e 36

615 27 1
                                    

Elocin

Medyo nagulat si patrix sa sinabi ko at dahil sa hiya ay nagmamadali akong tumakbo papunta sa bahay non. Ayoko syang makita dahil kinakain ako ng hiya. Kengene naman kasi! Bakit kaya lumabas sa bibig ko yon?!

"Natulala ka na dyan!" inalog ako ni gela. Nandito kami sa may gate at hinihintay namin si esa.

"Ha? Hakdog." inunahan ko na sya. Naiinis ako kasi nauuso nanaman yon. Dati sml ngayon hakdog. Sarap ilagay sa bunganga nilang lahat yung hotdogs e.

Ngumiwi naman sakin si gela. Akala mo ha, uunahan mo pako! Nanahimik na lang sya at tumulala na lang din sa gate. "Nagchat ba sayo si esa? Papasok ba sya?"

Naalala ko tuloy yung tinawagan ko sya. Halatang umiiyak sya non at hindi ko alam kung bakit. "Hindi ko sya nakachat e. Ikaw ba?"

Umiling din sya, "Dineactivate nya yung account nya. Nakakapagtaka kasi mas mahilig pa nga satin magfacebook yon. Ewan ko? Pero feeling ko may problema sya? Puntahan kaya natin mamaya?"

Napatango na lang ako at saka na kami bumalik sa classroom. Pero gusto ko ulit lumabas ng nagtama ang paningin namin ni patrix. Hala jusko! Nahihiya pa din ako tangama.

Yumuko na lang ako saka umupo sa tabi ni gela. Nakakamiss tuloy yung ingay ni jhane saka ni esa hays.

Pumunta sa gitna si ms president, "Okay guys! Tahimik muna! Wala tayong klase ngayon kasi magf-film showing tayo? Okay? Okay. Pumila na kayo! Magkahiwalay ang babae at lalake. Goooow na."

Dali dali naman kaming lumabas, hinanap ng mata ko si glenn at nakita ko syang nakatingin sakin ngayon. Ngumiti pa sya at sinuklian ko din yun ng matamis na ngiti.

Pagkaharap ko ay nagulat ako kasi si patrix nakatingin na sakin. Napapikit pako ng ilang beses saka ako yumuko. Nakakabadtrip naman talaga!

"Hoy elocin! Halika na, bilisan mo. Para doon tayo sa unahan!" agad akong hinila ni gela papasok sa conference. Doon kami umupo sa pinakaunahan.

Nagstart ang movie at nagpapasalamat ako na horror yon. Marami nga ang nagsisigawan lalo na ng pinatay na nila ang ilaw. Si gela nga din ay napapasigaw pati ako. Ilang oras pa ay natapos din yung movie kaya dali dali kaming lumabas para sa recess.

Parang mga zombie kung umatake yung mga classmates ko e. Agad pumasok sa canteen si gela at nagpaiwan na lang ako. Dun na lang kami sa classroom kakain dahil sure akong puno ang canteen. Habang naghihintay ay, biglang lumapit sakin si patrix. Di ko tuloy alam kung tatakbo ba ako o hindi?

"B-bakit?" nasabi ko na lang ng nakitang nakatingin sya sakin.

"Kukuha kasi ako ng straw." sabi nya at narealize ko nga na nasa likod ko pala yung kuhanan ng straw. Agad akong tumabi at kumuha sya don saka umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag pero galit pa din kaya sya sakin? Kainis.

Pagkatapos ng nakakaba at nakakapagod na araw ay nakauwi na din ako sa bahay. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa lesson  namin sa math na Graphing polynomials function. Naloloka ako 'te! Dinaig pa nito yung arithmetic series e. Gusto kong tumalon na lang sa building! Ang dami pa namang assignments!


Umakyat ako sa taas at padabog na kinuha yung math notebook ko, sci cal at papel. Habang tumatagal ay mas kumakalat yung paligid ko dahil hindi ko na talaga magets! Ang daming examples pero wala talaga akong masagutan. Gusto ko na iumpog yung sarili ko.

Dahil sa inis ko ay napasigaw na lang ako. Bakit kasi may math na subject pa? Di naman ako mage-engineer para sukatin yung mga buildings duh. Saka may mga problema din ako math! Dapat inaayos nya sarili nyang problem e.

Natigil lang ako sa pagrereklamo ng may kumatok sa pinto. Aba! Nakalampas sa gate ha! Kapal ng mukha.

Dali dali akong bumaba at nagulat pako ng makita si patrix don. May hawak na notebook. "Ano yon?"

"Oh!" pabato nyang binigay sakin yung notebook.

"Ano 'to?"

"Notebook." whooo! Ang amazing sumagot! "Kopyahin mo na lang yang assignment ko sa math, nandyan. Kesa yung mukha kang baliw at tanga na nags-solve."

Hala, nakita kaya nya ako? Ay bubu elocin! Nasa tapat ka nga pala ng bintana! Lalo tuloy sumakit ulo ko! "Aray! Ano ba!" bigla ba naman akong itulak at biglaan na lang pumasok sa loob.

Umupo sya sa sofa, "Penge naman juice! Nauuhaw nako e."

Natulala pako bago kumilos. Di na ba galit sakin yun? Dali dali din akong bumalik na may dalang juice. Binigay ko sa kanya yon at agad nyang nilagok yon. "Ano tinitingin-tingin mo? Kopyahin mo na yang assignment sa math."

"Pero bakit?"

"Anong bakit? Akin na, uuwi nako at wag ka ng kumopya."

"Ha? Hindi ah! Kokopya ako! Wait lang! Mabilis lang 'to hehehe." umakyat ako sa taas saka kinuha ang phone ko at pinicturan na lang. Kesa mas matagal syang maghintay, isusulat ko na lang mamaya. Bumaba ako at nakita ko lang na nakatulala sya. Agad akong lumapit at inabot sa kanya yung notebook, "Uh....thanks?"

Tumaas ang kilay nya, "Bilis mo naman? Tinitigan mo lang tas naisulat mo na? Tsk."

"Uh, i take a picture of it."

Hindi na lang sya nagsalita. Nabalot kami ng katahimikan kaya medyo naging akward ng biglang tumunog ang phone ko, si esa tumatawag! "Esa?! Hello?"

("I'm in the front of your house.")

Agad kong binaba yung tawag saka ko pinapasok sa loob si esa. Pulang pula yung mata nya at parang hindi sya nakatulog kakaiyak. Watdapak, sino umaway dito? Lagot sakin yon, nabibilang na lang ang araw nya sa planetang earth.

Nagulat pa si patrix sa itsura ni esa. "Hey, what happened?"

Bigla na lang umiyak si esa kaya agad ko syang niyakap at hinayaan ko lang na umiyak. Maya maya humiwalay sya sakin para magpunas ng luha nya. Tinulungan ko syang gawin yon. "Who did this to you, esa?"

Nakatingin lang sya sa mga daliri nya, "Lexius broke up with me. I'm sorry..."

Medyo natigilan ako kasi hindi ko alam na may boyfriend sya. Never nyang sinabi samin. Pero hindi ito ang tamang panahon para magalit sa kanya, "Bakit ka nags-sorry?"

"Kasi hindi ko sinabi sa inyo?" kinagat nya yung labi nya at pinipigilan nyang umiyak. "Pinagpalit nya ako sa ibang babae elocin." tas tuluyan na syang umiyak. Niyakap ko ulit sya at yumakap din sya sakin.

"Shhh. Tahan na, di nya deserve yung luha mo. Magiging maayos din ang lahat."

Hinagod naman ni patrix yung likod ni esa, "You want to take a revenge?" agad kong sinamaan ng tingin si patrix. "What? Charot lang talaga yon."

"Sino?" sabi ko saka mas tinignan sya.

"Yung lexius? Right?"

"Kausap mo?"

Halos mamatay naman sa kakatawa si esa and i'm happy for that. I make her laugh! Tinarayan ako ni patrix.









-----------
sorry sabog ako hehehe araw araw ako sabog ha hakdog

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon