e 22

693 47 1
                                    

Elocin

Dali dali akong lumabas ng classroom. Hindi ko alam ang marardaman ko, kinakabahan na ewan? Naiinis, na nalulungkot.

Anong ibig sabihin non? Na beki din si glenn?! Wag naman sanaaaaa. Huhu. Juskolord, please, wag naman sana!

Kaya ba all this time, hindi nya ako nagugustuhan? Pero nung nakaraan lang naman ako nagconfess kay glenn diba? Nakasabay ko pa nga yung baklang yon e!

Pero kiniss nya kasi sa cheecks si patrix! Pero, cheecks lang kaso basta ano! WAG NA KAYO MAGTANONG HUHU.

Natahimik na lang ako saka pumunta na ng classroom. Wala pa ding teacher.

"San ka galing, elocin? Kanina ka pa hinahanap! Punta ka stage, may rehearsal kayo." bungad sakin ni ms. president.

Ngumiwi naman ako saka saglit na tinignan si glenn at pumunta na don.

Nakita ko naman na nakaupo si patrix sa may gilid ng stage at nakatulala din. Teka, bat nga pala pumasok 'to? Diba may sakit 'to?

Nagulat naman ako nung tumingin sya sakin. Kaya agad kong iniwas ang paningin ko saka pumunta sa kanya.

"Oh bat nandito ka? Diba may sakit ka?" sarcastic na pagkakasabi ko.

Nakanatiling nakatingin sya sakin kaya medyo nainis ako. Sure akong may sakit pa 'to pero bat pumasok?! Adik e.

"Bat ako pumasok?" mabagal na sabi nya.

Tumango naman ako at saka sya sinamaan ng tingin.

"Diba may rehearsal kaya pumasok ako." kalokohan!

"Duh. As if naman mamatay ka kapag hindi ka umattend dito."

"Gusto kita kasama e."

Medyo natigilan ako. W-watdapak?! Sapakin ako please!

*dug. dug. dug. dug.*

Napalingon ako at nakita ko yung mga estudyanteng nagtatambol. Whoo, akala ko puso ko na yung wait! Tegeeeel.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA"

Inis na tinignan ko sya. Sege, tawa. Grrr, nakakainis!

"Anong akala mo? Na gusto ko talagang kasama ka? Hay nako, elocin. Sorry pero si glenn ang ipinunta ko dito, hinahanap lang naman nya ako." at talagang idiniin pa ang hinahanap.

Dahil sa inis ko, agad kong sinipa ang tuhod nya at galit naman syang tumingin sakin.

"Adik ka ba gurl?! Bat mo sinipa tuhod ko ha?! Eh kung sipain ko yang anes mo ha?!"

"Dat di ka na lang pumasok e! Epal ka! Mas kakayanin ko namang magisa dito! Baliw!"

Tinarayan nya ako kaya tinarayan ko din sya.

Inis na tumalikod ako sa kanya pero sana di ko na lang ginawa.

NATAMAAN LANG NAMAN AKO NG BOLA. BOLA NG VOLLEYBALL MAYGAD.

Agad naman lumapit sakin yung lalake, "Sorry miss, napalakas palo ko. Sorry talaga."

Nakapikit pa din akong hinahawakan yung noo q. Medyo nahilo ako ha. Tangama.

Hinawakan pako sa balikat nung lalake, "Miss, sorry talaga."

Tumango-tango ako pero hindi pa din talaga sya nagtigil! Mas lalo akong nahihilo sa ginagawa nya e.

"Oy, tigilan mo yan."

Dun lang ako dumilat. Nasa harapan ko na si patrix at kasalukuyang nakikipagtitigan dun sa lalake. Sus, wag naman sanang pati eto e magustuhan ni patrix.

Mas nagulat ako ng bigla na lang sinuntok ni patrix yung lalaki. "Hala oy! Gago ka patrix! Tigilan mo yan!"

Agad kong hinawakan si patrix. Tangama, ano bang problema neto?! Saka nanuntok pa?! Wawerz. Shookt ako.

Agad na lumapit samin yung nagtuturo para sa eco rampa at agad silang inawat.

"Ano yan?! Tigilan nyo yan!"

"Sinuntok ako sir e!"

"Manahimik ka na, please lang." tumingin naman sya kay patrix, "Ikaw? Bat mo sinuntok 'to?"

"Bastos ang bunganga nya sir." medyo nagulat pa ako sa tunog ng pananalita ni patrix.

Magsasalita pa sana yung lalaki kaso pinigilan na sya ni sir. "Next time, i don't want to happen this again. I do have many things to do, including this eco rampa. So please, as much as possible don't make some troubles. Understood?"

Tumango lang si sila saka na bumalik yung lalaki.

Naiwan naman kami ni patrix dito na parehas akward. Watda, bastos? Pano naging bastos? Gusto ko pa sana magtanong kaso mukhang hb pa si patrix kaya wag muna hehehe.

Natapos din ang rehearsal at ayown, balik classroom. Hindi ko pa din natatanong si patrix kasi mukhang inis pa din sya.

"Kamusta? Mukhang badtrip si patrix ah!" namamangha'ng sabi ni esa.

Nagkabit-balikat na lang ako.

Pero maya maya pumunta na lang din ako sa kanya. Tinignan ko yung kamay nya at namumula eto, dahil ata don sa suntok nya kanina. Wawerz. Shookt pa den aqo!

"Tinitingin-tingin mo ha? Chaka mo gurl, panira ka lalo ng araw e."

Pagpasensyahan mo na elocin, kalma. "Bobo ka kase e. Bat mo ba sinuntok yon?"

"Bobo ka din!" saglit syang napatigil at tumingin sakin. "Bastos nga kasi ang sinabi nya. Di ka ba nakakaintindi?"

"Eh panong bastos! Ipaliwanag mo kaya para naiintindihan ko duh."

"Gusto mo talaga malaman?"

Tumango naman ako saka naupo sa harapan nya.

"May mga ilang sinabi sya pero ang pinakaayoko sa lahat ay yung," tumitig sya sakin. "Deserve mo daw masaktan." tumawa pa sya saglit. "Kaya ayon, sinapak ko."

POTEK, IS THIS HAPPENING?!

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon