya ng pigilan ko sya. "Bakit ba? Sabihin mo na kasi. Nasasayang oras ko."

Nangilid agad ang luha ko, jusko, ano bang nangyayari sakin? Bakit ako naiiyak, kingina elocin! Pumikit ako saka sya tinignan, "B-bakit...ano...b-bakit..."

"Bakit ano?" ngumiwi sya saka umirap.

"Bakit di moko pinapansin? Bakit moko iniwasan?" sa wakas! Nasabi ko din.

Unti-unting nagbago ang itsura nya, umiwas sya ng tingin saka tumalikod sakin kaya agad kong hinawakan yung braso nya at pinaharap sakin, "Sagutin moko patrix! Wag kang bastos ah."

Hinawi nya yung kamay ko sa braso. Nakagat ko na lang ang labi ko, nakakainis! Bat ba naiiyak ako sa ginagawa nya?

"Gusto mong sagutin ko yung tanong mo? Bat ako umiwas? Bat di kita pinapansin? Diba yon naman ang gusto mo? Para walang hahadlang na sa pagkakagusto mo kay glenn. Yun naman ang gusto mo sa simula pa lang kaya pinagbigyan kita."

"Pero ayoko!" nagulat din ako sa sarili ko ng sinabi ko yon kaya umiling ako, "Bat naging ganon kayo ni glenn? Halos dati, close na close kayo ah! Bakit parang nawala?"

Nakagat nya yung labi nya sa inis. "Ano bang pinupunto mo?! Hindi kita maintindihan e. Diba gusto mo'to? Gusto mo mangyari to! Nang sa ganon walang hahadlang sa inyo! Kaya tigilan moko, this is all nonsense."

Oo nga, ako nga pala ang may gusto nito diba? Bakit ganto ako?! Bakit?! Kahit ako, di ko masagot. Diko masagot sarili ko at naguguluhan ako. Lumalabo na ang paningin ko at ayan na, nagunahan na sila sa paglabas. Agad kong pinunasan yun. Ayokong makita nya na umiiyak ako kaso nakita na nya. Nakakunot ang noo nya at nakatingin sakin. Lumapit agad sya sakin, "Bat ka umiiyak?"

Umiling lang ako, "Di ako umiiyak." nanginig ang boses ko. Whooo! Giqil aqo! Traydor na boses.

"Look at me." hindi ako tumingin sa kanya. "I said, look at me!" nagulat ako sa sigaw nya kaya inangat ko yung tingin ko. "Ito ang gusto mo, so binigay ko. Sorry. I don't even know where my sorry for. At saka, mas okay naman na diba? Gusto ka na din ni glenn. At ako masaya na ako," tumigil sya saglit. "Kasi kami na ni blyne elocin. She is my girlfriend now. She made me change."







enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon